CHAPTER 7

914 23 4
                                    

Sorry for the very very long break. Lampas isang taon na pala mula no'ng last update ko. Enjoy reading ❤️

......


MADILIM ang mukha ni Drake nang ihatid niya ako sa apartment. Siguro na offend siya sa sinabi ko kanina. It's not like I meant to hurt his feelings, but we know that's the truth and we can't runaway from it.

Hindi niya naman talaga ako bubuntutan kung hindi ko siya nilapitan nang araw na 'yon. Hindi ako magpapa-hipokrito... I'm really attracted to him. Sino ba namang hindi? He has the look that can make you drool, perpekto din ang hubog ng katawan niya, at ang huli sa lahat professional at mayaman pa. Baliw ka nalang kung sasabihin mong hindi ka magkakagusto sa tulad niya.

But that's my greatest fear, the fact that I have this kind of admiration towards him will endanger me. Baka sa huli masaktan lang ako at mauwing luhaan. Alam kong marami pang mas maganda at mas better kasya sa akin, so I can't be sure that he was true to his feelings.

That's the reality of life. Hindi mala fairytale ang vuhay, na lahat ay nauuwi sa happy ending. Hindi gano'n 'yon. Tanga lang ang naniniwala sa gano'n.

I observed and witness a lot of lover, partner and even family which fall apart. Ngayon nga ay parang wala nang halaga ang kasal dahil kahit ang mag-asawa na maligayang ikinasal ay nagawa paring maghiwalay.

"I'll text you later." Basag ni Drake sa nakakabinging katahimikan sa pagitan namin.

"Ikaw Ang bahala." I shrugged. Hindi na siya magsalita at tumango nalang. I can read through his eyes the pain I inflicted through my words, pero hindi ko alam kung totoo ba ito o hindi. Napaka-imposible naman na ang bilis niyang nahulog sa akin at ang bilis niya akong minahal diba?

Siguro nasaktan at naapakan ko lang ang pride niya.

"Take care. Don't missed your meal." He smiled, forcefully.

"I will, thank you." Nakangiti ko ring sagot at bumaba na sa sasakyan niya. "Ingat sa byahe." I muttered before shutting the door.

Pag alis ng sasakyan ni Drake ay tsaka lang ako pumasok sa apartment. Wala na sa loob ang mga kaibigan ko dahil may trabaho sila. Nagpapasalamat nga ako na wala sila dahil kapag nagkataong andito sila at naabutan nilang hinatid ako ni Drake baka hindi na nila ako tantanan ng mga tanong.

Mabilis akong naligo sa banyo at saglit na naglinis ng Bahay. Medyo nainis pa nga ako dahil sana naglinis muna ako bago naligo dahil sobrang lagkit ko na naman dahil sa pawis. I glance at my phone when I felt it vibrating.





From: Mr. Sandoval

Just got home.





Maikli niyang text sa akin. Hindi ko na siya ni-replyan dahil ayaw kong tumaas ang usapan namin. Ilalapag ko na sana sa mesa ang cellphone ko nang bigla itong tumunog. I bit my lips when Drake's name flashes on my screen. Damn it, he's calling!

Malalim akong bumuntong hininga bago sinagot ang tawag.

"H-Hello?" Mahina kong wika. Hindi siya agad tumugon. Narinig ko pa ang malalim niyang paghinga bago siya nagsalita sa kabilang linya.

"Are you busy?" He asked in monotone. For some reason ay nakaramdam ako ng kaba na tila hinahalukay ang sikmura ko.

"Kakatapos ko lang maglinis, bakit?" Kalmado kong tugon.

"Just asking. I thought you're ignoring me." Walang bakas ng pagbibiro ang pagkakasabi niya no'n. Prangka at diritso.

Nag-isip muna ako nang mabuti bago sumagot. "Why would I ignore you?"

Damn it! Bakit parang nasa hot seat ako ngayon?

