Chapter 13

17 4 0
                                    

Chapter 13: My Weakness

Krystal's Point Of View

Tulala akong naligo, tulala akong nagbihis, tulala akong kumakain, tulala ak-

"Krystal anak may problema ba? Kanina ka pang tulala diyan ah?" bigla akong natauhan nang marinig ang boses ni papa.

"H-ha? Po?" tanong ko agad sakanya.

Nasa harap kami ng hapag kainan ngayon, kumakain ng almusal.

"May problema ka ba? Kanina ka pang tulala diyan," nag-aalalang tanong ni papa habang seryoso akong tinitignan.

OPO PA! MAY PROBLEMA AKO! MAY PROBLEMA AKO SA UTAK!

PABALIK-BALIK SA UTAK KO ANG MGA TANONG NI KUYA KAHAPON!

- Kahapon -

'SINO 'YUNG UMUUNGOL NA LALAKI?! BAKIT MAY UMUUNGOL?!'

'NAG CLU-CLUB KA NA BA HA?! SAN KA GALING?!'

'MAY TRABAHO KA BANG KABASTUSAN?! KAYA BA MATAGAL KANG NAKAUWI?!'

'NAKU TALIA PAG MAY GINAGAWA KA TALAGANG KABASTUSAN SA BUHAY MO, KAKALBUHIN TALAGA KITA!'

'SAGUTIN MO NGA AKO NG MAAYOS! ANO BA KASI 'YUN HA?! MAY JOWA KA NANAMAN BA?!'

'ALAM MO TALIA, MAMAMATAY AKO NG MAAGA DAHIL SA 'YO! MAY TRABAHO KA BANG KABASTUSAN O MAY JOWA KA?!'

'TANDAAN MO HA NA AYOKO MUNA NG PAMANGKIN!'

- End -

KAYA TULALA AT LUTANG AKO NGAYON DAHIL 'YUN LANG ANG NASA ISIP KO!

PARANG SIRANG PLAKA SA UTAK KO 'YUNG MGA SINABI NI KUYA SA 'KIN KAHAPON!

Namumula talaga 'yung mukha niya sa galit na parang bubuga na siya ng apoy.

Tanong to da max talaga siya kung may trabaho ba raw akong kabastusan at kung sasagutin ko naman, 'di naniniwala.

Grabe... Trabahong kabastusan daw...

'YAN BA TALAGA ANG TINGIN NIYA SA 'KIN?! MAGTATRABAHO NG KABASTUSAN?!

Awch...

Bigla naman akong napalunok ng laway nang magtagpo ang mga mata namin ni kuya.

'Y-yung mga mata niya... nakakatakot...

Tinitignan niya ako na para bang sobrang laki ng kasalanan ko sakanya...

Kung nakakamatay lang talaga ang kanyang mga tingin, matagal na siguro akong lumilipad sa langit.

"Mga anak may nangyari ba?" kaagad akong napalingon kay papa nang marinig ang boses niya.

"P-po? Ay w-wala po..."

"Sigurado ba kayo? Kanina pa kasi kayong nagpapatayan ng tingin diyan." sabi pa niya.

Napatingin naman ako ulit kay kuya at nakatingin pa parin siya sa 'kin. Bigla nalang akong kinalibutan at umiwas kaagad ng tingin.

G-grabe naman si kuya! P-parang may balak akong patayin!

"Kenneth at Krystal, may gusto pala akong sasabihin sa inyo..." saad ni papa kaya awtomatiko kaming napatingin sakanya. Pansin kong para siyang excited sa sasabihin pero kinakabahan din.

"Ano po 'yun?" nakangiting tanong ko naman dahil nakangiti rin siya.

"M-may nahanap na akong magandang trabaho..."

Rikion HighWhere stories live. Discover now