Chapter 17

13 4 0
                                    

Warning: This chapter contains bullying and strong language. Read at your own risk.

Chapter 17: Are you a free student?

Someone's Point Of View

"Kumusta na sila? Kumain na ba sila? Did they already brush their teeth? Did you read them bedtime stories? What are they doing right now?" I asked Marie through phone, one of my son's maid while sitting on the couch, smoking as always.

["Sir, okay lang naman po ang mga anak ninyo. Tapos na po silang kumain at tapos na po sila magsipilyo. Sa ngayon po, nasa sofa po silang dalawa naglalaro, naghihintay kay Young Master."]

"What?! Why? Hindi pa ba siya nakauwi? Hindi pa ba tapos ang kanilang klase?" I asked.

["Sa pagkakaalam ko po, 'yung uwian daw po nila is 3:45 p.m. pero 6:07 p.m. na po kaya wala na po siguro 'yon sa paaralan. Nasa bahay po siguro ng mga barkada niya."]

Hmmm gala nanaman...

"Okay, so did yo-"

["Keunice at Gabe! Huwag kayong tumakb-

["KUYAAAAAAA!"]

I guess nakauwi na 'yung batang 'yon...

[S-sir! Kailangan ko na po itong ibaba! Nakauwi na po si Young Master!"]

I knew it.

"Okay Marie, update me everyday, always. By the way I'm gonna send your 50k na."

["Okay po. Salamat po talaga sir,

... Flaurer."]

°°°°°°°

Krystal's Point Of View

Habang naglalakad sa hallway papuntang room ko, iniisip ko parin ang nangyari kahapon.

'I switched our test papers before Levi passed yours.'

Pabalik-balik talaga sa utak ko 'yung sinabi ni Giovanni.

Talaga bang pinalitan niya 'yung test papers naming dalawa? Eh bat naman? P-paano na siya? Paano na 'yung grado niya?

Ibig ba sabihin parang sinakripisyo na rin niya 'yung grado niya para sa 'kin?!

EH BAT NAMAN?!

Hindi ako masaya o galit sa ginawa niya. 'Yung iniisip ko lang ang grado niya.

KAILANGAN TALAGA NAMIN MAG-USAP NGAYO-

Natigilan ako sa paglalakad nang mapansin kong may pinapalibutan ang mga estudyante sa loob ng dining-hall na naging dahilan ng gulo.

Hmm? Ano meron?

May nakita akong dalawang estudyante papunta sa dining hall at narinig ko ang pinag-usapan nila.

"Bestie! We need to go there!"

"I know! Tara!"

Mukhang eksayted talaga sila at dali-dali pang pumasok sa loob kaya na curios tuloy ako.

Hindi naman sa makichismis pero...

GUSTO KO RING PUMUNTA DOON! HEHEH!

Malay mo, may pa-ayuda pala sa loob.

Rikion HighWhere stories live. Discover now