Chapter 13

71.5K 2.8K 2K
                                    

A/N: Happy Halloween, ito update, substitute sa candy. Pero hiatus pa rin ang ferson, next year ko na kayo babalikan. 😂

SHEVAYA

"Ano na naman bang trip mo? Kailangan nating mag aral, malapit na ang finals." ikinumpas ni Rhoann ang kamay sa ere at maarteng humarap sa'kin.

"Why aren't you fighting back? Ha? Isn't it that hard? Hindi naman diba? I hate seeing you got bullied by those bunches of scumbags." marahan akong umiling. Hindi inaasahan na ito ang sasabihin nya.

Maayos akong nag-aaral sa bahay ng bigla itong dumating at inaya akong pumuntang bahay nila.

Siguro nakita nya rin iyong ginawa nina Stacy sa ladies room noong nakaraang araw. Hindi ko naman sila pinatulan na. Wala e. Mainit talaga ang dugo nila sa'kin.

"Alam mo," inis na hinarap na talaga ako nito. "If I did not promise to my mother that I'll stay away from trouble, I would have smash their heads sa wall ng comfort room." hinawakan nito ang kamay ko at saka hinanap ang pasa sa braso.

Mabilis ko naman iyong nabawi at itinago, pero mukhang alam na alam talaga nya.

"Why are they doing that?" muli nyang tanong, nag kibit ako ng balikat.

"Probably because I'm fat."

"You're not!" patiling sigaw ni Rhoann. Mabuti na lang talaga at kami lang ang nandito sa bahay nila, kung may maids man, siguradong may mga ginagawa ang mga ito. "Look at yourself, mas maayos ka pa ngang tingnan kaysa sa kanila."

Mapait kong nginitian si Rhoann. Ilang buwan pa lang kaming magka-ibigan pero sobra sobrang pag aalala na ang pinakikita nya sa'kin.

Madalas nga lang syang maloko. Pero nakakatakot din ng kaunti ang ganitong side nya ha. Mas nagiging kamukha nya iyong mommy nya'ng may green na mata.

"Clearly, I am, Rho." I said. "Hindi pasok itong katawan ko sa beauty standards nila. Sanay na ako, simula first year ito na ang parating dahilan ng pagka bully ko."

"Don't you want to change it?" umaasa nyang tanong.

I want to. I badly wanted to, Rhoann. Pero hindi ko alam kung paano, kung saan mag sisimula. Nahihiya ako na hindi ko alam.

Can't they accept me? I-trato na lang sana nila ako tulad ng pag trato nila sa iba. It's just a figure. Tao pa rin naman ako, humihinga, nabubuhay at nasasaktan.

What's wrong having this excess fat? Hindi ko naman ito ginusto, hindi ko rin hiniling.

Kasalanan ko bang masyadong mataas ang standards nila at hindi abot ng iba? Including me? Does we really need to suffer kasi naiiba kami sa kanila? C'mon, bago nyo kami laitin, nalait na namin ang sarili namin.

But it's still hurt.

Rason kung bakit hindi ako mahilig tumingin sa salamin, pinapaalala lang nito kung gaano ako kapangit, kung paanong walang puwang ang tulad ko sa mga nag gagandahan at nag gagwapuhang tao rito.

"G-gusto," nahihiya kong sagot. "Pero hindi ko alam kung paano."

Hindi ko alam kung paano sisimulan, gusto ko ng baguhin ang ganitong katayuan. Believe me or not, kakaunti lang din akong kumain but my body remain the same.

Matangkad nga ako pero may kalakihan naman ang katawan.

Wala pa rin.

Magiliw na ngumiti sa'kin si Rhoann.

"I have equipments sa condo, kunin ko lang yung bag sa taas then we're leaving." my jaw drop when she left me. Hindi nya na ako binigyan na oras na makapag protesta.

Endless Love [ProfxStudent]Where stories live. Discover now