CHAPTER 14

540 28 4
                                    


𝙍𝙮𝙪𝙪

“Anong meron?" Bungad na tanong ko sa mga taong abala sa aking harapan. May kan'ya kanya silang ginagawa kagaya ng pagwawalis, pag aayos ng upuan, pagpupunas ng alikabok, etc.


May himala ba? Ngayon ko lang nakitang naglinis ang mga 'to. Kahit pagpulot lang ng kalat ay hindi nila magawa.


“May bisita daw na dadating." Sagot nung isa habang inaayos ang kan'yang buhok.


Napatango naman ako. “Sige, tulungan ko nalang din kayo." Nagtungo ako sa aking pwesto at inilagay doon ang aking bag.


Lumapit ako sa kanila at tumulong sa mga bagay na kaya ko. May taga linis naman kami pero mukhang mas gusto nilang maglinis ngayong araw.


Ibinaba ko isa isa ang librong nasa hindi kalakihang shelf, pinupunasan naman ng katabi ko ang konting dumi doon. Hindi naman din maalikabok dahil malinis ang buong room at walang halong buhangin o kahit anong dumi. Kailangan lang linisin ang gilid gilid para safe na din.


“Pst, Theo!" Pagtawag ko sa lalaking nililipat ang mga libro sa malinis na bahagi ng bookshelf sa kabilang side.


Salubong ang kilay na tumingin naman ito sa'kin, nakabusangot din siya na mahina kong ikinatawa. “Nangyari sa'yo?"



Umirap lang siya. “Oh?" Tumayo ako at pinagpagan ang sarili 'saka kaagad na lumapit sa pwesto niya.



“San si Calix?" Lumingon pa ako sa paligid pero wala talaga ang isang 'yon. “Absent ba?"



Muli siyang tumingin sa mga librong inaayos. “Ewan ko, pakialam ko don." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sagot niya.



“Ay, wow! Teka! Teka! Nag away ba kayo?" Dumikit pa ako sa kan'ya. Mas lalo siyang sumimangot at nanatiling tahimik. “Oy! Ako boss dito, sagutin mo. Nasaan nga? Absent? May sakit?"



“Hindi." Sa wakas, humarap na din siya. “May aasikasuhin lang daw siya." Tumayo siya at inalalayan akong nakatayo ng tuwid.



“Tungkol saan?" Pagtatanong kong muli. Naningkit naman ang kan'yang mga mata.



“Privacy."



“Damot." Umiling lang siya at lumipat sa kabilang side. Inayos lang niya ang nagulong upuan at muling bumalik sa tabi ko.



“Anong meron?" Prente siyang naupo habang nakatingin sa paligid. Nakasandal siya sa bangko at nakabukas pa ang tatlong botones ng uniform, napapatingin tuloy sa kan'ya ang mga babaeng kaklase namin.



“May bisita daw." Naupo ako sa upuan ko at sumandal doon. “Ah! Kapagod." Kahit wala naman akong gaanong ginawa.



“Sino?" Tumingin ako sa kan'ya at nagkibit balikat. “Wala din akong idea kung sinong bisita natin. Basta, nagsipag nalang sila."



“Oy, maganda ba?" Napatingin ako kay Ivey, ang maarte sa amin. Kasalukuyan niyang inaayos ang kan'yang kilay habang nakatingin sa maliit na salamin na hawak niya.



“Ayos na, te. Konting gan'on pa." Sagot nung katabi niya na nag aayos din ng mukha. Tapos na din ang ilan sa paglilinis nila kaya prente na silang nakaupo habang naghihintay nalang sa prof.



“Artista ba yung dadating?" Napatawa naman si Theo. Biglaan kasing nagka fashion show, pati mga binabae nagpapaganda din.


“Ayos ba dahdie Theo?" Malanding tanong ni Ivey. Ngumiti naman sa kanya si Theo at tumango. 𝘗𝘭𝘢𝘴𝘵𝘪𝘤.


Unexpected Desire (On Going)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant