Chapter 9

0 0 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas pero nanatiling nasa isip ko ang sinabi ng tatlo saakin. Hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi ni Cyrus sakin.

Kasi po tita kamukang kamuka po nila yung guy saka po pareho pa sila ng eyes and lips.

Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang katagang iyan ngunit hindi parin ma pruseso ng tama ng utak ko ang sinabi ni Cyrus.

Posible nga yatang ang asawa ko ang nakita nila?

Nandito ako ngayon sa salas ng bahay at malayo ang tingin, kahit pa naka on ang tv ay sa litrato ko ako---namin naka tingin nung araw ng kasal namin. Kahit ayaw ni Cloud ay nandito lamang iyan nakalagay, miski ang mga anak ko ay nagtataka dahil kasal na ako ngunit wala ang daddy nila dito.

Naka ngiti siya sa litrato habang hawak ako sa bewang, ako naman ay naka ngiti rin habang hawak ang bouquet ng bulaklak.

Ang kasal namin ay hindi gaya sa iba na kapag pwersahang kasal ay pumipirma nalang, ang amin ay talagang kasal sa harap ng judge at nag sumpaan. But sadly, he left me---us  and never come back.

"Naynay? Yan po ba ang taytay namin?" Tanong ni Leik saakin, tumingin ako dito at ngumuti. Oo nga pala, ngayon lang niya ito nakita dahil nasa tago itong bahagi naka lagay.

Tumango ako dito habang naka ngiti, hindi ko alam bakit ako naka ngiti ngayon habang tumatango sakanya. Baka dahil ayokong makita ako ng anak ko na malungkot habang tulala.

"Opo. Pero anak may tanong po si naynay sayo," naka ngiting sabi ko sakanya. Tumango siya at lumapit sakin saka kumadong saaking hita. Agad ko siyang niyakap.

"Ano yung muka nung guy na nakita niyo sa mall? Nakita mo ba? Natatandaan mo ba anak?" Sunod sunod na tanong ko sa anak ko.

Sunod sunod siyang tumango saakin habang naka ngiti. "Yes po naynay, can i see the picture po ba naynay?" Aniya kaya binigay ko sakanya ang litrato namin ng tatay niya.

Nanlaki ang mga mata ni Leik ng makita ang muka ng lalake sa picture frame. "Naynay it's him, it's my taytay... Oh my god my taytay is here na po!" pag tili ni Leik na ikinaistatwa ko.

"Leik why are you screaming? Don't you know that I'm sleeping?" Napalingon kaming dalawa ni Leik ng mag salita ang kapatid niyang si Leib sa ngayon ay pungas pungas dahil ata nagising sa ingay ng kapatid niya.

"Leib, the guy... Oh god... Yung lalake sa mall, he's our taytay Leib." Bakas sa muka ni Leib ang gulat ngunit si Leik ay sayang saya na sabihin sa kambal ang nalaman niya.

"Stop joking Leik, our taytay is gone long time ago." Seryosong sabi naman ni Leib. Sa dalawa talaga ay si Leib ang seryoso at akala mo ay matanda na kung mag isip. Pero malambing pagdating sakin.

Sunod sunod na umiling si Leik sa kapatid. "No, Leib are you mad at him?"

"Yes dahil iniwan niya tayo at si naynay." Sagot ni Leib kay Leik na ikinagulat ko. Oo't parang matanda si Leib kung mag isip pero di ko alam na sasagot siya ng ganito sa harap ko mismo kahit pa apat na taon palang siya. "Sorry po naynay." Dag dag pa ni Leib saka umalis na sa harap namin.


 Tears Of Yesterday Where stories live. Discover now