Chapter 12

13 4 0
                                    

Chapter 12: Past Vs. Present

Warning: This chapter contains strong language. Read at your own risk.

Krystal's Point Of View

Hindi ko siya kayang tignan sa mga mata. Nakayuko lang ako habang nakatalikod sakanya.

Ayokong tumingin sakanyang mga mata dahil naaalala ko ang ginawa ko sakanya dati.

Nagui-guilty ako at nilalamon ako ng konsensya sa tuwing nakikita ko ang peklat sa pisngi niya.

Kahit na may kasalanan siya sa 'kin, malaki parin ang kasalanan ko sakanya.

Pagkatapos ng aksidenteng 'yun, nagbago ang lahat. Galit na galit sa 'kin ang mga estudyante, nakakatanggap ako ng mga death threats at syempre pinalayas kami ni kuya sa paaralan.

Kaya ngayon, ayokong tumingin sakanyang mga mata.

Naaalala ko ang lahat ng mga ginawa ko.

Gusto ko nang umalis...

Akmang aalis na sana ako nang bigla niya akong hinawakan sa pulsuhan. Nakaramdam ako ng kaba kaagad at hindi nakagalaw sa aking kinatatayuan.

"Hindi ka ba magso-sorry? Pagkatapos mo 'ko binangga?!" galit niyang tanong sa akin pagkatapos ay hinigpitan ang pagkahawak sa pulsuhan ko.

N-nasasaktan ako...

Kahit na ayoko siyang tignan, wala akong nagawa kundi ang lumingon sakanya at ang unang bumungad sa aking mga mata ay ang peklat sa pisngi niya.

A-ang laki pala...

Nagui-guilty nanaman ako at kinakain nanaman ako ng konsensya pero-

G-gusto ko na talagang umalis...

"P-pwede mo ba akong bitawan C-cyrel? " kalmado kong sabi kay Cyrel habang ramdam na ramdam ko ang lakas na kabog ng dibdib ko.

Wala naman siyang naging reaksyon at seryoso lang ako tinitignan sa mga mata.

"Hala pre! Palaban talaga ang ex mo 'no?" sabi naman nung linta na sarap asinan.

"Shut up," sabi ni Cyrel sakanya at tumingin ulit sa 'kin, "bitawan ka? After mo 'ko binangga at tinapon ang shake ko?!"

Napapikit nalang ako ng mga mata nang maalala nanaman ang mga ginawa niyang pananakit sa 'kin sa tono ng boses niya.

Naalala ko nanaman ang nakaraan.

Ang nakaraan na pilit kong ibaon sa limot pero bumabalik parin.

"B-bitawan mo na ako Cyrel, p-pakiusap." pagmamakaawa ko pero mas lalo lang niya hinigpitan ang paghawak sa 'kin.

"At paano kung ayoko?" tanong naman niya at tinignan ako ng nakakamatay na tingin.

Napakagat ako ng ibabang labi at napayuko nalang nang maramdamang tutulo na ang mga luha ko.

N-natatakot ako...

Natatakot parin ako sakanya...

Hindi parin siya nagbago...

"LOOK AT ME!" galit niyang sigaw at bahagya akong hinila palapit sakanya.

Wala akong nagawa kundi nakayuko lang habang palihim na umiiyak sa kanyang harapan.

S-SASAKTAN NANAMAN NIYA A-AKO!

Rikion HighWhere stories live. Discover now