Chapter 5

4 0 0
                                    

Nag mamaneho ngayon si Cloud habang inis na inis parin ang kanyang muka. Hinawakan ko ang kanyang kamay kaya siya napa tingin sakin.

"Cloud—"

"Bakit ba wala kang ginagawang kahit na ano para sa sarili mo kapag ginaganun ka nila?" Mataas na boses niyang sabi. Binitawan ko ang kamay niya at saka sa bintana tinuon ang tingin.

"Ako naman yung may kasalan e, nahulog ko yung vase niyo—"

"Hindi yun ang punto ko Amieya. Ang punto ko ay bakit hindi mo magawang ipag tanggol ang sarili mo sakanila kahit na halos mapatay kana?!"

Biglang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Bakit nga ba? Dahil mahirap ako at hindi kagaya nila na saksakan ng yaman?

"Bakit Cloud? Gusto mo bang lumaban ako—"

"YES!"

"Para ano? Para masabi ko sakanila na hindi na ako katulad ng dati na api-apihan? Para masabi sakanila na kaya ko ng lumaban—"

"Oo."

Napa hinto ako at mariing ipinikit ang mga mata. Kanina pa siya putol ng putol sa sinasabi ko at yun ang pinaka ayoko sa lahat. Nag titimpi lang ako sa pamilya niya at kaunti nalang ay parang gusto ko na silang patayin, pero alam kong kasalanan iyon at iyon mismo ang makaka sira ng buhay naming mag iina.

"Alam mong hindi ko kaya ang ganun Cloud. Alam mong hindi ako gaya ng iba na mga walang ugali at bardagul pag dating sa mga ganyang tao" mahina kong turan at hindi na kumibo.

NAKARATING kami sa bahay ng hindi nag kikibuan. Pagka tapos nang nangyari samin kanina sa sasakyan ay hindi na siya kumibo pa.

Bumaba ako ng sasakyan at saka pumasok ng bahay. Pag pasok ko ay napatigil ako at natuon ang tingin sa isang lalakeng prenteng naka upo sa sofa.

Siguro ay alam na niyang nandito na ako kaya hunarap siya saakin. Isang lalakeng hindi ko kilala at ngayon ko lang nakita. Ngumiti ito saakin bago tumayo at lumapit sakin.

"Mrs. Oxciano, nice meeting you," magiliw na sabi nito saka inilahad ang kanyang kamay sakin.

Hindi ko ito pinansin at saka timingin ng deretso sa lalake. "Paano—"

"Alam kong tatanungin mo kung paano ako naka pasok dito sa apartment niyo at kung sino ako." Pag putol niya sa sasabihin ko. "Well, let me first introduce myself to you. I am Leo Allison, and I'm the owner of this subdivision and also the houses in here at isa doon ang apartment mo," mahabang turan niya.

Ahh, siya pala ang may ari nitong subdivision at ng mga bahay dito. Kaya pala naka pasok siya dito.

Tumango tango ako at saka naglakad papunta sa sofa para umupo. Sumunod naman si Sir Leo saka umupo rin sa sofa.

"Bakit po pala kayo nandito?" Tanong ko dito.

"Actually i came here to check your apartment if something was broke or what." He just came here to check? Suspicious.

Tumango nalang ako at ngumiti sakanya. "Wala naman pong sira dito, saka po kung sakali pong may masira dito ako nalang po ang bahala."

"Just call me if there's a problem in this house, medyo luma na kasi," sabi ni Sir Leo sakin at inabot ang calling card sakin.

Tumayo ito at saka nagsimulang humakbang palabas ng apartment. AYY may nakalimutan ako.

"Sir Leo," tawag ko sakanya at lumingon naman siya. "Pano niyo nalaman na na Oxciano ang apelyido ko?"

Ngumiti siya at kinindatan ako. "You know what, i just saw you your met you and i like you already."

Baliw ba 'to?

"Kung hindi ka nga lang kasal kay Josh akin kana e." Bulong pa ni Sir Leo na hindi na naabot na marinig ng tenga ko sa layo niya sakin.

Umalis na siya at ako naman ay naiwang nagtataka kay Sir Leo. Siya ba talaga ang may ari nito? Parang hindi e.

 Tears Of Yesterday حيث تعيش القصص. اكتشف الآن