Chapter 1

1.1K 37 3
                                    

"BESH, may naghahanap sa'yo!" Sigaw sa akin ni Sabrina, isa sa matalik kong kaibigan.

"Who?" Maarte kong sagot habang nag-aayos ng gamit. Hindi kasi ako pasok sa trabaho ngayon kaya minabuti kong maglinis para naman gumanda kahit papaano ang atmosphere ng apartment na inuupahan namin.

"Hindi ko kilala, Besh. Lalaki at sobrang yummy pa. May bibisita ba sa'yo ngayon na hindi namin alam?" Tili niya habang niyuyogyog ako. "Ang sarap niyang tignan nagwe-wet ako. Para siyang panginoong bumaba sa langit. Ang gwapo gwapo!"

Ngumiwi ako dahil sa pinagsasabi niya. Sa totoo lang ay wala naman akong kakilalang bibisita sa akin ngayon. Kung sino man 'yan siguro may important lang na kailangan.

Magsasalita na sana ako nang biglang sumulpot si Cassandra habang humihingal. Lito kaming tumingin ni Sabrina sa kanya.

"Sino 'yong gwapong lalaki sa labas? Manliligaw mo ba 'yon, Sabrina? Naks! Ang gwapo gwapo ang sarap manyakin!"

Mabilis na umiling si Sabrina sa kanya at tinuro pa ako. Namilog ang mata ni Cassandra habang nakaawang ang mga labi.

"Boyfriend mo 'yon, Farrah?" Hindi makapaniwalang aniya. Bakas sa kanyang mukha ang pagka-gulat at saya. "Finally, may naglakas loob naring manligaw sa'yo. May pa-perfect effect kapa kasi, eh!"

Dinilatan ko sila ng mata at naglakad papunta sa pinto. Hindi ko naman talaga kilala kung sino ang tinutukoy nila at mukhang namimiss-interpret nila at sitwasyon.

I spun at them before holding the doorknob. "First of all wala akong boyfriend. Second, I didn't expect someone to visit me kaya huwag kayong magdiwang diyan. Single parin ako hanggang ngayon!" Singhal ko sa kanila dahilan upang lumaylay ang balikat nila.

Hindi kasi ako sumang-ayon sa kondesyon ni Mr. Sullivan. Gusto ko lang naman na magpabuntis sa kanya, ayaw kong magpakasal. Pangarap ko naman sana 'yon kaso ayaw kong makulong sa isang relasyon kung sa una palang ay alam ko nang hindi tama. Ayaw ko lang masaktan dahil sa pagka-desperada ko.

I heaved a deep sigh before twisting the doorknob open. Gayon nalang ang gulat at panlalaki ng mata ko nang makita ko ang makisig na imahi ni Mr. Sullivan na bumalandara sa paningin ko. I was definitely facing his Adams Apple and it was so sexy the way he gulped. Nang hina ang tuhod ko nang makita kong umiigting ang kanyang panga.

Damn! H--He look so hot.

Kusang huminto ang aking paghinga habang nakatingin sa perpekto niyang mukha. His blue eyes was mesmerizing me. Napaka-amo nito at parang hinihiptonismo ako ng titig niya.

"W--What are you doing here?" Utal kong tanong. Mabilis ang pintig ng puso ko at parang anytime ay sasabog na ito.

Liningon ko sina Sabrina at Cassandra at sininyasan na iwanan muna kami, mabilis naman nilang naintindihan ang ibig kong sabihin at sabay silang tumango habang nakangiti pa sa akin. Mapaglaro ang paraan ng pagtingin nila at parang pinapahiwatig na may utang akong estorya sa kanila na dapat kong ikuwento.

"Hanggang kailan mo gustong magtago sa akin, Farrah?" Seryoso niyang tanong sa akin. Pinigilan ko ang panginginig ng binti ko at lakas loob siyang tinignan sa mata.

"I'm not hiding, Mr. Sullivan. Bakit naman kita tataguan?" Matapang kong tanong sa kanya.

He chukle, but it wasn't a playful one instead it gave danger to me.

"Bakit nga ba, Miss Castillo? Pagkatapos mong maki-usap sa akin na buntisin ka ay iiwan mo ako ng gano'n gano'n nalang? Kilala mo ba talaga kung sino ang kaharap mo ngayon?" Napasandal ako sa pinto dahil sa sobrang kaba at panghihina ng binti ko. Nagsitayuan ang balahibo sa aking katawan  nang makita ko siyang ngumisi.

HOT BACHELOR 1: DRAKE SULLIVANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon