Chapter 16 "Academy"

20 7 3
                                    

Chapter 16 "Academy"

Erika's P.O.V.

Ang sakit ng ulo ko.

Marahan kong minulat ang aking mata't naaninag ang pamilyar na kisame ng apartment ng lalaking 'yon.

Nag-inat ako ng katawan hanggang sa manigas ako't namilog ang mata nang may maalala.

Mabilis pa sa kidlat na bumangon at sinuyod nang tingin ang buong paligid. There's totally no mistaking about it. Nasa kwarto nga ulit ako ng lalaking 'yon.

But, how did I even get here?

Napalingon ako sa relo ko't napagtantong alas-otso na pala nang umaga. I dozed off too far. I guess?

Sa naaalala ko kasi, huling beses akong nakaramdam nang antok no'ng...

Tama! No'ng nasa silid kami ni Mr. Erikson. The party was held at his grand mansion last night. May gulo yata no'n and I did not know what happened next after akong mawalan nang malay.

Base sa narinig at nakita ko ro'n so far, may assassin psychic or medium psychic ang gustong pumatay kay Mr. Erikson. Hindi ko alam kung naging matagumpay ang nangyaring pagpatay—which is ipinagdarasal ko na hindi sana nagkatotoo.

May tiwala naman ako kay Yujin. Alam kong gano'n din kalaki ang tiwala ng matanda sa kanya. Bumangon na rin ako't naghanda na para sa school. Kahit late papasok pa rin ako 'no. Legend 'to men. Matapang 'to.

Pumasok na ako sa shower room at magsisimula na sanang hubarin ang pajama ko nang may bigla ring maalala. Wait. Wait lang.

Teka! Teka! Teka! Teka! Teka! Teka nga muna! Teka lang?! What?!

Kung galing ako sa party?, 'di ba dapat suot ko pa rin hanggang ngayon 'yong dress na hiniram ko?

Pero bakit naka-pajama na ako?! Sinong putang-inang manyakis ang nagtanggal ng damit ko at nagbihis sa 'kin nang walang pahintulot?!

Ahhhh?!

"Erika. Gising ka na—"

"Ikaw pala 'yon, Joven! Manyakis ka!" binato ko sya ng sabon nang sumilip ito sa shower room ko.

Napasigaw ito nang masapo sa kanyang noo. Ow!

"Hoy, teka! Teka lang! Magpapaliwanag ako!"

"Kay satanas ka na lang magpaliwanag dahil ihahatid na kita sa kanya, walanghiya ka!" kumuha ako nang kitchen knife sa labas ng kwarto't halos kalahating oras yata kaming naghabulan dito sa loob lang ng apartment.

Mabuti na lang wala sa kani-kanilang kwarto 'yong kapitbahay naming tenant kaya't 'yong landlady lang ang naistorbo namin. Tsaka lang kami tumigil nang masita na kami nito.

Naka-school uniform na ako't tapos na ring mag-almusal. Teka. Bakit nandito si Joven? Nagkakape lang sa sofa habang may sinusulat na mga lyrics yata sa notes nya, katabi ang friend nyang gitara.

"Saan ka pupunta?" tanong nito nang lalabas na ako nang apartment. He's still writing with his notes and checking his guitarr at the same time kaya't wala sa akin ang atensyon nya ngayon.

Hinarap ko ito. "Eh ano pa nga ba? Edi papasok?"

"Papasok—" natigil sya't nagpigil na lang bigla nang tawa nang mapansin ang suot ko. Muntik pa yata nitong maibuga ang kapeng nasa bibig dahil sa sobrang pagpipigil nya. Ano bang trip nito?

"Ano bang tinatawa-tawa mo ryan?"

"Sabado ngayon." natatawa nitong sagot. "kaya walang pasok."

Para naman akong papel sa sobrang puti at hindi makagalaw dahil sa aking narinig.

My Hottie Psychic [Fantasy Romance]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon