"I don't know?"

"He's a bastard. A woman like you don't deserve him. Masyado siyang palautos. Bossy at akala mo lahat empleyado niya. This is based on my experience."

"But I still love him. Lahat naman tayo may flaws. Ang ayoko lang hindi naman ako preso para ipabantay niya sa mga gwardya niya."

"Kung hindi ka na masaya at pakiramdam mo'y wala ka nang laya. Magbukas ka ng pintuan at lumabas na lang."

"I am pregnant, how can I leave him?"

Biglang humarap si Joaquin at pinagmasdan ang mga mata ni Belle. "I love him, pero bakit ang daming bakit? Para sa isang daang porsyento ng pagkatao niya, thirty percent lang ang kilala ko. Not even a half, Joaquin."

Itinaas ni Joaquin ang kanyang kamay at sinimulan na punasan ang mukha ni Belle. "You deserve someone who will listen to you. Belle, buntis ka o hindi, someone is willing to be with you. We are on the modern world, hindi na tayo nasa traditional way na dapat dalaga mong makilala ang isang babae. That's stupid," saad ni Joaquin pagkatapos ay sumandal sa pader.

"Thank you. Mabuti na lang at nakilala kita."

"Let's go? May alam akong lugar para sumaya ka."

"Pero paano ang guards?"

"Halika, matatakasan natin sila."

Her extreme sadness drove her to sneak. Tumakas sila at sumakay sa sasakyan ni Joaquin. She even borrowed his cap and jacket. Ang lungkot sa mga mata ni Belle ay unti-unting napapalitan ng saya.

"What are we doing here?" nagtatakang tanong ni Belle habang nakatingala sa karatula ng grocery store.

"Let's buy food. I can cook a healthy food for you and for your baby. Ang putla mo, ang itim ng mga mata mo at ang payat ng mukha mo. Hindi ka dapat ganyan dahil hindi ka na nag-iisa Belle. May taong maliit na sa t'yan mo," malokong sinabi ni Joaquin kaya tumawa si Belle.

Belle didn't felt awkward. Kung ano-anong pagkain ang binili ni Joaquin sa kanya at lalong isang malaking cart ang pinuno nito para lamang pakainin si Belle.

"Parang ayaw ko nang umuwi," mahinang sambit ni Belle habang sila ay nakapila ni Joaquin.

"My place is open for you. We are friends, right?"

"Talaga?"

"Yeah, you can stay there habang nagpapalipas ka ng sama ng loob kay Frank."

Tumango naman si Belle at tinapik ang braso ni Joaquin. Hanggang sa matapos sila, limang oras at kalahati ang itinagal ng biyahe kaya naman nakatulog si Belle sa kotse ni Joaquin.

"Hmm..." mahinang ungol ni Belle hanggang sa napabalikwas siya. "Where are we?!"

"Masinloc Zambales, Belle."

"Ha? Ang layo?!"

"You want peace? Nandito ang gusto mo," tugon ni Joaquin pagkatapos ay bumaba ito ng sasakyan kaya naman heto at sumunod si Belle.

Dinig ni Belle ang pagaspas ng alon at lamig ng simoy ng hangin. Hindi ganoon kaliwanag ang paligid kaya naman lumapit si Belle sa tabi ni Joaquin.

"Pwede bang umuwi na lang tayo bukas? Baka... baka magalit siya kapag nalaman niyang tumakas ako."

Umiling si Joaquin. "Akala ko bang gusto mong tumakas at makahinga? Tulad ng sinabi mo, hindi ka preso. Bakit kailangan mong magpabihag sa kanya? If you are important to him, he will never left you hanging like a shit, Belle."

Ngumiti si Belle hanggang sa tumango ito. "Yeah, kailangan ko nga siguro mag-isip-isip kung tama pa ba na ipagsiksikan ang sarili. Gusto ko rin makilala ang sarili ko, Joaquin."

"Let's go?"

Napangiti na lamang sa alapaap si Joaquin dahil sa inosenteng pagkilos ni Belle. When they reached the resthouse. Namangha si Belle sa bamboo house na ito. Lahat ay gawa sa kahoy kaya naman pinagmasdan itong maigi ngdalaga.

"Joaquin, paano ka papasok kung sasamahan mo ako rito? Magagalit ang dad mo?"

"I'm old, Belle. Hindi na ako fourteen na kailangan pastolin ng magulang. Come here, maupo ka at hintayin ang pagkain. I will put them inside the fridge, ang tagal ng biyahe baka masira ang mga binili ko," nagkakamot ng ulo si Joaquin na lumabas ng bahay habang si Belle na naiwan.

Napatingin na lamang si Belle sa engagement ring na binigay ni Hugo sa kanya noong nagtapat ito sa Tagaytay.

"Ayokong magkaroon ng duda tungkol sa nararamdaman mo sa akin. Pero kung mahal mo nga talaga ako, hahayaan mong malaman ko ang tungkol sa iyo. At kung mahal mo talaga ako, hindi mo ako sasakalin ng ganito. Pero... pero umaasa pa rin ako na hanapin mo ako," she slowly wiped her tears. Tunay na nasasaktan si Belle dahil sa nangyayari. Bakante ang isip niya at hindi maintindihan kung ano ang dapat gawin.

Lalo na't nakita pa niya ang mga lumang litrato sa kwarto ni Hugo. "Am I just part of your mission ? Isang beses kitang ninakawan ng pera noong nasa sindikato pa ako at ikalawang beses na pagtangkaan na nakawan si Gael... may mukha pa rin ba akong maihaharap? Kaya ba ganito na nawala ka na lang sa tabi ko? Aksidente o pagsisisi na lang ba na may nabuo na bata sa sinapupunan ko?"

She burst out her tears, dinig ito ni Joaquin kaya naman nakaramdam ng awa ang binata. Inilapag niya sa lamesa ang pinamili pagkatapos ay nilapitan si Belle para yakapin.

"I'm sorry, I am so emotional. Dahil siguro sa pagbubuntis" paumanhin ni Belle.

"I can be your shoulder to cry on. It's okay, Belle."

Mahigpit na yumakap muli si Joaquin kay Belle, she felt his comfort kaya naman panatag ng konti ang kanyang pakiramdam.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now