Past 1.1

1 0 0
                                    

"Wag na wag kang babalik dito...kapag naka alis na ko ay hahanapin kita, alagaan mo ang sarili mo ah."

"W-wag n-nay---"

"Amieya!"

Karipas ako ng upo mula sa karton na hinihigaan ko ng dahil sa sigaw ni Farah. Si Farah ang kaibigan ko simula ng mapadpad ako dito sa lugar na ito, isa siyang batang walang magulang at bahay kaya dito siya sa baba ng tulay nakatira.

"Nagsasalita ka nanaman ng tulog," sabi saakin ni Farah.

Halos dalawang buwan na ako dito sa lugar nila ngunit wala parin si nanay, sabi niya ay hahanapin niya ako. Umaasa ako na hahanapin ako ni nanay pero ilang buwan na at hindi parin. Nag aalala na ako kay nanay, ano na kayang nangyari sakanya. Siguro ay miss na miss na niya ako at ganun din ako.

"Pasensya na, napanaginipan ko kasi si nanay" malungkot kong sabi sakanya.

"Ayos lang, sanay na ako sayo...oh eto nga pala may dala akong pag kain kunin mo na iyong plato dun at kutsara ng maka kain na tayo." Sabi nito sakin...kung tutuusin ay masayang kasama si Farah.

Si Farah ay isa ring high school student at labing lima taong gulang habang ako ay labing apat, isang beses ko na siyang natawag na ate pero ayaw niya.

Tumayo ako at kinuha ang dalawang plato at kutsara sa munting lalagyan niya at binigay iyon sakanya. Sa aming dalawa ay siya ang naghahanap buhay, gusto kong sumama pero ayaw niya dahil baka raw pag tripan ako ng mga lalakeng tambay dun sa may kanto.

Nilagay niya ang pansit sa dalawang plato at binigay sakin ang isa habang ang isa naman ay sakanya. Kinuha ko ang akin at kinain iyon, gutom na ako dahil kaninang umaga pa ako walang kain.

"Farah pwede ba akong sumama sayo bukas?" Tanong ko habang kumakain.

Tumingin sakin si Farah at ngumiti, "sige papayagan na kita basta lagi ka lang sa tabi ko para walang mangyare sayo."

Hindi ko inaasahan ang sinabi niyang iyon. Pinayagan na ako ni Farah na sumama sakanya.

Agad kong inubos ang pansit at ako narin ang nag hugas ng pinag kainan, nang matapos ako ay pumasok na ako sa isang bahay bahay na gawa lamang sa trapal at karton. Naabutan ko doon si Farah na nakatalikod at kumakanta kanta pa, akma akong lalapit ng bigla siyang mag salita.

"Don't come near me, may ginagawa akong hindi mo pwedeng makita." Ani niya kaya humiga nalang ako at pumikit.

Ganyan pala siya, nag i english kapag ayaw maistorbo...minsan naman ay nakikipag away pa sa mga lalake gamit ang english language. Marunong rin ako mag english dahil kay tatay pero hindi talaga ako nag i english dahil may gusto ko ang tagalog.

"Saan ka pala nakatira?" Tanong ni Farah habang may ginagawa parin.

"Sa Taytay Rizal," tipid kong sagot.

"Saan mo naman hahanapin ang nanay mo?" Napa mulat ako sa tanong niya.

"Uhm, hindi ko alam...wala naman akong pera pampamasahe papunta roon eh."

"May pera ako dito baka gusto mo munang hiramin," sabi niya saakin at tumabi.

"Hindi na Farah, nakaka hiya naman. Gagawa nalang ako ng paraan para mahanap si nanay, malay mo nga hinahanap na niya ako" nahihiya kong sagot kay Farah. Sa halos dalawang buwan ko dito ay ni hindi man lang niya ako sinama sa pag lalako niya ng kung ano anong pwedeng itinda.

"What if jowain mo si Josh? Pareho siya natin na walang magulang. Alam mo feeling ko afam yon, pareho sayo ang mga mata...kulay abo pati ang buhok niya saka bukod dun laging may pera. Akalain mo yon nangangalakal rin pero may sampung libo kada araw," kwento saakin ni Farah.

Jowain?

Kunot noong tumingin ako sakanya, tumingin din siya kaya natawa siya."Oo nga pala wala kang alam sa mga ganun, ano bang ginagawa mo sa paaralan noon at sa bahay niyo at wala kang alam sa ganyan?"

Nag isip muna ako ng mga ginagawa ko sa bahay at skwelahan bago sumagot, "nag aaral, nakikinig sa guro, saka nag susulat. Sa bahay naman ay tumutulong kay nanay sa gawaing bahay gaya ng pag luto, pag laba ng mga damit, at pag linis ng buong bahay."

Tumango tango siya at ngumiti, "ganun naman pala" aniya saka muling pumikit.

"Alam mo Amieya ang swerte mo kasi may nanay kapa, naiinggit ako sayo kasi ikaw may nanay at tatay samantalang ako ay hindi man lang sila nakita at nakasama. Sila tiyang Linda naman ay pinalayas ako dahil hindi ako sumama don sa lalakeng pinag bentahan nila sakin." Malungkot na kwento saakin ni Farah.

Dahil magka lapit lang naman kami ay umusog ako sakanya at niyakap siya."Wag kang mag alala dahil kapag nahanap ko si nanay ay pwede mo rin siyang maging nanay, mabait yon si nanay at mahal na mahal ako nun kaya alam kong mamahalin karin niya kasi ikaw ang tumulong sakin."

Sana nga ay pag gising ko bukas ay nasa tabi ko na si nanay. Miss na miss ko na siya.

'Nanay balik kana sakin.'  Sabi ko sa isip ko at pumikit na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 09, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 Tears Of Yesterday Where stories live. Discover now