"You know the reason already." Diritso niyang sagot. "I'm glad to here that you're not ignoring me."

Parang tinusok ng karayom ang puso nang sabihin niya yon. Hindi halata sa kanya na masaya siya, instead he seems to be worrying over something.

"You're my boss, Drake. Why would I ignore you?" I tried to smile to hide the mix emotion inside me.

"Is that all?" Parang may hinihintay pa siyang karugtong. Parang naghahangad siya na sana may idudugtong pa ako.

"Ofcourse..."

I heard him chuckle in the other line.

"Alright, then. Have a great day."

Hindi ko alam ngunit nanginginig ang luha sa aking mata. I can't explain what I feel. Gusto ko siyang puntahan at tanungin kung ok lang ba siya.

"I'm gonna end the call." Sabi niya sa mahina ngunit malambing na paraan.

"Sige, ingat." Maikli kong tugon at pinatay na niya ang tawag.








SA MGA sumunod na araw ay hindi na kami nagkikita ni Drake. Kagagaling ko lang sa trabaho at pagabi na. Wala sa apartment ang mga kaibigan ko dahil umuwi muna sila sa pamilya nila, kaya ako lang mag-isa sa apartment. Hindi naman ako natatakot dahil secure naman kami dito at may mga tanod din namang nakatuka sa labas.

I grabbed my bag and cellphone when I decided to eat outside. Nasasayangan kasi akong magluto dahil hindi ko rin naman mauubos. Siguro magre-restaurant nalang ako.

Kahit awkward kumain sa restaurant ng mag isa ay binaliwala ko nalang yon, gutom narin kasi talaga ako. At isa pa, wala din akong choice.

"Table for two, Ma'am?" Tanong ng waiter sa akin.

"No. For one only." I smiled.

The waiter smile at me and said, "please follow me, Ma'am." Hinatid niya ako sa bakanting mesa at binigyan ako ng menu. Hindi na ako naghanap ng iba, nag stick nalang ako sa madalas kong ino-order.

"It's my first time here, Drake." Kumunot ang noo ko nang makarinig ako ng maarting boses.

"Really? I'm glad that I bring you here." Tugon naman ng kausap nito. Nanlaki ang mata ko nang matamaan ko si Drake na may kasamang babae. Pormadong-pormado siya at parang nasa date silang dalawa.

"Thank you, Drake." Maarting wika ng babae'ng kasama niya at hinawakan pa ang kamay niya.

I saw Drake smiling. Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko. Nahihirapan akong lumunok. What a jerk. Kaya pala hindi na siya nagparamdam sa akin dahil may iba na pala siyang pinagkakaabalahan.

Damn him!

Nawala ang gutom ko dahil sa nakita ko kaya mabilis akong tumungo sa counter at pina-take out nalang ang inorder ko. Baka kasi hindi ko masikmura ang pagkain, masasayang lang ang pera ko.

Parang nagliliyab ang dugo ko sa sobrang inis. I'm so pissed at the same time... feeling hurt. Sa totoo lang, nag assume talaga ako, akala ko totoo na 'yong mga sinabi niya. Akala ko sincere siya sa mga sinabi at pinakita niya sa akin... Hindi pala.

Mabilis kong pinunasan ang luhang kumawala sa mata ko. Dahil sa sobrang bad trip ko ay gusto kong mag mura ng malala.

"Putangina niya talaga!" Mahina akong napahagolhol. Nagulat pa si manong driver na sinakyan ko ngunit hindi nalang siya umimik  at hinatid nalang ako sa apartment.

I already expected this, pero hindi ko alam na masasaktan parin pala ako. "Makarma ka sana, Drake! Lumiit sana ang alaga mo para wala kanang maipagmamalaki!" Nanlulumo kong sabi nang pumasok ako sa apartment. "Mabaog ka sana!"

To be continue...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HOT BACHELOR 1: DRAKE SULLIVANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon