"Yes, you are!" Putol nito sa aking sasabihin. I stared at her for a moment before bowing my head in shame.

"I'm sorry," mahina kong sambit, "I'm just looking for someone na magiging kakampi ko because," inangat ko muli ang tingin sa dalawa ng may luha sa mata, "I don't feel safe with my Dad ever since he slapped me at my condo, na hindi ko alam kung paano niya nahanap."

I stood up from my seat and started to head towards the door to leave when my Mom said something na imbes na magpaginhawa sa akin ay lalo lamang ako nalumbay.

"I'm sorry, Dione," napatigil ako sa pagbukas ng pinto at napapikit.

"It doesn't matter." Mahina kong sambit at lumabas na bago kuhanin ang cellphone na nasa purse ko na hawak.

I started to dial Kale's number pero cannot be reach si tanga kaya si Ate Sid na lang tinawagan ko; wala nang hiya hiya, 'nyeta.

[Yes, mahal---]

"Can you fetch me?" Nanginginig ang boses na sabi ko. Nakarinig naman ako ng balikwas sa kabilang linya kaya napayuko ako. She probably knows my state right now.

[Where are you? Are you okay?] Medyo natataranta nitong tanong kaya natawa ako ng mahina dito. Takot na takot yarn?

"I'll send you my Mom's address and yes, I'm okay. No need to worry," sabi ko na lang at nakangiti na habang kausap ito.

Ayon, nakangiti na ako pag kausap siya. Game over, Dione.

[Okay. Do you need anything?] Tanong nito. Rinig na ang pag aayos nito sa kabilang linya.

Napaisip ako sa tanong nito before smiling to myself. There's only one thing or someone that I need right now.

"You."

[W-What?]

"Ikaw ang kailangan ko kaya bilisan mo!" Natatawa kong sambit bago babaan ito ng tawag dahil nagsisimula na mag sink in sa akin 'yung sinabi ko sa kaniya. Namumula na rin ang mukha ko, lintek.

Tiklop naman pag nandyan na siya!














Katahimikan lang ang namayani dito sa loob ng makasakay ako dito sa kaniyang sasakyan. Palingon-lingon din ito sa akin, animo'y may gustong sabihin pero pinipigilan ang sarili.

Nang akmang magsasalita na ito pero pinigilan pa rin ang sarili ay nagsalita na ako.

"What is it?"

"Are you okay?" Mabilis na saad nito kaya napangiti ako. She's cute.

"Yes, of course," sambit ko ng nakangiti pero hindi man lang ito nagbigay ng ngiti at tiningnan lang ako.

"You don't need to lie, you know," buntong hininga nito at binalik ang tingin sa daan.

"Magtatanong ka tapos 'di ka maniniwala," naiiling kong sambit. Madami kasing ganiyan--- magtatanong tapos hindi maniniwala. Nagtanong pa sila, 'di ba?

"Well, your eyes say you're not okay. Alin ba dapat paniwalaan ko?" Nakangisi nitong sagot sa akin. Napairap naman ako pero may ngiti na nagbabadyang lumabas.

"Syempre, ako," mayabang kong saad pero umiling lang siya at tumingin sa akin.

"I like your eyes more. Mas gusto ko siyang paniwalaan." Natatawang pahayag nito habang nakatingin sa akin. Naka red pa naman kaya pwede pa itong hindi tumingin sa daan.

Inirapan ko siya, "E 'di 'yung mata ko ligawan mo," hindi nagbibiro kong saad kaya napahagalpak ito ng tawa bago mapailing.

"Okay," kibit balikat na sambit nito kaya 'di makapaniwala na tumingin ako dito.

Wild Heart (Eastwood University Series #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon