Chapter 15 "Rayjin"

27 8 8
                                    

Chapter 15 "Rayjin"

Yujin's P.O.V.

"Sino 'yon?!" gulat na napalingon sa 'kin si Erika.

Si Mr. Erikson naman ay napalingon sa bandang kinatalsikan no'ng taong umakmang papatay sana kanya.

Tumayo ako sa pagkakaupo't hinarangan si Mr. Erikson ng likod ko na hinarap ang assassin na nakasandal sa hallway na 'yon.

Not long, he groaned na tila bumalik na ito sa huwesyo't nag-iinat ng katawang tumayo. And from his face and posture na kagaya talaga ni Gary, nag-iba agad ito't 'di kalauna'y naging binata. Makisig at itim ang buhok. Nakabagsak hanggang kilay at may pulang kulay ang paris ng mga mata.

"That hurts, dammit." he cracked his neck two times turning it right to left. Then stared back at me, smirking. "Long time no see. Yujen."

"It's Yujin, idiot." I corrected him sabay nagpakawala ng sensing auras sa buong paligid hanggang sa maikalat ko ito sa buong mansion.

Namilog na lang ang aking mata nang sa hindi ko maipaliwanag na dahilan may kumontra sa senses ko.

"Ahg!"

"Bakit parang nanlalamig ako?"

"Ano bang nangyayari? Bakit bigla akong kinabahan?"

"Shit! This feeling is creepy."

"Ang sama ng pakiramdam ko. Maybe I should just go home."

"Magkakasakit pa yata ako. Kung kailan gumaganda na ang party."

"Kaasar! Bakit bigla akong nanghihina?"

"Inaantok ako."

"Gusto ko nang matulog."

Naririnig ko ang iilan sa mga boses ng mga tao sa party sa ibaba even inside the mansion hall itself. At nang bumalik sa normal ang senses ko, mas nagulat pa ako nang mapagtantong bagsak ang lahat sa lupa't sa sahig.

Not even a single person standing around, even the guards are...sleeping?

Kahit 'yong nasa kalagitnaan nang pag-iinom at 'yong naghahalikan sa tabi, bumagsak at hindi makagalaw.

Who the heck is doing this?!

"Erika—" natigil ako nang malingon si Erika at humihikab ito. Nilingon ko si Mr. Erikson and he's also about to sleep any second now.

Sumakit ang ulo ko pero hindi ko hinayaang maapektuhan ako no'n. I need to stay awake no matter what.

Nasagi ni Mr. Erikson ang isang ashtray sa mesa't sabay bagsak nito sa sahig ay sya ring bagsak ng ulo nya sa mesa't nakatulog. Halos magkasabay lamang sila ni Erika.

"Sleep well."

"Anong ginagawa mo?" galit kong muling nilingon ang lalaking 'yon.

Natawa lamang sya. "Don't blame me, bro. Kahit hindi ko sabihin alam kong alam mo kung sino ang pwedeng gumawa ng ganitong bagay. Tama ka. Nandito na sya."

Who the heck is he talking about?

"Yujin. Babe?"

Nagulat ako nang marinig ang pamilyar na boses babae na 'yon sa utak ko.

She...

...that girl.

Ibig sabihin...

...Shit!

Kung gano'n, sila ang may kagagawan sa assassination sa nagdaang mga admins? Hindi na nakapagtataka ang bagay na 'yon.

"Tumabi ka na muna, Yujin. Tapusin ko lang trabaho kong iligpit ang matanda." matapang nitong saad sa akin pero halatang-halata pa rin ang pagkaka-sarkastiko ng boses nito.

My Hottie Psychic [Fantasy Romance]Where stories live. Discover now