Chapter 32

78.7K 3.1K 3.2K
                                    

SHEVAYA

"Just wanna see her,"

"Palalayasin tayo ni Tita sa ginagawa nyo."

"Haven, move. I'll knock."

"No, Heather, you move. I'll knock."

"Don't be papansin, Harper. Lumayas ka jan."

"Gosh, tumigil nga kayo. I'll knock."

"Diba you told us that she's your friend? Umalis ka, Ate Rho. Don't be papansin like Harper."

"Hala, ang bastos ng bunganga mo ah."

Rinig na rinig ko ang bardagulan mula sa labas ng kwarto. Nangunguna na ang boses ni Rhoann. Second day ko pa lang sa bahay ni Miss Harriet--na gustong magpa tawag ng mommy, tapos heto na nga.

Sina Haven, Harper, Heather, Rhiann at Rhoann.

"Ako na nga kasi--" before they could even knock on my door, ako na mismo ang kusang nag bukas ng pinto. Reason kung bakit sa mukha ko tumama ang kamao ni Rhoann na handa ng kumatok.

"A--ray," inalis ko ang kamay nya. "Rho, ano ba?" lahat ng mga nangyayari ngayon ay bago sa'kin, gustuhin ko mang bumalik sa dati naming bahay, alam kong hindi na ako ligtas d'on.

Mainit din ang mata sa'kin noong pamilya ng lalaking naka-patay kay Lola.

Sa'kin pa talaga magagalit, kamag-anak na nga nila ang may atraso sa'kin.

"Sorry," Rhoann said.

Tiningnan ko isa isa ang mga taong kaharap, at kahit na magkakasing-tangkad lang naman kaming lahat, nakaramdam pa rin ako ng pangliliit.

Matatangos na ilong, mapuputing balat, ang gaganda sa suot nila, ang se-sexy. Talaga bang kamag-anak ko ang mga 'to?

Parang yung mga napapanuod ko sa Royal Family kung titingnan silang lahat.

"She's pretty naman pala," sabi noong babaeng pinaka bata sa kanila. May kamukha sya na malamang ay kakambal nya.

"Yep, she's maganda. We're out." sabay na umalis ang mga ito sa tapat ng kwarto ko. Taka kong tiningnan si Rhoann.

"Haven?" pero hindi ako pinansin, hinarap lang nito ang isang pinsan.

"I thought Tita Harriet was just so desperate on having a child. She looks like her, by the way." gaya noong kambal, matapos nitong sabihin iyon ay iniwan na rin kami.

Sunod na hinarap ni Rhoann ang kapatid nya.

"Rhi?"

"I saw her on my birthday, I actually have a crush on her, good thing she's our cousin." sabay kaming nagkatinginan ni Rhoann at laglag pangang pinanuod ang pag alis ng kapatid nya.

Ibig sabihin, kaya sila nagkukumpulan sa labas ng kwarto para lang sabihin ang mga yun?

Haist.

Sila pa nga lang ang nakaka-sama ko parang mauubos na ang energy ko, ano pa kaya kung kasama na pati mga mommies nila?

Kay Miss--I mean, Mommy Harriet pa nga lang na halos ayaw na akong lubayan.

Unti unti kong sinasanay ang sarili kong kasama sya. Kahit papaano ay komportable na rin ako sa kanya, huwag lang talaga yung Momma nina Rhoann. Nakakapanginig tuhod kung makatingin.

"Nasa Lanai sina Mommy, si Tita Harriet, nasa kusina. Nag luluto. You may want to check on her muna. Good luck na lang sa maaabutan mo." pag dating sa baba ng bahay ay itinulak nya ako kung saan ang papuntang kusina.

Endless Love [ProfxStudent]Where stories live. Discover now