Bumuntong hininga ito tapos inayos ang buhok niya. "Sige na, magpunas ka. Tingnan mo sarili mo. Naaawa ako sa 'yo, eh."

"Sorry."

"'Wag kang mag-sorry. Pahinga ka, tapos ikwento mo sa 'kin kung anong nangyari, ha?"

Hindi siya sumagot.

Yumuko tuloy ito para silipin pa talaga ang mukha niya. "Ha? Fina?"

She just nodded. Pero ang totoo, hindi niya alam kung kaya niya ba talagang magkwento. Ano na lang ang sasabihin nito 'pag nalamang pumatol siya kay Jett na may girlfriend. Magkakilala pa naman ang dalawa.

"Okay. Tara na." Binitbit na ni Pierre ang bag niya pagkatayo nito, tapos hinawakan ang kamay niya para alalayan na rin siya sa pag-alis.

"Tumahan ka na," sabi pa nito. "Dadaan tayo sa maraming studyante, baka mamaya isipin nila pinaiyak kita. Hindi kaya ako nagpapa-iyak ng babae."

Sinunod niya agad ito kahit na alam niyang pinapatawa lang naman siya nito. Pinahid niyang maigi ang mga mata niya. Nakakahiya kay Pierre, sikat pa naman ito sa campus.

***

Dumaan sila sa main lobby ng university.

Nakayuko lang siya habang naglalakad sila ni Pierre. Buti na nga lang hawak-hawak nito ang kamay niya kasi feeling niya may mababangga siya sa daan. Nanghihina pa kasi ang mga legs niya dahil sa ginawa sa kanya ni Cielo sa C.R. Nakakapagod tuloy maglakad.

Ayaw niyang magpakita ng mukha dahil alam niyang obvious na obvious ang pamamaga ng mga mata niya. Ang dami pa namang estudytante dahil may event na naman yata mamayang hapon.

"Okay ka lang?" biglang tanong ni Pierre.

Nag-angat siya rito ng tingin. Alalang-alala pa rin ang mukha nito. 'Di siya sanay na hindi makita ang smiling face at happy aura ng kaibigan niya.

Pinilit niyang ngumiti nang matamis. "'Wag ka nang mag-alala sa 'kin."

"Pa'nong 'di mag-aalala? E 'yung iyak mo kanina para kang sinugod ng kung sino tas inaway ka."

Napaiwas siya ng tingin. Ganon ba talaga katindi ang iyak at hitsura niya para mahulaan nito kung anong tunay na nangyari?

Bigla naman nitong hinaplos ang buhok niya. "O tama na, baka umiyak ka na naman. Nandito na 'ko. 'Wag ka nang umiyak-iyak diyan."

"Thank you."

Ngumiti ito.

Seryoso siya sa thank you niya. Kung alam lang ni Pierre kung gaano siya ka-thankful dahil magkasama sila ngayon. She feels safe. 'Yung tipong kahit makasalubong niya si Cielo ngayon, hindi siya gaanong matatakot kasi alam niyang po-protektahan siya ni Pierre. Ibang-iba 'yon sa pakiramdam 'pag si Jett ang kasama niya - 'yung palagi siyang kinakabahan.

Ngayon, kahit papa'no feeling niya may kasangga siya. At si Ellie, alam niyang nag-aalala rin 'yon sa kanya. Mamaya ite-text niya na lang ito para sabihing safe niyang nakauwi dahil hinatid siya ni Pierre.

"Oy, Pierre!" Bigla namang tawag ng isang lalaki mula sa kasalubong nilang grupo.

Napatigil agad sila sa paglalakad. It's Gio. Tsk, bakit ba napaka-wrong timing ng lahat? Nagtago na lang agad siya ng mukha sa braso ni Pierre.

Lumapit si Gio kay Pierre at nakipag-apir. "May practice mamaya. Punta ka?"

"Malamang. Ihahatid ko lang 'to si Fina sa bahay nila ta's papasok ako sa klase ko. 7 pa naman practice, 'di ba?"

"Oo, 7 pa. Bakit, anong nangyari kay Fina?"

Pasimple siyang sumilip kay Gio nang magtanong ito.

Mending Fina [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt