Chapter 17 "Acceptance and Condition"

26 7 6
                                    

Chapter 17 "Acceptance and Condition"

Erika's P.O.V.

"So. Ikaw ba si Miss Erika Frey?"

"Ah. O-opo."

"Hmm. . .Based on your test results. Magaling ka sa academics mo. Magandang school din ang pinanggalingan mo sa highschool. But. . .um. . .ano kasi eh. . .under urgent circumstances, may order kaming natanggap mula sa taas na hindi na kami pupwedeng tumanggap ng estudyante sa ngayon. Pasensya na talaga, Miss Frey."

******

"Hay! Nakakainis." padabog akong naupo at nakasimangot na nilapag ang mukha sa mesa sa sobrang galit.

"Oh. Ano na naman ba problema mo?" nilapitan ako ng may-ari nitong coffee shop, si Macky. "Kamusta ang enrollment mo? Pasok ka na ba?" naupo sya kaharap ko sabay nilapag ang cup of coffee malapit sa akin.

Halos maiyak na ako nang inangatan sya ng tingin. Hindi ako nagsalita na gano'n lang ang ekspresyon sa mukhang nakatitig sa kanya.

Pilyo naman itong nangiti na para bang alam na ang nangyari. "Mukhang hindi pa nga."

Halos mapasigaw na ako sa sobrang inis ko pero paulit-ulit ko lang pinadyak ang paa sa sahig at ang paggulo sa aking buhok para lang maibsan itong nararamdaman ko.

"Kainis talaga! Bakit ba ayaw nila akong tanggapin?" tatlong linggo na akong pabalik-balik sa kahit anong university at colleges pero walang ni isa sa kanila ang gustong tumanggap sa 'kin.

One month ago, nag-graduate na ako sa highschool but. Heto nga. Hindi talaga ako makapasok kahit saang college rito sa lugar namin.

"Pang-ilang university na nga 'yong pinuntahan mo?" tanong ng kausap ko, may kinuha syang maliit na notebook at ballpen.

"Pang-anim." inis kong tugon at humigop sa kape. Aray! Mainit pa pala.

"So. May dalawa pang natitira. Medyo malayo-layo na nga lang 'to. Samahan na kita bukas." naglista sya ng napakaraming universities sa notebook na 'yon. Highly recommended daw nya, pero kahit naman 'yong hindi masyadong sikat na colleges pinatulan ko na pero hindi talaga ako makapasok! Kaasar! Bakit ba?

I passed all their tests even higher than average but no matter the results are, they still ignored me and shut their doors infront of my nose, several times.

Ganito ba dapat tratuhin ang mga estudyanteng gusto lang talagang makapagtapos at mamuhay ng normal? Grabe na sila.

"Hoy. Nakikinig ka ba?"

"Mabuti pa si Joven, may napasukan ng university."

"Ang sabi ko sasamahan kita sa susunod."

"'Wag na. Hindi na ako mag-aaral." tumayo na ako't naglakad palabas dala-dala ang shoulder bag at envelope.

"Hoy. Anong pinagsasasabi mo ryan?"

"Hindi na ako mag-aaral. Kung ayaw nila sa 'kin, edi bahala sila. Magpapakamatay na lang ako sa gutom." nasa sidewalk na ako at napansin kong nakasunod pa rin sya. "Macky. I-hire mo nga ako sa coffee shop nyo. Dito na lang ako magta-trabaho."

"Pwede naman. Pero mag-aaral ka dapat."

"'Di bale na nga. Uwi na ako. Apply ako rito bukas ha?"

"Hoy, teka. Sandali!"

Tuluyan ko na syang naiwan doon, not totally interested to talk with someone right now. Galit ako sa tao ngayon. Baka kapag may nakasalubong ako sa paglalakad kahit sino pa man 'yan masusuntok ko talaga.

Nang makabalik na ako sa apartment, na thankfully, wala akong nasuntok sa daan kanina. Diretso agad sa kwarto ang punta ko't ibinagsak ang katawan sa malambot na kama.

My Hottie Psychic [Fantasy Romance]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon