“Sir, the Police are waiting outside,” panimula ni Gael habang siya ay nakatingin sa amo.

“Let them wait, I will not leave my wife and my child here.”

Tumango naman si Gael at siya na mismo ang humarap sa pulisya.

Maraming nasira sa mga gamit ni Franklin especially inside his living room and kitchen area. Hindi naman makalabas si Jaica at dalawang katulong dahil si Franklin lang ang may access sa lagusan na ito, because Manang Karing went to the other door upang hindi rin siya makulog at maghintay pa sa pagdating ni Hugo para buksan ang lagusan.

Napapalibutan din ng mga gwardya ang paligid ng ward at buong ospital. Para bang natatakot si Charm na pumasok sa ospital dahil siguradong daig pa ng demonyo kung magalit si Franklin lalo na’t nadamay muli si Belle at ang anak nila.

Tumapak ng alas dose at sa ospital sinalubong ni Franklin ang pasko at kanyang kaarawan. Same as the old times, hindi masaya ang kaarawan niya dahil palaging barilan at umaagos ang dugo.

Napayuko na lamang ang binata at hinawakan ang kamay ni Belle.

“I’m sorry… I almost lost you… I almost lost the woman I love for the second time. Ipaghihiganti kita, Belle at ang anak natin. I’m glad that both of you are safe…” bulong ni Franklin habang ang kanyang mga ugat ay halos mamutok sa sobrang galit.

“Where is Franklin?!”

Napatingin na lamang ang mga gwardya nang makita nila si Jacob at Vito sa sumugod sa Carmelite.

“Sir, bawal po pumasok,” pagmamatigas ng gwardya ni Franklin pero nagpumilit si Jacob kaya naman nakapasok sila ni Vito sa loob ng ward.

“Get out,” mahinang sinabi ni Franklin.

“Franklin, we heard about what happened,” pagpapanic ni Jacob.

Hindi lang iyon dahil pumasok din si Joaquin sa loob ng ward kaya naman mas lalong uminit ang ulo ni Franklin.

“All of you! Get the fuck outta here! Hindi ko kailangan ng tulong niyo. And you Jacob, I mostly don’t fucking need your help! Para ano? Para pabangunhin ang pangalan mo sa politika?!” Sigaw ni Franklin.

“My dad is concerned about you and Belle! Hindi dahil sa politika!” Asik ni Joaquin.

“Hey you, kiddo. Get out of this fucking room kung ayaw mong magdilim ang pangingin ko sa iyo!” Sigaw ni Franklin kay Joaquin.

“Let’s get outta here, Jacob, Joaquin,” aya ni Vito.

“Maiwan ka rito, Vito,” seryosong sinabi ni Franklin kaya naman nagkatinginan sila ni Jacob.

Nang makalabas ang mag-ama, Franklin and Vito started to talk. “I’m sorry for what happened. Walang may gusto.”

“Nasa akin ang Chinese tycoon,” mahinang banggit ni Franklin kaya naman napalapit si Vito sa kanya.

“How?”

“Kaya nasalisihan ako sa bahay, I was wounded. Mr. Tan and Mr. Lee are the same person. Kakosa niya si Henry at Joseph. And I wonder what kind of business do they have aside from child and human trafficking. At ngayon hindi ko alam kung sino naman ang nanloob sa bahay ko.”

“Mr. Lee? Again and again, palagi nilang ginagamit ang pangalan na iyan para maitago ang tunay nilang pagkatao.” Napasapo ng sentido si Vito hindi dahil sa stress kung ‘di dahil sa bilib ng mabilis na aksyon ni Franklin. “Hindi ako nagkamali na ipahawak lahat sa iyo. Nakuha mo lang siya ng ganu’n kadali,” dagdag ni Vito.

“Kadali? I almost lost my wife and child. Vito ayokong mangyari kay Belle ang nangyari kay Cassandra.”

Nagtagis ang panga ni Vito dahil sa tuwing naaalala niya ang kasamaan at pambababoy ni Tobias at Russ kay Cassandra, para bang gusto niyang dukutin ang kaluluwa nila sa himlayan. “If I can double kill them gagawin ko. At tama lang na tayong dalawa na muna ang mag-usap tungkol sa mga sindikato. This is about our brotherhood. Labas dito si Jacob,” tugon ni Vito.

“I don’t trust him, his words, and his son. Pasintabi, pero wala akong tiwala sa kahit sinong kasama mo. Only our brotherhood, Vito.”

“I understand. Kung kinakailangan mo ako, handa akong tumulong.”

“I don't need help, Vito. Kilala mo ako. Kahit ilang sugat at tama ng baril ang matanggap ko, I will not stop on finding justice”

“Please be careful… hindi ako makikialam sa desisyon mo.”

Kahit papaano ay naibsan ang galit at kaba sa puso ni Franklin dahil kay Vito. Pero kating-kati ang kamay ng binata na alamin kung sino ang sangkot sa pagpasok sa kanyang tahanan.

A few minutes later, bumukas ang mga mata ni Belle kaya naman tumayo si Franklin para lapitan ang nobya.

“Franklin… our baby?”

“Both of you are fine. Makapit ang anak natin.”

Lumuha ang mga mata ni Belle nang yakapin niya si Franklin. “I was scared. Hindi ko na alam kung saan ako tatakbo, natakot ako na lumaban kaya doon ang last option ko. Sorry, hindi na naman ako sumunod. Akala ko kaya kong lumaban.”

“I saved you. I’m sorry, Belle. Nang dahil sa akin nadamay ka pa.  Takot akong iwanan mo ako… I want to kill those bullshits who entered my house. Who almost killed you and the rest of the maids.”

“Huwag mo na akong iiwan. Paano kung balikan nila ang bahay mo?”

“Lilipat na tayo, my house isn't safe anymore.”

“Pero paano ang pag-aaral ko? Paano kung maapektuhan.”

“Did they see you?”

Umiling lang si Belle. “Hindi ako nagpakita dahil siguradong guguluhin nila ako.”

“My guards will protect you, kung pwedeng ako na mismo ang maghatid sundo sa iyo sa school.”

“Please… turuan mo ako… train me to become tough for me and for our baby. Ayoko nang matakot uli, Franklin. Ayoko nang maging duwag at magtago na lang dahil hindi ko sila kayang tapatan.”

“No, leave it to me.”

Sa pagyakap ni Belle kay Franklin, hindi niya sinasadya na matapik ang tama nito sa likuran kaya naman heto at napangiwi si Franklin.

“What happened? May masakit ba sa iyo?” biglang bangon ni Belle.

“Nothing, nabunggo lang ako sa bakal ng septic tank. I’m fine.”

“No, you aren't. Namumutla ka rin!” Bulalas ni Belle kaya naman heto at sapilitan niyang hinahatak si Franklin.

“I’m okay, I promise. Nothing to worry about, Belle. Maayos lang ako.”

Umiling si Belle doon sinimulan na halikan ang labi ni Franklin. “No matter what, please huwag mo na akong iiwan.”

Mas lalong nanghina ang dibdib ni Franklin habang nakatingin kay Belle. She was like the kid who lived in the dark side of Manila. Nanghihingi ng awa na tulungan kaya naman humalik din si Franklin sa labi niya.

“I promise… hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama ulit sa iyo.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now