CHAPTER 35

190 12 0
                                    


𝙍𝙮𝙪𝙪


“G–Gav! Wait lang! Hoy!" Napapikit nalang ako sa inis 'saka muling tumakbo. Nauuna siyang maglakad at mabilis iyon kaya malayo na siya sa'kin.

Hindi ko din alam kung nasaan ako, basta nalang kasi niyang ipinark ang kotse niya sa parking ng building na ito. Condominium to be exact.

Mabilis akong pumasok sa elevator, nakakatakot maiwan dito, ayokong umuwi mag isa lalo na't hindi ko alam kung saang part na 'to.

Tahimik lang siya at sumulyap sa suot niyang relo. Sa tingin ko ay 6:00 pm na, gusto ko na ding maligo at magpahinga, sumasakit na ang katawan ko dahil sa practice.

“N–Nasaan tayo?" May bibisitahin ba siya? Sana sinabi nalang niya para naghintay nalang ako sa labas.

“Condo." Maikli at walang kwenta niyang sagot. Napairap naman ako dahil sa labis na iritasyon. Kailan ba titino ang mga tao ngayon? Halos wala na akong makausap ng matino.

“Oo nga! I mean, anong gagawin natin dito? May bibisitahin ka?"

Tumingin siya sa'kin. “Nothing."

Nanahimik nalang ako bago ko pa siya masakal dahil sa inis. Wala na akong ibang choice, susunod nalang ako sa kan'ya kesa naman iwan niya ako dito.

Huminto ang elevator sa 15th floor. Mataas at halatang mamahalin din ang building na ito. Mayayaman siguro ang mga tao dito o 'yong may mga kaya sa buhay.

Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Hindi ko alam kung anong trip ng lalaking 'to, basta nalang pupunta sa isang lugar na hindi man lang tinatanong kung sasama ba ako o hindi.

Nilibot ko nalang ang paningin sa paligid. Dati, pangarap ko talagang mag condo kaso ayaw ni daddy, baka daw mapabayaan ko ang sarili ko since puro noodles at prito lang ang alam kong lutuin. Madali din kasing mag alala si mommy, namimiss din ako palagi kaya ayaw akong payagan ni daddy.

Habang si Kuya ay may sariling condo. Noong naka graduate siya ay pinayagan siya ni daddy, gusto na din kasing bumukod pero lagi pa rin ang uwi sa bahay kasama ang asungot niyang kaibigan na si Gavin.

Napatingin ako sa pinto na pinaghintuan namin. Tatlong beses na kumatok doon si Gavin at minuto din ang lumipas bago bumukas iyon at bumungad ang isang lalaki.

“Hala!"

Nanlaki naman ang mga mata ko at kaagad na napatakip sa mata gamit ang palad ko. Oh my gosh! Nasaan ba kami?!

“Oh! Sh*t, I'm sorry."

“You fvcker!" Sigaw din ni Gavin, saka ko nalang narinig ang malakas na pagbukas ng pinto.

Paano ba naman kasing hindi ako magugulat. Tanging boxer lang ang suot ng lalaking bumungad sa'min, basa pa ang katawan niya dahil siguro bagong ligo. Bumabakat pa 'yong ano niya... Geez!

I mean, wala namang epekto 'yon sa'kin dati pero iba na kasi ngayon. Pakiramdam ko ay nagkakaroon na ako ng malisya sa kapwa ko lalaki.

Tinanggal ko na ang palad ko mula sa pagkakatakip sa aking mata. Wala na din sila Gavin, pumasok na siguro sa loob.

Napasimangot nalang ako. Ganon nalang 'yon? Iiwan nalang niya ako dito? Umuwi nalang kaya ako?

Napatango naman ako at akmang aalis na nang biglang may humatak sa bag ko at hinatak ako papasok ulit sa loob.

“Where do you think your going?" Malamig na tanong ni Gavin.

“Uuwi! Alangan namang gumala pa ako dito!" Sagot ko pabalik.


Unexpected Desire (On Going)Where stories live. Discover now