CHAPTER 41

133 8 2
                                    

Ryuu

Nakangiti lang ako habang nakatingin kay Lexus na kasalukuyang nagluluto. Ang sabi ko ay sa restaurant nalang niya kami kumain o doon sa mas malapit pero ang sabi niya ay siya nalang ang magluluto. Nasa condo din niya kami.

Isang linggo na din ang nakalipas simula noong nanalo kami. Kagaya nga ng sinabi ko ay wala kaming pasok ng dalawang linggo. Babalik nalang kami doon kapag Christmas party na.

Napatingin lang ako kay Gavin noong nilapag niya ang hinihiwa niyang prutas. It's apple, grapes and strawberries.


“Eat, mabagal magluto si Lexus.”


“I'm not.” Sabat naman nang kapatid niya. Napailing nalang ako 'saka kumuha doon. Sa ref lang din naman ni Lexus niya kinuha lahat ng 'to. Ewan ko ba, may sarili din namang condo si Gavin ayon sa kan'ya pero ayaw niyang umuuwi doon.

May hinanap naman ang mga mata ko. Hindi ko alam pero gusto ko ng something na maasim. I mean, medyo maasim din naman ang strawberry na nandito pero iba talaga yung hinahanap ng paningin ko.

“Lex? Wala ka bang mangga d'yan?” Napatingin naman siya sa'kin habang magkasalubong ang kilay.

“I don't have. Besides, you told me na masyadong maasim ang green mangoes right? Masyado namang malambot ang yellow.”

Napasimangot naman ako. Nginuya ko nalang ang grapes kahit na iba ang hinahanap ng panlasa ko.

“Do you want some?” Napatingin ako kay Gavin noong tumayo siya. Nahihiyang umiling naman ako.

“It's fine, Gav. Namiss ko lang sigurong kumain no'n.” Kahit ayoko naman talaga non. Mahina ako sa maaasim. Hindi ako komportable sa lasa.

“Are you sure?”

Nag alangan pa ako bago tumango sa kan'ya. “Yes, it's fine.”



Tahimik lang ako habang ineenjoy ang niluto ni Lexus. Grabe! Mas masarap pa 'to kay'sa dish sa mga mamahaling restaurant na nakainan ko. Mas perfect din ang lasa nito kumpara sa mga luto ng chef niya everytime nasa restaurant niya ako. I mean, sobrang sarap din doon, hindi ko lang in–expect na mas perfect kapag siya ang nagluto.

“This is so good, Lexus!” Masayang ani ko habang tinitikman ang luto niya.

“Thank you, love.” Pinupunasan din niya o ni Gavin ang pisngi at gilid ng labi ko dahil sa sauce na dumidikit. Makalat talaga ako minsan kapag gustong gusto ko ang kinakain ko.

“Eat slowly, hon.”

Tumango lang ako 'saka tinuloy ang pagkain. Nilalagyan din nila ng ulam o kanin ang plato ko.

Habang abala sa pagkain. Nadako ang paningin ko sa singsing na suot. It's been, 1 or 2 months na nga ba noong nakilala ko sila? I don't know. Ang sabi nila ay matagal na nila akong kilala habang ako ay walang ideya kahit kaonti noon.

Napangiti nalang ako. Ang bilis pala ng panahon. Parang noon ay ayaw na ayaw ko silang nakikita. Naiirita talaga ako sa mukha ni Gavin pero ngayon ay hinahanap hanap ko na ang presensya niya at ni Lexus.

Ito na ba ang tamang panahon?

Hindi ko alam kung nanliligaw ba sila o hindi pero ang sabi nila noon ay liligawan nila ako sa ayaw at sa gusto ko.

Pagkatapos maubos ang aming hapunan since it's already 7:00, inaya ko naman silang kumain ng ice cream. Ako na ang kumuha sa ref. Nagpaalam na din naman ako kay mommy na dito muna ako matutulog. Pumayag naman siya na tila gustong gusto pa ang ideyang iyon, hmp.

Unexpected Desire (On Going)Where stories live. Discover now