Chapter 7

0 0 0
                                    

Pagkarating na pagkarating ko ay naabutan ko si Cloud na naka upo sa sofa habang naka hilamos ang mga palad sa kanyang muka. Hindi na ako nagulat na nandito siya sa bahay dahil kung tutuusin ay halos dito na siya tumira, kahit condo niya ay wala ng pakinabang dahil hindi niya naman nauuwian.

Dahil sa pagsara ko ng pinto ay nakuha ko ang atensyon niya, tumingin siya sakin at tumumbad saakin ang namumugay niyang nga mata. Agad akong lumapit sakanya at ibinaba ang gamit ko sa mesa, saka ako umupo sa sofa at tinabihan siya.

"Cloud, anong nangyari sayo?" Tanong ko dito. Nakakapag taka dahil bigla nalang siyang yumapos sakin at umiyak sa balikat ko.

Hinawakan ko ang likod niya at tinapik tapik ang kanyang likod. "Shsh, hush now Cloud" mahinang sabi ko dito habang patuloy parin siya sa iyak.

Ilang minuto pa ay tumigil na siya at umalis na siya sa pagkaka yapos sakin. Tumingin siya saakin bago pinunas ang kanyang luha sa pisngi.

"Anong nangyari Cloud?" Muli kong tanong sakanya.

"N-naaksidente sila mama at Caitlin, b-bumagsak ang eroplanong sinasakayan sila sa dagat." Para akong nanghihina sa sinabi niya.

Halos lumuwa ang mata ko sa gulat. "N-nahanap na ba sila?" Utal kong tanong sakanya.

Mahina siyang tumango saakin, kahit papano ay nabawasan ang kaba na nararamdaman ko. "K-kumusta sila? Ang papa mo?"

"Coma silang dalawa sa ospital at hindi pa nila alam kung magigising pa sila, posible rin daw na nawala ang memory nila dahil sa impak nung nahulog ang eroplano. Si papa---nasa ospital siya binabantayan sila mama, buti nalang ay siya ang nag bantay kay Cyrus." Cyrus is Caitlin's son. Kagaya ng kambal ay apat na taon narin ito.

"P-pwede ba tayong dumalaw sakanila?" Utal kong tanong kay Cloud.

Tumango siya at tumingin sakin, hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang kaliwang kamay niya. "Tomorrow morning babe, rest for now" naka ngiting sabi nito saakin. Tumango ako sakanya at ngumiti, sinandal niya ang ulo ko sa kanyang at kinantahan ako ng mahina.

Sa ganda ng boses niya ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa balikat niya. Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may bumuhat sakin, nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko si Cloud na nakatingin din sakin.

"Don't worry babe, their fine." Sabi niya at hinalikan ang noo ko.

Binaba niya ako sa kama ko at muling hinalikan sa noo, kinuha niya ang kumot at kinumutan ako hanggang balikat. Aircon din kasi ang mga kwarto dito.

Pumikit na akong muli at natulog na uli. "Good night Cloud" mahinang sabi ko habang naka pikit.

Alam kong ngumiti siya, "Good night Iya, sweet dreams." Sabi niya at umalis na dahil narinig ko na ang pag sara ng pinto.

NAGISING ako dahil sa tilian na nanggagaling sa labas kaya bumangon na ako. Pag labas ko ay nakita ko sa sala sila Leib at Leik kasama si Cloud at---OH MY GOD! Daddy ni Cloud kasama ang anak ni Caitlin na lalake.

Masaya ang dalawa kong anak habang kalaro si Cyrus, sila Cloud naman at ang kanyang daddy ay nakatanaw lang sa tatlong bata.

Siguro ay sapat na ang pag sara ko ng pinto para makuha ang atensyon nilang lahat, agad na tumakbo ang dalawa kong anak saakin at niyakap ako. Ginawa nila ang lagi nilang ginagawa saakin kapag hahalik sa pisngi---ang pag galaw ng dalawa nilang daliri na para bang nanghahamon ng away. Lumuhod ako para makapantay sila at hindi ako nag kamali, agad nilang hinalikan ang magkabila kong pisngi.

"Good morning naynay" masaya at magiliw nilang bati saakin. Gaya nang ginawa nila ay hinalikan korin sila sa kanilang mga pisngi.

"Good morning din po." Nakangiti kong bati sakanila.

"Tita Iya can I kiss you rin po? My mommy is sleeping po kasi 'e." Isang tinig ang nagpa lingon saakin at nakita ko si Cyrus na nanggigilid ang luha.

Tumayo ako at lumapit sakanya, hinaplos ko ang kanyang pisngi gaya ng ginagawa ko sa dalawa at marahang tumango. Ngumiti si Cyrus sakin at sinunggaban ako ng yakap at halik sa pisngi. "Good morning po tita Iya." Parang gusto kong maluha dahil sa ginawa ni Cyrus. Mabait talaga siyang bata, pogi rin at magalang rin ito.

Ngumiti ako sakanya at hinalikan rin siya sa pisngi, "Good morning rin po Cy" bati ko sakanya.

Nakuha ang atensyon ko sa dalawang lalake na nasa likuran kaya tumayo na ako at nag mano sa tatay ni Cloud. Akala ko ay iiiwas niya ang kanyang kamay sakin ngunit nagkamali ako. Hinayaan niyang magmano ako sakanya, tumingin ako sa tatay ni Cloud at nakita ko iting naka ngiti saakin.

"Good morning sayo hija," masayang bati ng tatay sakin ni Cloud---ni tito Harry. Ayoko mag assume pero parang nanghihina ang katawan ko sa inasta ng tatay ni Cloud sa harapan ko. "Go and fix yourself hija, we're going to the hospital" sabi saakin ng tatay ni Cloud na naka ngiti, "and also from now on call me papa Harry. It's better than tito," natatawang sambit ng tatay---ni papa Harry saakin.

Kahit nanghihina ako ay pumasok ako sa kwarto ko at naligo na, nag bihis ako ng simpleng baby doll dress na kulay purple na bumagay rin sa maputi kong balat, hinayaan ko nalang na naka lugay ang may kahabaan kong buhok na kulay abo. Natural hair ko yan dahil isang Russian ang tatay ko, isa pa diyan ay gaya ng buhok ko ay kulay abo rin ang aking mata na namana ko sa tatay ko.

Lumabas ako na ako ng kwarto at naabutan kong naka bihis narin ang dalawa kong anak, pag tingin ko sa tatlo ay pareho ang mga suot nilang damit hanggang sa kanilang mga sapatos. Ibubuka ko pa lamang ang aking bibig ng unahan na ako ng---ni papa Harry. "Binili ko iyan hija para sakanila, sa pogi ng mga anak mo ay hindi ako nag tataka na maraming babae ang papaiyakin niyan."

Mahina nalang ako napatawa sa sinabi ni papa Harry. "O'siya tara na at baka naghihintay na asawa't anak ko" sabi pa ni papa Harry.

Parang isang panaginip lang ito at ayoko ng gumising...takang taka man sa tatay ni Cloud ay napapangiti nalang ako. Ganito pala ang pakiramdam ng tanggap ka ng buo ng isang pamilya.

 Tears Of Yesterday Where stories live. Discover now