Chapter 1

6 1 0
                                    

Maaga akong nagising para ipag luto ng masarap na almusal ang mga anak ko. May pasok sila ngayon at ito rin ang unang araw ng kanilang pag pasok sa eskwelahan.

Kaka celebrate palang namin nang 4th birthday nila nung nakaraang buwan at ng i-enroll ko sila nung isang linggo ay natanggap na sila.

Hindi ko makakalimutan ang araw na ito dahil ito ang araw na mag sisimula ng mawalay sakin ang mga anak ko ng kalahating araw.

Nag suklay ako ng buhok ko at itinali ito ng pa donut. Pumunta ako sa lababo at nag hilamos saka nag toothbrush. Pagka tapos ay inilabas kona sa fridge ang manok at hatdog, binuhusan ko narin ng unting tubig ang tirang kanin kagabi.

Sinimulan ko sa pag hiwa ng hatdog at pag luto nito. Pagka tapos ay sinunod ko na ang manok na prinito. Balak kong mag adobo. Medyo matagal bago ito naluto. Nilagay ko na ito sa isang malalim na plato at sunod ko naman na nilagay ang dinurog kong kanin sa kawali na pinag lutuan ko kanina nung adobo.

Sakto ng maluto ang sinangag ay gising na ang dalawa kong anak. Agad akong lumapit sakanila at niyakap saka hinalikan sa pisngi. Niyakap rin nila ako at hinalikan sa pisngi.

"Good morning po naynay," masayang bati nila saakin.

Tumayo ako at binati rin sila ng 'Good morning din sainyo mga anak kong gwapo'. Tumawa lang sila at dumeretso sa lababo para mag hilamos at mag toothbrush. Nang matapos silang mag toothbrush ay niyaya ko na sila sa sa lamesa para kumain. Magana at masaya silang kumain habang nag kukwento sakin na excited na raw silang pumasok.

Nang matapos silang kumain ay pinaliguan kona sila at binihisan ng kanilang uniform. Halos paliguan ko sila ng pabango para pag pasok nila ay agad na maamoy ng guro at mga classmates nila kung gaano sila kabango. Kahit nga nasa bahay lang sila ay talagang halos maubos ang isang pabango nila sa dami nilang mag lagay at maya't maya rin sila kung mag lagay at mag bihis.

Oh diba.. kahit naman mahirap lang kami ay magaganda ang kutis ng mga anak ko dahil alagang alaga ko sila. Ni minsan hindi ko sila pinabayaan, kahit nga nung mga bata pa sila ay habang nag lalaba ako ay ang duyan nila nasa tabi ko lang para maririnig at nakikita ko kung gising na ba sila.

Sa private ko sila in-enrolled dahil yun ang gusto ko.. may mga raket naman diyan na pwedeng pasukan kung sakaling magipit ako sa pang tuition nila. Ang mahalaga sakin ay nakakapag aral ang mga anak ko. Ayokong magaya sila sakin na na hindi nakapag tapos ng college.

Wala saakin ang pagod basta't makita ko lang na masaya at hindi nagugutom ang mga anak ko ay ayos na ako. Wala na ako ibang hihilingin pa kundi sila.

Nag bihis narin ako at nag ayos para ihatid ang kambal sa iskwelahan. Nang matapos kong mag bihis ay umarkela na ako ng trycicle papunta sa USANT. University of Saint Anthony.

Hindi naman iyon kalayuan kaya nakarating agad kami. Hinatid ko sila sa room nila at nag antay na mag simula ang klase bago tuluyang umalis.

Umuwi muna ako sa bahay at nag linis, nag hugas at nag laba ng mga damit namin. Pag sapit ng tanghali ay dumating na si Lennet kasama ang asawa niya na si Edgar kasabay ng pag baba ng mga anak ko sa school bus nila. Masayang masaya silang lumapit sakin at hinalikan ako sa pisngi.

"Naynay we got a perfect score," masayang tili ni Zachary Leib.

"Yes naynay, our teacher says that we're genius," tili naman ni Zachary Leik.

Hinaplos ko ang kanilang pisngi at ngumiti, "i know you too are genius. I'm so happy that you two got a perfect score, just keep it up mga anak."

"Oh my god! Masayang masaya sainyong dalawa ang ninang at ninong," masayang bati ni Lennet sa dalawa.

Hinalikan ko sa pisngi ang dalawa, kasabay ng pag tunog ng aking cellphone. Kinuha ko ito at sinagot.

"Hello-"

"Pumunta ka agad dito sa ospital.. bilis."

"Bakit?"

"Ang nanay mo hinahanap ka at nagwawala dito-"

Hindi ko na ito pinatapos at agarang pinatay ang tawag at nag paalam na sa mga anak ko at kina Lennet at Edgar.

 Tears Of Yesterday Where stories live. Discover now