CHAPTER 14

151 9 0
                                    

Chapter Fourteen~

I'm getting ready for the party. Maya-maya ay dadaanan daw ako dito ni Yas para sabay na kaming pupunta sa party ni Tita Cassie. Hindi ko pa nga alam kong paano haharapin ang ginang. Malamang magugulat sya oras na makita ako. Sa tagal ko ba namang hindi nagparamdam sa kanila, sino ang hindi magugulat?

Tita Cassie has been part of me since the day Caleb introduce me to her. She's always been good to me, hindi nya pinaramdam na iba ako sakanila. Like, she treat me well. She also treat me like I'm her own daughter. Wala naman kase itong anak na babae, only son si Caleb.

Anyway, dahil aalis ako ngayon ay si Shen muna ang bahala sa anak ko. Nabihisan ko na din naman ito ng pantulog at napakain narin. Nabilinan ko narin si Shen na bago matulog ang bata ay titimplahan nya muna ng gatas.

"Mama, sama nalang po ako sayo." pamimilit ng aking anak habang narito kami sa sala at hinihintay si Yas.

Binalingan ko ang anak ko at hinawakan sa kamay. "Anak, saglit lang si Mama. Tingnan mo pag-gising mo bukas nandito na ako."

Ngumuso naman ito at nagpapadyak pa. "Mama, please? Please po, Mama?"

Napabuntong hininga nalang ako. Hindi nya talaga ako titigilan, pero hindi ko naman sya pwedeng isama dun. Makikita lang sya ni Caleb at sigurado ako na baka mamukhaan pa nya ang tatay nya roon. It would be a big revelation when it happens.

"Anak—"

"Nandito na'ko!" Yas shouted from outside.

Thank God she came right at these time. Hindi ko na kase alam ang sasabihin ko sa anak ko. Baka kunting pa-cute nalang nito ay papayag na talaga ako na isama sya kahit delikado sya doon. Hays!

"Alis na si Mama, anak. Paka-bait ka kay Tita Shen ha?"

Tumayo na ako at binitbit ang regalo ko para kay Tita Cassie.

"Mama,"

Tiningnan ko ang anak ko. He keeps on saying na sasama sya saakin. Eh hindi naman pwede.

"Pasyal tayo sa Sunday, baby promise sa'yo 'yan ni Mama. Sige na dun kana kay Tita Shen— Shen!" I said and called Shen.

Agad naman itong lumabas sa lungga nya— I mean kwarto at lumapit saamin ni Jaime. She put her both hands on my son's shoulder.

"Sige na, I'll take care of him." Aniya.

I nodded my head and kiss my son's forehead. Sinenyasan ko si Shen na tawagan ako kapag may nangyaring masama sa anak ko. O kapag kailangan nya ng tulong sa pag scolding ng anak ko. Minsan kase sinesermonan ko rin ito kapag subra na sa limits nya. Ang bata nya pa naman.

Agad na akong lumabas ng apartment at niyaya si Yas paalis. Nag-taxi lang kami papunta sa bahay ni Tita Cassie, doon kase ginanap ang party nya.

When I step outside the taxi, parang nanlamig ang buong katawan ko. Naisip kong wag nalang tumuloy sa loob but something is pushing me up para magpatuloy ako.

"Let's go, babes." Yaya saakin ni Yas.

Wala na akong nagawa ng hilahin na ako nito papasok ng gate. Everybody is busy talking to someone, tila may kanya-kanyang mundo pero dama mo parin naman na may birthday ngayon.

I haven't seen Tita Cassie, mukhang nasa kitchen na naman ito at tumutulong sa mga katulog nya.

"Napaka-g*go mo talaga eh 'no?"

Napatingin ako sa lalaki'ng nagsabi non. He's talking to someone, hindi ko makita ang mukha nila dahil medyo madilim sa parte kung nasan sila.

"Abno! Anong g*go ako? Ikaw 'yun!" Sabi naman nong kausap nya.

His New Secretary (Good at Pretend Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat