Chapter 7

9 3 0
                                    

Chapter 7: Rooftop

Krystal's Point Of View

Makalipas ng ilang oras ng pagdi-discuss ni ma'am ay lunch break na.

KAINANNN TAYMMM NAAAAA

PERO-

Hindi ako pupunta sa dining hall.

Kahit gutom na gutom ako, hinding-hindi ako pupunta sa dining hall.

Natatakot ako...

Natatakot ako na baka may mangyari nanaman ulit at paparusahan nanaman kami ni ma'am Karina.

Kaya ayokong pumunta doon.

Kahit na kumukulo na ang tiyan ko dahil sa gutom ay wala akong nagawa kundi maglipit nalang ng mga gamit sa aking mesa.

Tiis gutom muna tayo ngayon. Basta hindi talaga ako pupunta sa-

Sandali akong natigilan nang may nakita akong isang paperbag sa loob ng aking bag.

Teka- bat may paperbag? Wala naman akong bini-

AY OO!

NAGDALA NGA PALA AKO NG GINANGGANG SAGING PANG-BAON KO SA SCHOOL!

Parang biglang gumaan ang aking pakiramdam at lumiwanag ang buhay sa nakita.

Saktong-sakto dahil gutom na rin ako!

Dali-dali kong niligpit ang aking mga gamit para sana umalis at kakainin ito sa labas kaso-

"Hoy! Get me some water now!" parang biglang nandilim paningin ko nang marinig nanaman ang boses ni Giovanni.

Utos nanaman?!

Ika-singkwentang utos na 'to ni Giovanni sa 'kin oh!

- Earlier -

"Hoy pulutin mo nga 'yung papel ko sa sahig!"

"Krystal wipe my glasses."

"Find my pen, Krystal."

"Miss germs paki wash mo hands mo bago mo linisin ang bag ko."

"Krystal find page 35 sa libro ko."

"Hoy! Tie my shoelace!"

"Hoy itapon mo nga 'to!"

.......

- End -

KRYSTAL AT HOY AT KRYSTAL AT HOY!

WALANG KATAPUSANG KRYSTAL AT HOY!

Parang mababaliw na talaga ako sa mga utos nila sa 'kin!

Hindi ako makapag-concentrate at makapag-focus sa klase kanina dahil utos ng utos sila sa 'kin!

Kahit maliliit lang na bagay, o kundi pagpulot lang sa nahulog na ballpen, uutusan pa ako?!

Wala ba silang kamay ha?! Sinasadya ba talaga nila lahat ng 'to dahil undercoin nila ako?!

"Hoy are you deaf?! I said get me some water now!" inis na sigaw ni Kuneho sabay bato ng papel sa ulo ko.

Anak ng-

Buti pa 'yung Diyos may sampung utos lang eh 'yung sakanya?

UNLIMITED!

Rikion HighWhere stories live. Discover now