Tama si Kuya. Para nga kaming bulag. As in pitch black talaga sya. Daig pa nito pag nakapikit ka. It's scary... But at the same time one of the most beautiful thing I've "seen".

Yung pagkamangha ko kanina, may mas ikamamangha pa pala yun... Super ganda dito.

"Ang dami nya pong sinasabi diba?"

"Huh?" Lingon ko kay Kuya.

"Sinasabi nyan na mahirap maging bulag hahaha" haha adik talaga to si Kuya eh.

"Ah ahaha" tawa ko ng kaunti. Maging polite ba. Kahiya naman sya lang natawa eh HAHA

"At sinasabi din po nyan na kahit gaano mo pa katagal lingunin ang nakaraan... Wala ka nang makikitang kulay... At di mo na dapat balikan... Kasi baka makulong ka at di mo na malaman kung nasan ang daan..." Dagdag naman nya.

Wow ang deep ni kuya hahaha may hugot to ahahaha pero may point sya.

Ngumite nalang ako at nanahimik nang may biglang sumali sa usapan...

"Meron namang kulay ah... Black nga lang... Anong masama sa pagtingin sa black?" Bulong nitong katabi ko. Nakalingon padin sya sa likod.

Yung tono ng boses nya... Sad. Yung sad na alam mong pinagtatakpan. Ganito pala makarinig ng kalungkutang pilit tinatago.

"Black encourages the imagination of a different world from that of daylight realities."

"So? Masama?"

"Hindi naman... Wala namang masama dun eh... Ang masama..."

Sabi ko habang dahan dahan kong hinawakan ang pisnge nya at pinaharap ang tingin nya.

"Ang masama... yung ang dami mo nang hindi nakita sa kasalukuyan kasi nakalingon ka padin sa nakaraan"

Tinanggal ko naman ang kamay ko at saka sya yumuko ng unti.

"Paano kung yung masasayang alalaala mo ang nililingon mo?" Tanong nya.

"Does it matter? Ang point is, nakukulong ka sa past mo. Sige ka, baka mapagkamalan mong yan padin ang present mo haha"

"Tsk. Pwede ba yun..."

"Oo naman... Bakit? Lilingon ka ba sa nakaraan mo kung masaya ka sa kasalukuyan? Ibig sabihin nabubuhay ka padin sa nakaraan."

"Tsk. Bakit Dami mong alam?"

"Ahaha masama ba yun?"

"Psychologist ka noh?" Taas kilay nyang tanong sakin.

I just smiled and said, "No personal questions."

-----

Vic's POV

No personal questions.

Linya ko yun eh!

Grrr. Feeling ko naisahan nya ko dun.

At saka bakit ba din kasi ako nagtanong ng nagtanong? Tsk. Binulong ko lang naman yun tapos narinig nya pala -_-

Si kuya bangkero din naman kasi, ang daldal eh!

Hay... Ewan ko. Basta... Ayoko talaga sa kanya.

Nagproceed kami sa island hoping adventure na kasama din sa tour na to. Parang nag "stop over" naman kami sa island na to. Sabi two hours daw kami magliwaliw dito. Have lunch. Unwind. And later magsnorkeling daw kami sa kabilang island.

Nakapagpalit nadin kami ng damit. At si Dora? Ewan ko dun. Baka nag explore haha.

Naka shorts at sleeveless shirt lang ako. Then shades on. Simple lang. Pero gwapo na ahahaha lakas! :)))

Folie A DeuxWhere stories live. Discover now