CHAPTER 16

493 24 2
                                    

𝙍𝙮𝙪𝙪

Kaagad kong kinalabit si Theo ng mapansing kakaiba sa paligid. Tumingin ito sa akin habang nakataas ang isang kilay. “Oh?"


“Bakit ang ingay yata?" Tanong ko sabay tusok sa dalawang pirasong fish balls na nasa baso niya.


Sinamaan niya naman ako ng tingin at inilayo iyon. “Bumili ka ng sa'yo!" Inis na aniya. “Saka, hindi ko alam. Baka gan'yan lang talaga sila." Dugtong niya.


“Damot mo!" Nginisihan niya lang ako bago nginuya ang siomai. Nasa food court kami, madami ding tao kaya siguro maingay.


“Oh." Napatingin ako kay Calix. Kaagad kong kinagat ang nilahad niyang pagkain. “Thank you, pre! Hulog ka ng langit. Ano pang gusto mo? Ako magbabayad."


Kaagad naman siyang ngumisi at kumuha pa ng pagkain. Napailing nalang ako, magkaugali talaga sila ni Theo.


“Uy, ako din!" Singit ni Theo. Inirapan ko naman siya. “Hindi mo nga ako binigyan!"



“Damot! Alam mo namang tipid ako ngayon."



“Sus, oo nalang!" Tumawa siya bago walang hiyang kumuha ng maraming pagkain. Mabuti nalang ay may dala akong pera, ang hirap kapag ikaw ang nanlilibre.


“Ano 'to?" Sabay tusok ko sa bilog na kulay orange, may malaking size at mayroon ding maliit. Hindi ako mahilig sa mga ganito kaya hindi ko alam.


“Ah, kwek kwek." Napakunot ang noo ko.


“Ha?"


“Kwek kwek!"


“Kweyk?" Napabusangot siya.



“Kwek kwek! Egg balls nalang!" Napatango naman ako bago iyon tinikman. Napatingin ako sa loob non. May itlog! Ang sarap!


Kumuha pa ako bago iyon kinain. “Magkano po 'to?" Turo ko sa malaki.


“10 pesos isa, iho." Tumango tango naman ako. Sana din nasusundan ni Manong ang kinukuha ng dalawa para mabayaran ko ng maayos.


“Oi, tignan mo yon." Napatingin ako kay Theo. Dumikit ito sa'kin habang may nginunguyang pagkain.


“San?" Napatingin ako sa hindi kalayuan. May humintong kotse doon, madami ding napapatingin dahil sa ganda non.


“Yayamanin, pre!" Bulong ni Calix.


Napailing nalang ako at uminom sa hawak kong buko juice. Malinis naman dito kaya hindi ako nag aalala.


“Omg! Gavin!"


Kaagad akong nasamid ng marinig iyon. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang aking bibig. Ano ba yan! Bakit kasi biglang sisigaw!


Wait...


Nanlalaki ang mga matang tumingin ako sa harapan. Gan'on nalang ang gulat ko ng makitang patungo sa direksyon namin ang isang napaka pamilyar na lalaki.


Seryoso ang mukha, nakapamulsa at diretsong nakatingin sa akin. Si Gavin. Anong ginagawa niya dito?!


Kaagad akong dumikit kay Theo, naguguluhang tumingin naman ito sa'kin habang kagat kagat niya ang toothpick.


“Oh? Anong meron?"


“Si Gavin!" Bulong ko at sumilip sa harapan. Nasa tapat na ni Calix si Gavin, medyo malayo si Calix kaya di namin alam ang nangyayari.


Unexpected Desire (On Going)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu