CHAPTER 28

212 14 4
                                    

𝙂𝙖𝙫𝙞𝙣



Napangiti nalang ako habang nakatingin sa kamay naming magkahawak, mainit iyon na napaka sarap sa pakiramdam. Ang lambot din ng kamay niya at ang maliliit niyang daliri.



Nakakatuwa ding isipin na hindi na siya takot sa'kin. Nakakalapit at nakakausap na niya ako ng maayos hindi kagaya dati. Kailangan ko pang magtago at titigan siya sa malayo.


Hindi ko din maiwasang sobrang matuwa at mainis dahil sa nangyari kanina. Bumigay siya, pagkakataon ko na sana iyon upang angkinin siya ngunit biglang humarang si mommy.


Napairap nalang ako, marami pang pagkakataon pero ayokong lumayo siya sa'kin. Alam kong nahihiya siyang harapin at kausapin ako dahil sa naudlot na nangyari kanina.


Nabitin din ako pero inisip ko nalang na baka hindi pa talaga ready si Ryuu, maghihintay naman ako, kami ni Lexus.


Ramdam ko din ang pagsunod niya sa amin. Well, magkaaway talaga kami pero si Ryuu lang ang dahilan kung bakit nagkakasundo kami minsan.


Binuksan ko ang isang pinto pagkarating namin doon. Tungkol naman sa kanina, balak ko talaga siyang dalhin sa kwarto ko nga ngunit nagbago din iyon.


“A–Anong ginagawa natin dito?" Rinig kong tanong niya habang nakatingin sa paligid. Ngumiti lang ako at mas hinawakan ang kamay niya.



“To relax and this is our chance..." Napatingin siya sa'kin. “Para solohin ka." Nakangising ani ko, humigpit lalo ang hawak niya sa kamay ko na kaagad kong ikinatawa. “Kidding babe." Hinatak ko na siya papunta sa pool.



Kailangan naming mag usap, tahimik din naman sa kwarto pero mas gusto ko dito. Payapa at malamig ang hangin.



“We will talk about something important Ryuu. Behave, okay?" Sabay gulo ko sa kan'yang buhok. Sinamaan naman niya ako ng tingin, nakakatuwa talaga ang singkit at mala pusa niyang mata.



“I'm not a kid!"




“I know but you are my baby." Kaagad na namula ang kan'yang pisngi dahil doon. Napailing nalang ako bago tumingin kay Lex na naupo din sa gilid ng pool. Pinapagitnaan na namin ngayon si Ryuu.


“So... A–Anong sasabihin niyo?" Aniya habang wala sa amin ang tingin. Napansin ko din ang pagkahawak ni Lexus sa kabila niyang kamay na bahagya niyang ikinagulat.


“Ryuu, don't you know us? Hindi mo ba kami nakikila ni Gavin?" Simula ni Lexus habang seryosong nakatingin kay Ryuu.



Nangunot naman ang noo nito. “Of course i know you two, ka-bussiness partner ng parents niyo ang family ko." Kaswal na sagot niya.



“Not that thing Ryuu." Napatingin siya sa'kin. “2 years ago, can't you remember us?" Mas lalo akong dumikit sa kan'ya.



“2 y–years ago? Di ba nung nakaraan lang tayo nagkakilalang tatlo?" Nagtatakang tanong niya.



“Not really Ryuu." Dumikit din si Lexus kay Ryuu at sumandal sa kan'yang balikat. “I know you since then, nakilala na kita 2 years ago at gan'on din ang kapatid ko." Aniya.



“Nahulog na kami sa'yo noon pa. Ikaw 'yung lalaking tinitignan namin sa malayo habang iniisip kung anong mangyayari kapag nasa amin kana."






𝙍𝙮𝙪𝙪


Napatigil ako dahil sa narinig. Nanatili akong nakatulala sa payapang tubig at dinadama ang malamig na simoy ng hangin.


Unexpected Desire (On Going)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora