“Manong, pwedeng dumaan muna sa drive thru? Natatae ako sa kaba!” Bulalas ni Jaica  dahil buong akala niya na isang matanda ang driver niya.

    “You need ice cream hindi kape,” tugon ni Gael.

    “Oh my gosh?! Ikaw ang kasama ko!” Bulalas ni Jaica at dali-daling lumipat ng front seat.

    Nagulantang naman si Gael dahil sa bilis ng paglipat ng dalaga at akala mo'y hindi man lang ito nakapalda kung kumilos.

    “Hindi pwede ang kape sa iyo, lalo kang nenerbyosin.”

    “Ha? Ice cream talaga?” malokong sinabi ni Jaica at tumingin sa mukha ni Gael pababa sa pantalon nito kaya naman umirap ang binata.

    “Magkape ka na!” Asik nito pagkatapos ay pumreno ng malakas kaya naman halos tumilapon ang dalaga.

    “Kahit kailan napaka old maid mo! Hindi ka mabiro!” Bulalas ni Jaica hanggang sa makapag-order sila ng tig isang ice cream.

    Hindi alam ni Gael kung tama ba na siya ang boluntaryong samahan si Jaica sa presentation nito dahil kanina pa siya pinagdidiskitahan ng dalaga. She’s eating ice cream in a sexy way. Gusto nang tumabling ni Gael sa sobrang init ng pisngi hanggang sa itapon niya ang kalahati ng ice cream cone sa labas.

    “Pambihira! Napaka mapagsayang mo naman!”

    “Fix yourself, Mr. Jaica. Ang dumi ng mukha mo. Nandito na tayo,” asar na sinabi ni Gael at pumreno mula sa car park.

    Tinapos lamang ni Jaica ang kankain pagkatapos ay naglagay ng pulang lipstick sa labi. Ginulo niya at iniladlad ang buhok bago tuluyang humarap kay Gael. Maganda na ba ulit? Pray for me, sana i-promote talaga ako ni Hugo. Kapag nagkataon iyon, magiging proud si Belle sa akin. Dahil sa kabila ng kalandian kong trabaho, may disenteng trabaho pala ang naghihintay sa akin!”

    Gael can’t denny, napangiti siya ng bahagaya nang marinig ang sinseridad na sinabi ni Jaica. “Let's go, you'll be late,” aya ng binata.

    Sa pagbaba nila ng sasakyan, hinatak lamang ni Jaica ang kamay ni Gael hanggang sa makapasok sila sa building Kabado ang dalaga mula sa elevator dahil ilang beses niyang binibilang ang palipat-lipat na numero sa itaas.

    “Just be yourself, Ms. Jaica.”

    “Thank you, Gael!” Tugon niya hanggang sa tuluyang bumukas ang elevator.

    Mabilis nilang tinahak ang daan papunta sa conference room, sumalubong din kay Jaica ang mga investors hanggang sa sinimulan ng dalaga ang presentasyon. 

    Three Mafia guards are watching her including Gael. Apat na banyaga naman na kaibigan nila Hugo at Vito ang nakinig at dalawang Filipino investor.    

   

    “Why am I not allowed to enter the conference room?!” Asik ni Allan na nagtatago pa rin sa pangalan na Elias under Plantera Incorporated.

    “Sir, Mr. Tan and your company is not allowed to enter the conference room. Para lamang po ito sa bagong investors,” tugon ng concierge.

    “No! I need to see the new investors and sales manager of this jewelry business! May usapan ako at si Mr. Franklin Hugo about this merging of stocks!” Bulalas ni Allan.

    Tinimbrihan ng concierge staff si Gael na nakikinig sa loob ng conference room. Para bang nag-init ang ulo  ng  binata nang  marinig niya ang pagwawala ni Plantera Incorporated sa labas. Tumayo si Gael at siya mismo ang humarap sa may-ari ng Plantera.

    “Bakit ayaw akong papasukin? Where is Franklin Hugo? We need to talk! Ito ang kontrata na dapat niyang pipirmahan kasama si Mr. Tan bago ito umalis ng bansa!” Bulalas ni Allan.

    Walang kibo si Gael at basta na lang kinuha ang inaabot na papel ni Allan pagkatapos ay harap-harapan niya itong sinira.

    “You aren’t allowed to enter Mr. Hugos’s company. Please get out.”

    Hindi na sana umabot sa pagdampot upang makalabas si Allan sa kumpanya ngunit muli itong nagwala na parang nakalimutan niyang nagpapanggap siya bilang CEO. Nagtaka si Gael kaya naman pinabitbit siya sa dalawang company guards ni Hugo. Ang kumosyon na ito ay pumukaw sa mga mata ni Jaica, natapos niya ng maayos ang presetation sa loob ng conference pero heto naman ang bumungad sa kanilang paglabas.

    “I need to see Mr. Franklin! Our business will give him a luck!” pagpupumilit ni Allan hanggang sa mahuli ng mga mata niya ang inosenteng mukha ni Jaica.

    Para bang tumigil ang kanyang mundo hanggang sa muli niyang pinagmasdan ang dalaga. Akmang manlalaban pa sana si Allan  pero natakpan na ang dalaga mula sa likuran ni Gael.

    Pinalabas  si Allan hanggang sa makasakay ito sa sasakyan. Hindi mawala sa kanyang isip ang inosenteng mata ng dalagang nakasunod kay Gael.

    “Pamilyar siya… hindi ako nagkakamali, nagkita na kami nu’n,” bulong niya hanggang sa tapikin ang balikat ng driver upang sila ay makaalis.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now