Chapter 25

78.8K 2.6K 1.9K
                                    

SHEVAYA

"May susuotin ka na?" tanong ni Rhoann, kalalabas lang namin ng classroom dahil tapos na ang madugong examination namin. Second day na ito, actually.

Isinumpa nya ako kahapon pa. Kasi raw hindi ko sya sinipot sa coffee shop sa baba ng building.

Anong magagawa ko kung hindi ako maka alis sa puder ni Miss Salvidar?

"Wala pa, huwag na lang kaya akong pumunta?" alanganin kong tugon. Sabi nya kasi na mag hanap daw ako ng dress o hindi kaya ay sya na ang bahala.

Ayoko namang mag suot nun.

Tingin ko hindi bagay sa'kin.

Ang pangit kapag ako na ang susuot.

"Anong huwag na lang kaya? Mommy's expecting you to be there." tama, Birthday ng bunso nyang kapatid na si Rhiann.

Hindi naman daw masyadong magarbo, kakaunti lang din daw ang bisitang dadalo. Mostly ay mga malalapit sa kanila.

But still...

Tingin ko hindi ako bagay sa lugar na 'yun.

"Pero Rho..." itinulak ako nito para makapag simula na kaming mag lakad.

Nakakahinga na rin ako ng maluwag dahil wala ng mga students na basta basta na lang susulpot sa kung saan para mang trip.

"No buts, Eva. You should go home. I'll pick you up at 4pm later. Ihahanap kita ng masusuot." hinarap ko ito. Inayos ko muna ang strap ng bag na nalalaglag mula sa balikat.

"Rhoann, pasabi na lang sa kapatid mo na happy birthday. Hindi nga kasi ako bagay--"

"Shut up, Shevaya. Aasahan kita bukas." pagkatapos n'on ay nag mamadali na itong umalis para sundan si Miss Amira. Ala una pa lang naman. May dalawang oras pa ako para magpahinga.

Napabuntong hininga ako saka nag lakad palabas ng gate ng L.I.S. Nag abang ako ng jeep para mabilis na maka uwi ng bahay. Nasa kalagitnaan na ng byahe ng tumunog ang phone ko. Dahil de' pindot lang ito ay sobrang lakas ng tunog.

Nagsi-tinginan ang ilang kasama ko sa loob ng jeep kaya nahihiyang pinatay ko na lang ang tawag at hindi na nag balak na ilabas ang phone mula sa bag.

Hindi ko rin nakita kung sino iyon.

Titingnan ko na lang mamaya pag baba ko ng jeep.

Nang nasa tamang kalye na ay pumara na ako. Nilakad ko na lang mula sa binabaan ko papunta sa bahay namin.

Tanaw ko na nga iyong gate, at tanaw na tanaw ko rin ang isang magarang sasakyang naka hinto sa tapat mismo ng gate namin. Nasa labas din ang lola at mukhang kausap ang may-ari. Maya maya pa ay umatras ang kotse at dahan dahang nag maneho papaliko.

Palabas ng kalye sa kung saan kami nakatira.

Dinaanan pa nga ako ng magarang kotse na iyon. Sinundan ko ng tingin para aninagin ang nasa loob pero masyadong madilim ang salamin.

Hindi ko makita kung sino ang nag mamay-ari.

"Mano po, la." hinawakan ko sa kamay ang matanda saka dinala sa noo para mag mano.

Tulala itong nakatitig sa'kin. Hinawakan nya ang mukha ko saka umiling iling.

"Imposible," mahina nyang bulong.

Kinakabahang sinalat ko ang leeg nito. Maging ang noo. Wala akong ideya kung bakit ko ginawa iyon.

"Ayos ka lang po?" tanong ko.

Umiling iling si Lola.

"Nakita mo iyon?" balisa nyang tanong.

"Ang alin po?" yung kotse ba? Nakita ko, don't tell me na naliligaw iyon tapos dito pa naisipang mag tanong.

Endless Love [ProfxStudent]Where stories live. Discover now