Chapter 6 "Pendant"

23 8 3
                                    

Chapter 6 "Pendant"

Yujin's P.O.V.

Nakarating kami sa apartment ko. After kong mabukas ang pinto nilingon ko muna sya. "Ito naba ang lugar mo?" she asked bago nag-akmang humakbang papasok.

"Wait." but my arm quickly blocked her way na kanya rin namang ikinalito at ikinalingon sa akin.

"Anong problema? Ayaw mo ba akong papasukin?" she asked while holding both his bag's strap.

"I want you to think this through."

"May password ba para makapasok?" sabat naman nya bigla without even realizing how nonsense she is asking.

"Makinig ka muna."

"May sabon naman akong dala kaya hindi ko gagamitin ang sayo para makaganti."

"Wait. So hindi kapa naligo kanina sa apartment mo bago ka umalis?" I asked then she just nod.

Napabuntong-hininga ako. What's wrong with this girl? She is so carefree as hell. "So ibig sabihin maliligo ka pa lang dito?" tanong kopa ulit.

"Yup! Ano bang masama ro'n? Unless may binabalak kang masama. Mag-a-advance call na ba ako sa mga pulis?" she is blabbering nonstop. How can I even talk to her in a manner na masusundan ko sya.

"Pwede bang tumahimik ka na muna?"

"Pwede bang paliguin mo na muna ako?"

"Fine!" pinalagpas kona sya kaya't masaya rin syang naglakad papasok ng room.

"Sosyal ang apartment mo ah. Dalawa ang kwarto."

Nagulat ako nang makitang do'n sya pupunta sa kwarto kung nasaan ang kaibigan kong kasama rito. "Wait!" humarang agad ako sa kanya bago pa nito mahawakan ang doorknob nito para buksan.

Tila nabagot naman nya akong tiningnan. "Ano na naman ba? Akala ko ba walang password dito?"

"There's no such thing as passwords."

"Eh bakit ka nakaharang dyan? Nandyan ba ang kwarto mo?" she asked.

Imbes na sumagot itinuro kona lang ang kwartong katabi nito which is my room. "Do'n ka sa kabila maligo." utos ko rito.

"Ah, so sayo ang kwartong 'yan?"

"Stop asking already."

"Sige na nga." sinunod na lang nya ang sinabi ko at no'ng makapasok na sya sa kwarto ko napabuntong-hininga akong muli na mas malala at mas mabigat pa sa nauna.

Looks like hindi pa rin umuuwi ang kasama ko dito sa apartment hanggang ngayon. Hindi ko alam kung sa school lang ba talaga ang dahilan ng ganito katagal nyang pag-uwi.

I hope he didn't forgot to take with him the apartment key para hindi ako maistorbo mamaya kung sakaling dumating man sya while I am asleep.

"Ang ganda ng shower room dito. Para na nga itong condo unit sa ganda eh." nakalabas na sya sa kwarto ko na nakatapis lang ng tuwalya sa katawan kaya't napasimangot agad ako rito.

"Ano ba 'yang suot mo? Bakit ka lumabas ng naka-ganyan lang?"

She then realized what she looks nang sabihin ko yun. "Ah. Kasi. Akala ko ako lang mag-isa sa apartment na 'to." she reasoned out ng nakangiti pa.

"So sa tingin mo sino ang nagpapasok sayo kung ikaw lang pala mag-isa ang nandito?" I asked her with a rhetorical question.

"Ikaw syempre. Galit agad? Hindi naman big deal."

"Magbihis ka na!"

"Eto na po." bumalik sya sa kwarto ko at sinara ulit 'yon.

Halos ten minutes din ang ginugol nya sa loob para makapagbihis ng shorts at pink na sweater na halos masasapawan na ang shorts nya sa laki at haba nito.

My Hottie Psychic [Fantasy Romance]Where stories live. Discover now