Chapter 7 "He's Just Joking"

34 8 2
                                    

Chapter 7 "He's Just Joking"

Erika's P.O.V.

"Do'n naman tayo."

"Hindi ka pa ba tapos?"

"Hindi pa."

"Hay."

The day before the school fest, nandito kami ngayon sa isang mall para bumili ng mga kakailanganing confettis para sa music club.

Our section was selected to gave support for our school band pero hindi ko alam pero sa akin lang nila inaatang ang lahat ng trabahong ito. Sobrang busy ang music club ngayon dahil sa pag-eensayo so wala na silang time para gumawa pa ng confetti para sa gagawing mini concert nila.

Nakabili na ako ng maraming materials. At kailangan nalang itong gupitin lahat.

"I thought your friends are coming to help you?"

I heave a long sigh."Yan nga din ang akala ko eh." sabay nilingon syang naglalakad pa rin. "by the way, tutulungan mo naman ako 'di ba?"

He just glared at me. "Coming here with you is already enough. Don't ask me so much favor. I'm supposed to be asleep right now."

Napasimangot naman ako. "Puro ka reklamo."

"Puro ka utos."

"Excuse me. I'm just asking you a favor. Hindi utos 'yon 'no."

"It's still the same." sabay kinuha sa akin yung shopping bag na bitbit ko at nauna ng naglakad.

Kaya't ngiti nalang din akong napasunod din dito. Over those passed few days na nasa puder ng lalaking ito ako nakatira, ang dami na ng impormasyong nalaman ko tungkol sa kanya.

Well. Not the whole thing, actually. Masyado syang masikreto eh. The day after no'ng first night ko sa apartment nya, nakilala ko ang roommate nya and I was shocked no'ng mapagtanto ko kung sino ang taong 'yon.

He is that guy.

Si Joven.

It is indeed a small world sabi nga nila. Kahit si Joven nagulat but at the same time masaya rin. He even mistook me as Yujin's girlfriend dahil nga nasa kwarto ako ng lalaking 'yon nananatili.

Ang may ari ng kwarto ay dito sa sofa natutulog. Gusto nya eh, ba't ko naman pipigilan? Honestly, wala namang problema sa 'kin kahit magtabi kami. It's just a matter of respect tapos na.

Pero ang lagi nya lang sinasabi sa 'kin? "I can't stop it once it boils."

Seriously, ano bang ibig sabihin no'n? Kung ako naman ang sa sofa matutulog, ayaw din nya. Minsan nga nakiki-shower na sya sa kwarto ni Joven dahil ayaw nya raw ng amoy ng shower room nya ngayon. 'Yon naintindihan ko. Nakaka-offend sya, kung ayaw nya 'yong amoy ng shampoo ko 'wag naman sana nyang harap-harapang sabihin sa 'kin.

Nalaman kong 18 years-old na si Yujin. Kapareho lang sila ng school ni Joven na pinag-aaralan at gano'n na rin ang section. Sabay nga silang nagpadala ng application para sa enrollment do'n sa school kung nasaan ako pero si Joven yung na-approved agad at yung kay Yujin ang mas matagal nakakuha ng response.

Nag-transfer sila dahil nga medyo malayo rin para pamasahe at hassle. So nagdesisyon silang lumipat nga sa medyo malapit lang.

Unknown ang origin ng family ni Yujin. Maliban kay Joven na nanggaling sa mayamang pamilya. Nagbukod sya dahil ayaw nya sa papa nyang daig pa ang diktador sa unang panahon sa lakas nitong magbigay ng mga utos.

Kaya pala nakatira sila sa ganitong klase na apartment. Medyo sosyal na parang sadyang pinagawa para sa kanilang dalawa.

Ito namang si Mr. Psychic, hindi ko alam kung bakit ayaw na ayaw nyang pag-usapan ang family origin nya. I know his parents had already passed away pero hindi nya talaga binabanggit kung mayaman ba sila o mahirap. O katamtaman lang.

My Hottie Psychic [Fantasy Romance]Where stories live. Discover now