CHAPTER 32

133 7 0
                                    

32 of Chapters~

Threatened

As the days passed, palala lang ng palala ang takot na nararamdaman ko. Sa tuwing mawawala sa paningin ko si Jaime ay nagpa-panic agad ako. Takot na takot na baka kunin ito ng kung sino mang nangahas na magpadala ng death threat saamin.

I told Caleb that we should confess it to the cops, but he refuse to follow me. Ang sabi nya ay may inutusan na raw sya para imbestigahan ang nangyayari. Hindi daw namin pwedeng isumbong ito sa mga pulis dahil baka mas lumala lang ang problema. At sabi pa nya ay matagal daw kumilos ang mga pulisya kaya nagpa imbestiga nalang sya sa sariling tauhan.

Kahit pa nga ba may mga nakabantay na hindi kalayuan sa bahay namin ay hindi ko parin maiwasang kabahan. Tuloy ay palagi akong nakabantay sa anak ko upang masigurong ligtas ito at hindi mawawala.

Sa tuwing gabi ay sa tabi ko natutulog si Jaime, hindi na ako mapakali matapos makatanggap muli ng pangalawang kahon. May laman iyong damit ng anak ko at may dugo muli. Hindi ko alam kung saan nila nakuha ang damit ni Jaime. Napapraning na ako kung minsan sa tuwing nasa front yard lang ako ng bahay. Panay tingin din ako sa mga damit ng anak ko.

It's scaring me knowing that my son is involved here. Though he's innocent of what's happening, I'm still nervous. Scared I might lost him one time.

"Papa? Bakit po umiiyak si Mama every night?"

Rinig ko ang boses ni Jaime Isang araw habang gumagawa ako ng tanghalian namin. Hindi pumasok si Caleb sa trabaho, well ilang araw na syang hindi pumapasok dahil sa pag aalala saakin at sa buhay ng anak namin. Hinahatid nalang ng tauhan nya ang mga papers dito sa bahay at dito nya rin tatrabahuin.

"We have a problem, and it's for adult only to take." sagot naman ni Caleb sa anak.

"Tulungan mo po si Mama sa problem nya, Papa. Para hindi na sya sad at umiiyak."

That melted my heart. My son really loves me and care for me. Kahit pa buhay nya ang nanganganib ay sya pa itong nagpapalakas saakin. Totoo ngang kung sino pa ang nasa nakakatakot na sitwasyon ay sya pang magpapalakas ng mga loob natin. Ipapaalala nila na kailangan nating maging malakas para sa mga taong mahal natin, na kailangan nating lumaban para makapagpatuloy.

And I should be strong for him, I should not be threatened just because someone is trying to ruin my family.

"Lunch is ready!" I said.

Mabilis namang nagtatakbo ang dalawang bata palapit da dinning table. I help them seat on their usual and give them plates. Ako narin ang naglagay ng kanin at ulam sa plato nila.

"Love..."

Napatingin ako kay Caleb na nasa usual seat nya narin. Binigyan ko sya ng nagtatanong na tingin bago lapitan.

"Seat here beside me, I know you won't eat again." Mahinang usal nya, takot na baka marinig ng anak.

Umiling naman ako at nginitian sya. "Okay lang ako, busog pa naman ako eh."

Pero hindi sya nagpatalo. Hinila nya ang isang upuan palapit sakanya at pinaupo ako. Sya rin ang naglagay ng kanin at ulam sa plato ko, or sa plato nya I mean.

"Eat. Your not okay because you look pale, do you think I'm happy of what your doing?" tunog pagalit na ang boses nito.

Ayaw ko mang kumain ay napilit nya ako. He just won't stop until I ate, galit sya dahil pinapabayaan ko raw ang sarili ko, when in fact ay hindi dapat.

"Caleb, tama na busog na ako." ani ko ng muli nyang lagyan ng kanin ang plato namin.

"No, eat more. Hindi ako natutuwa na pumapayat ka, Jalirah. I didn't take you back just to let you thin."

His New Secretary (Good at Pretend Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora