Chapter 11

18 4 0
                                    

Chapter 11: Mall

Krystal's Point Of View

Parang biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko nang makita ang mukha ni Giovanni. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon, kinakabahan at pinagpawisan.

"A-anong ginagawa mo rito?" ang unang lumabas sa aking bibig pero ngumisi lang siya.

Dahan-dahan naman bumaba 'yung isa pang bintana na nasa kanyang likuran at bumungad sa 'kin ang nakangiting mukha ni Andrei.

"Hi Krystal! Pabili ako!" nakangiting sabi niya habang tinuturo ang aking basket.

Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita siy- hindi, silang apat pala.

Kompleto silang apat. Kompleto ang 5SFYFOS sa loob ng sasakyan.

Napalunok ako ng laway at mas lalo pang kinabahan.

ORAS NA PARA TUMAKAS.

Akmang tatakbo na sana ako upang tumakas kaso biglang lumabas si Giovanni sa kanyang sasakyan at mabilis akong binuhat na parang isang sako.

"HOY ANO BA?! IBABA MO NGA AKO!" malakas kong sigaw sakanya at hinahampas siya sa likod pero hindi man lang nakinig ang timang o nasaktan man lang. Pinagtitignan tuloy kami ng mga tao.

Teka- pinagtitignan kami ng mga tao! Alam kong iniisip nila na kinidnap ako!

Sisigaw na sana ako upang humingi ng tulong kaso may sinabi si Giovanni na agad na nagpatigil sa 'kin.

"Subukan mong sumigaw, hindi ka na talaga makakalakad bukas."

Loh. Juk lang ih.

Mabilis niya akong pinasok sa loob ng sasakyan pagkatapos ay tumabi sa 'kin.

Lalabas sana ako sa pinto pero kaagad niya itong ni-lock kaya lumipat ako sa kabilang pinto pero mabilis din itong ni-lock ni Stephen.

Anak ng-

Napagitnaan ako nilang dalawa!

Kaagad akong tumingin sa likod para doon sana lalabas ngunit nakita ko naman ang nakangiting mukha ni Andrei.

POT-

Bigla niyang inagaw sa 'kin ang aking basket at dali-daling kinain ang paninda ko.

AS IN 'YUNG LAHAT TALAGA KINAIN NIYA SABAY-SABAY.

"HOY!" saway ko kaagad sa gunggong pero hindi siya nakinig at pinagpatuloy lang ang paglamon.

"Krystal bayad ako later huh," sambit nito habang puno-puno ang bibig ng pagkain.

J-JUSMEH.

Tumingin ako kaagad sa harapan para don din sana lalabas kaso nandun naman si Alexander na nakaupo sa driver seat at si Justine na nasa tabi niya. Sabay nilang ni-lock ang pinto pagkatapos ay ngumisi.

Edi babye buhay.

"Gusto mong lumabas?" napatingin ako kaagad kay Giovanni nang tinanung niya 'yun.

Seryoso siyang nakatingin sa 'kin at mukhang naghihintay sa aking sagot kaya mabilis akong tumango bilang pag 'oo' pero ilang saglit lang, ang seryoso niyang mukha ay napalitan ng isang ngisi.

'Yung ngising may binabalak.

"Do you really think makakalabas ka pa?"

Rikion HighWhere stories live. Discover now