CHAPTER 29

224 14 1
                                    

𝙍𝙮𝙪𝙪


Napahilot nalang ako ng sintido habang nakatingin sa dalawang lalaking nag aaway sa harapan ko. It's already 8:30 pm pero nandito pa rin kami sa parking lot ng bahay nila.


“Oh shut up Lexus! Ako ang maghahatid kay Ryuu." Sigaw ni Gavin habang masamang nakatingin sa kapatid.


"Shut up too! Ako ang maghahatid sa kan'ya, baka kung ano pang gawin mo." Sigaw din ni Lexus habang masama din ang tingin na ibinibigay sa kapatid.


“Ako ang nagdala sa kan'ya dito kaya ako ang maghahatid!"



“Ikaw ang nagdala pero ako naman dapat ang maghahatid sa kan'ya! That's unfair Gavin."



"I said—"



“Hey! Tama na!" Hindi ko mapigilang pag awat sa kanila. Malamig na sa labas, nilalamok na din ako dahil sa tagal nilang mag away.


Napatingin naman sila sa'kin at kaagad na lumapit. Hinawakan ni Gavin ang braso ko 'saka tumingin doon. “Hey, i'm sorry. Here's my jacket." Tinanggal niya ang suot at akmang isusuot sa'kin ng may nagpatong ng ibang jacket sa balikat ko.


Nakangiti si Lexus habang inaayos ang jacket niya. “It's already cold here, let's go home."


“What the hell Lexus! You can go now." Masama silang nag tinginan, kulang nalang ay magsuntukan sila dahil sa pang batang away.


Napabuntong hininga nalang ako. “Mamamasahe nalang ako, maiwan kayo ditong dalawa." Akala ko pa naman ay magandang ideya ang magpahatid sa kanila.


Akmang lalakad na ako paalis ng sabay nilang hawakan ang magkabila kong braso. “Hey, where are you going?"



Napataas ako ng kilay. “Uuwi."



“Hatid na kita!" Sabay ulit nilang ani. Napailing nalang ako.



“Ako nalang kesa mag away pa kayo. I'm okay, may masasakyan pa naman sigurong jeep."


Nangunot ang noo nila at kaagad na umiling. “It's too dangerous Ryuu, hayaan mong ihatid kita." Ani Gavin.


Delikado na nga at nakakatakot bumyahe mag isa pero wala akong choice, mag aaway lang din sila at baka umabot pa kami ng anong oras.


“Pero—"



“Fine! Sumabay ka kay Gavin, susunod nalang ako sa inyo." Walang magawang ani Lexus bago nagtungo sa kotse niya.


Malawak namang ngumiti si Gavin 'saka kaagad akong hinatak papunta sa kotse niya. Kagaya ng kay Lexus ay mamahalin din ang brand nito at naiiba sa mga nakikita ko sa labas.


Pinagbuksan ako ni Gavin. Napangiti naman ako. “Thank you." Tumango siya, pumasok na ako sa loob 'saka niya isinara ang pinto at umikot patungong driver's seat.


Nauna kaming umalis habang nakita ko naman sa likod ang pagsunod ng kotse ni Lexus. Malawak pa rin ang ngiti ni Gavin habang sumusulyap sa'kin.


“Are you okay?"



Tumango naman ako bilang sagot. “Hmm." Nag focus nalang siya sa pagd–drive habang ako ay nakatingin lang sa labasan.




...



“Thank you." Ngumiti ako sa kanilang dalawa. Tinanggal ko din ang jacket na nasa balikat ko 'saka iyon inabot kay Lexus. “Thank you, ingat kayo."



Unexpected Desire (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon