Chapter 2

1K 38 5
                                    


"SAB, Cass, aalis na ako. Mag-iingat kayong dalawa dito dahil may flight ako ngayon. Bye, see you soon!" Malakas na sigaw ko.

Dala dala ko ang mga gamit ko sa iisang maleta. Wala pa sana sa plano ko ang pumasok trabaho kaso wala daw ibang flight attendant na magte-take over sa flight ngayon, kahit labag sa loob ko ay wala akong magagawa.

If only I have a choice. Mukhang sinugurado talaga ni Mr. Sullivan na makakapasok ako ngayon. Ayaw niya sigurong mawalan ng magandang employee.

Palabas na ako ng apartment nang may bigla kumatok sa  pinto. Nagtaka ako dahil sa ganito kaagang oras ay may namumulabog na ng ibang bahay.

Hindi kaya si Mr. Sullivan ang kumakatok ngayon? Bilin niya pa naman sa akin kahapon na susunduin niya ako.

No way! I'm not gonna ride with him. Hindi naman ako pumayag sa kanya kaya hindi niya ako pwedeng pilitin. Ang kapal ng mukha niya. Baka gusto niyang kasuhan ko siya ng trespassing? Subukan niya lang bumalik dito makakatikim talaga siya sa akin.

Sayang talaga. Napakagwapo niya pa namang nilalang. Ang sarap niya sigurong kayakap sa magdamag. Geez! Paniguradong matitigas ang muscles niya sa katawan at ang sarap nitong gawing unan.

Hindi ko maiwasang mapailing sa sarili ko at dahan dahang binuksan ang pinto ng apartment upang tinignan kung sino ang BWESITA.

"Good morning, Ma'am. Shopee delivery po para kay Cassandra Juarez." Bungad ng isang lalaki sa akin na may dala-dalang package.

Eh? Delivery lang pala akala ko kung ano nang meron. Ang bruhang 'yon nagwaldas na naman ng pera.

"Ay, wait lang po tatawagin ko lang." Paalam ko sa mama at tumakbo sa kwarto ni Cassandra.

Akala ko si Mr. Sullivan na 'yong kumatok hindi pala. Hindi ba't parang masyado naman akong nag-a-assume na tutuhanin niya ang sinabi niya sa akin kahapon?  Why do I even concluded that it was him? He's a busy person at alam kong hindi siya magsasayang ng oras para sa akin.

"Hoy, Besh! Gising may delivery para sa'yo." Nakabaloktot pa si Cassandra habang nakabalot ng kumot ang buong katawan. "Hoy! May delivery para sa'yo."

Mahina siyang umungol at sinipat ako.

"What?!" She spat.

"May delivery para sa'yo. Kanina ko pa sinasabi 'yan, Besh. Paulit-ulit lang? Tumayo kana diyan dahil aalis na ako."

Kumunot ang kanyang noo at ginawaran ng tingin ang buo kong katawan.

"May flight ka?"

"Stop asking the obvious." I answered, sarcastically.

"Ok, ikaw na ang umabot ng mga in-order ko dahil inaantok pa ako." Humikab siya kaya mabilis kong tinakpan ang ilong ko.

"Gross! Bad breath!" Inis kong sigaw sa kanya. Inismiran niya lang ako at tumayo na sa kama. "Maligo kana nga hindi ba't maaga ka pa ngayon? Ang baho baho mo na!"

She glare at me before she could reach the door of her room. "Kailanman ay hindi ako naging mabaho, no! And for your information ako kaya ang pinakamabango sa ating tatlo kaya huwag kang maarte diyan!"

Hala napikon. Siguro may dalaw 'yon ngayon dahil hindi na siya mabiro.

Nagmartcha siya palabas. Sinundan ko siya dahil aalis narin ako. Malapit na kasi akong ma-late at baka pagalitan ako ni Mr. Sullivan.

HOT BACHELOR 1: DRAKE SULLIVANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon