CHAPTER 1

809 37 3
                                    

𝙍𝙮𝙪𝙪


Nagmamadaling isinuot ko ang aking necktie at inayos ito. Isa iyong simpleng black colored necktie na may halong gold sa gilid.



Kulang nalang din ay iuntog ko ang aking ulo sa human size mirror sa aking harapan dahil sa kakuparang kumilos. Malapit na din akong malate at ang mahirap ay masungit ang first subject professor namin ngayon.



“Bakit kasi may party pa kagabi?!" Naiiritang bulong ko. Dahil doon ay nahihirapan ako ngayon, hindi mapakali at hindi alam ang gagawin.



Nag decide si mommy na magkaroon ng  party kagabi para sa naabot na achievement ng kuya ko. Invited lahat ng kakilala nilang negosyante at kilalang tao sa Pilipinas. Hindi din mawawala don ang mga kumare at kumpare nila.



Syempre, nand'on din ang mga kaibigan ni Kuya. Hindi naman din dapat ako kasali pero pinilit ako ni mommy dahil para daw iyon sa image namin.



But in the end I was just in the corner while eating. Kinakausap ko lang din ang nakababatang kapatid ko na si Rosh.



“Good morning mom, dad." Pagkababa ay naabutan ko kaagad sila mommy at daddy na nag uusap.



Napatingin sila sa akin at ngumiti. Inilapag ni mommy ang hawak na baso na mayroong kape. “Good morning son." Humalik ako sa pisngi niya.



“Good morning." Nakangiti ding bati ni daddy kaya lumapit naman ako sa kan'ya at nagmano.



“How's your sleep anak?" Prenteng umupo si mommy at muling kinuha ang baso.



Napipilitang ngumiti naman ako. “Ayos naman po." Kumuha din ako ng bread na nasa table. May tatlong flavor ang palaman pero pinili ko nalang ang chocolate flavor.



“That's good."



Napatingin ulit ako sa aking relo. It's already 6:50 at 7:00 am ang start ng klase ko kaya nagmamadali kong kinuha ang aking bag.



“Mauna na po ako mom, dad!" Kumaway ako sa kanila at nagmamadaling tumakbo. Narinig ko pa ang pagsigaw ni mommy na hintayin ko si Kuya ngunit hindi ko nalang iyon pinansin.



“Good morning iho, late ka yata?" Bungad ni Manong Leo, isa sa pinagkakatiwalaan ng pamilya namin.



“Good morning din po." Napakamot nalang ako sa batok at sumakay sa back seat. Nagtungo din siya sa drivers seat at in-start ito. “Hindi po ako makatulog ng maayos kagabi."



Mahina naman siyang napatawa. ”Anong oras na ding inabot ang party kaya late ng tumahimik ang paligid."



“Si Martin po ba? Hindi ko na siya nakita kagabi." Si Martin ang panganay na anak ni Manong. Magkasing edad lang din kami.



“Ah, hinahanap ka din niya sa'kin pero umakyat kana sa kwarto mo."



Napatango nalang ako at tumingin sa labas. Kahit late na ako ay naging kampante pa rin ako. Hindi naman ako gaanong natatakot dahil masasagot ko naman siguro ang itatanong ng prof namin.



“Why are you late Mr. De Viste?" Bungad kaagad ng first subject professor namin. Nakataas ang isang kilay niya habang nakatingin sa akin.



Nahihiyang ngumiti naman ako. “Ah, l–late na po akong nakatulog kagabi." Mas lalong napataas ang kilay niya.



“So, anong dahilan ng pagpupuyat mo? Can you share it with us?" Palihim naman akong napairap dahil sa tanong niya. Hindi ba pwedeng pumasok nalang ako?



“May naganap pong part—"



“Excuse me, Mrs. Cruz." Naputol ang sasabihin ko ng bumungad sa aking tabi ang SSG Secretary.



“What is it Ms Trinity?"



“Pinapatawag po kayo ni Dean para sa meeting na gaganapin ngayong umaga." Pakiramdam ko ay ito na ang pinaka swerteng araw ko ngayong linggo.



Akala ko ay maghapon akong tatayo dito habang sinasagot ang mga tanong niya.



Napatango naman ang prof namin at bumaling sa mga kaklase ko. “We will continue this discussion later. Keep quiet and behave" Humarap siya sa'kin. “Papalagpasin ko 'to Mr. Ryuu pero h'wag mo ng asahan na pagbibigyan kita sa susunod."



Napangiti naman ako at kaagad na tumango bago pumasok sa loob. Kinuha niya ang bag at sumunod sa secretary.



“Ang sarap nung carbonara sa inyo ah!" Bungad kaagad ng ibang kaklase ko. Napailing nalang ako dahil sa kalokohan nila.



“Oo nga! Ang dami pang gwapong bisita."



Well, Ilan sa kanila ay invited din sa party kahapon. Nagtungo nalang ako sa pwesto ko at nilapag doon ang bag.



“Pero infairness, hindi naging boring ang gabi ko dahil nand'on ang ultimate crush ko!" Tili ni Vienna. Napatingin naman ako sa kan'ya at sa mga kaibigan niya.




“Oo nga! Ang swerte ni Ryuu dahil ka-bussiness partner ng magulang niya ang pamilya ni Gavin."



Napataas ang kilay ko. “Sino 'yon?" Hindi makapaniwalang tumingin naman sila sa'kin na parang gulat na gulat sa itinanong ko.



“Oh my gosh!" Tili ni Vienna at lumapit sa'kin. “You don't know him?! Oh my! Sa lahat yata ng tao sa Pilipinas ikaw lang ang hindi nakakakilala sa kan 'ya!"



Sino bang tinutukoy nila? Mukha din bang galing ako sa Mars para hindi makilala 'yon?



“Yung gwapong anak ng mga Montevio!" Napaisip naman ako. Montevio? Ah! Yung ka-bussiness partner ni daddy sa matagal na panahon na.



Pero, hindi ko pa nakikita ang anak nila. Madalas kasi ay silang mag asawa lang ang sumasama sa dinner ng family namin.





“Ano ulit pangalan nung anak nila?"






“Gavin Viusse Montevio."








END OF CHAPTER 1

Unexpected Desire (On Going)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz