Kabanata 15

324 33 15
                                    

Kabanata 15

Love Triangle

Renemes

Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil natapos na ang laban o maiinis dahil basang basa na ako ngayon.

"Rem." agad kong nilapitan si Bubblegum ng tawagin nya ako, buhat buhat siya ngayon ni Himari.

"Okay kana ba?" Alam kong hindi pero nagtatanong pa rin ako.

"Ma-masakit ka-kamay ko." Tinaas nya pa ang kamay nyang masakit daw at dahil naiinis ako hinawakan ko ito at pinalipit.

"Aray Rem!" Nalaglag sya sa pagkakabuhat ni Himari dahil sa sakit ng pagkakapalipit ko sa kamay niya.

"Ayos mukhang okay kana." inirapan niya ako sa naging sagot ko sa kanya, dapat nga magpasalamat pa siya sakin.

"Sinong nanalo sa laban?" Napailing nalang ako ng hindi sakin nagtanong si Bubblegum kundi kay Yidy.

"Patas ang naging laban Bubblegum at bago ko pa makalimutan maganda ang pinakita mong gilas kanina." Kahit ako nabilib din sa pinakitang gilas ni Bubblegum at sa buhok nyang spaghetti na may ahas pa.

"Kaya nga Bubblegum mas lalo tuloy kitang nagugustuhan." Binatukan siya ng masungit na si Geru sa sinabi ni Himari.

"Umayos ka." Napakamot nalang ng batok si Himari ng tumawa sila Yidy.

"Pangatlong maglalaban Claudette sa team ETIHW at Devols sa team NAROH wag pakupad kupad umpisahan na ang laban!" Natahimik ang lahat ng pumunta na si Claudette at Devols sa gitna.

Ang lusaw na swimming pool ay naging higanteng dahong lumilipad at umiikot ng mabilis na mabilis kaya hindi ko na makita kung anong nangyayari, ngunit laking gulat namin ng tumilapon si Claudette ng walang malay.

"Lagi mo akong pinapahanga Devols nagawa mo ng napakabilis ang laban, kunin mo na ang kalahating kapangyarihan niya." Ngunit waring hindi narinig ni Devols ito dahil nginisian muna niya ako bago itapat ang kamay niya kay Claudette.

"Simula na ang laban!" Nagulat ang lahat ng dambahin ni Fifth si Devols ngunit saglit lang ang pangyayaring iyon dahil agad siyang tumalsik.

"Sinusubukan mo talaga ako ha!" Naging itim ang langit nagpapatunay na isang weather manipulator si Devols.

"Oo!" Umangat lahat ng mga bato patungo kay Devols ngunit nagkadurog durog ito sa isang kumpas lang ng kamay ni Devols.

Dapat ay kanina pa binawal ni Headmaster si Fifth dahil sa pangingialam ngunit nanunuod lang ito imbis na bumubulyaw ng dahil sa inis.

Nagkaroon ng isang malaking bilog na salamin na siguradong napkatibay, napailoob noon si Claudette, Fifth at Devols.

"Renemes." Napatingin ako sa tumawag sakin na nasa tabi ko na pala, basang basa siya at lutang na lutang ang kulay nyang asul.

"Tixe." Napakamot pa siya ng batok kaya napairap nalang ako dahil wala sa itchura niyang yan na marunong mahiya.

"Ang ganda mo pala kapag basa." Sinamaan ko siya ng tingin dahil hayop siya maganda lang ako kapag basa ganun ba yun.

"Oo." Napatingin kaming lahat nila Bubblegum ng magsalita si Geru na nakatingin sakin ngayon.

"Oy, anong oo pinagsasabi mo dyan." Napailing nalang ako dahil ngayon alam ko ng mind reader si Geru.

Magsasalita pa lang sana si Geru ng mawasak ang malaking bilog na salamin, nagsitalsikan ang mga kapiraso ng salamin. Pumikit nalang ako at hinintay na tamaan nito ngunit wala akong naramdaman kaya napadilat ako.

Pagdilat ko isang pader na tubig ang bumungad sakin, mabilis na lumingon ako kay Asul at sa mga kagrupo ko.

"Tanga ka, hihintayin mo pang tamaan ka ng bubog!" Binatukan niya pa ako pero hindi ko nalang pinatulan.

"Salamat." Natahimik si Asul maging ako, binalingan ko nalang ang aking tingin kay Bubblegum.

Mukhang na protektahan din sila ng pader na tubig dahil kakadilat lang nila si Yidy at Himari na kinakapa pa ang buong katawan kung may galos sila at habang si Bubblegum naman sinuklay lang ang buhok. Si Geru yun, parang wala lang nangyari.

"Ano, kalakas ng loob mong sumugod sakin wala ka naman palang binatbat!" Wala na ang pader na tubig kaya nakikita ko na sila Devols , Claudette at Fifth.

Hawak sa leeg ni Devols si Fifth na mukhang nahihirapan nang huminga, gutay gutay na din ang damit nilang dalawa. Sana ay nasaksihan ko manlang kung pano ito nangyari kung hindi lang sana ako inistorbo ni Asul.

Tutuluyan na sana ni Devols si Fifth ng batuhin siya ng bubog ni Claudette kaya napabaling ang tingin nya dito at binalibag ang nanghihinang Fifth.

"Gising kana pala." Binato ulit ni Claudette ng bubog si Devols ngunit hindi na katulad ng una dahil bumalik sa kanya ito at tumama sa kanang braso niya.

"An-shit!" Napakatulis na bato ang tumusok kay Devols na nagpahiga sa kanya.

Tatapusin na sana ni Fifth ang laban ng tumigil siya sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Tebor. Mukhang mangingialam na ang isang pang asal demonyo.

"Tss." Tinapat ni Tebor ang kamay niya kay Fifth, umilaw ito ngunit hindi din nagtagal dahil napigil ito ni Claudette.

"Pakawalan mo si Fifth!" Halatang nanghihina na si Claudette ngunit pinipilit nya pa rin at alam kong alam din yun ni Tebor.

"Bakit ko naman gagawin yon." Nang-aasar na sabi ni Tebor bago niya nilapitan si Claudette ng sobrang lapit.

Tebor

Kung nanahimik nalang sana si Claudette hindi na siya maghihirap ngayon dahil pagkalapit ko sa kanya agad kong ginalaw ang mga laman loob niya.

"Asal demonyo ka talaga." Mahinang sabi niya sakin habang hindi makahinga sa sakit.

Sanay na akong marinig ang mga salitang yun, ang totoo nga mas sumasama pa ako kapag sinasabi sa akin ang salitang demonyo.

Wala akong balak kunin ang kapangyarihan ni Claudette dahil magagalit ang Headmaster sakin,  nilapitan ko nalang ang kambal kong namamalipit din sa sakit ngayon.

"Lintek ka, buti naman naisipan mo nang mangialam kanina pa ako nanghihina." Mahinang sabi sakin ng kambal ko habang buhat ko sya.

Kahit mga asal demonyo ang turing sa amin ng mga estudyante dito ay nasasaktan din kami kahit papaano, dahil tao lang kami pareho ng kambal ko. Ang totoo nyan nasiyahan akong panoorin ang tatlong love triangle kaya pinatagal ko pa.

May pagtingin ang kambal kong si Devols kay Claudette, ang totoo nga kanina alam kong papagalingin niya lang si Claudette. Kaso ang isang bulataw nagmagaling kaya gumulo na ang diskarte ng kambal ko.

"Kambal si Claudette, namamalipit na sa sakit tanggalin mo na." Binaba ko sya sa lapag at hinugot ang matulis na batong nakasaksak sa kanya.

"Mabuti yun para parehas kayong namamalipit sa sakit ngayon. " Napailing nalang si kambal sa sagot ko.

"Pangatlo at pang-apat pala ang matatapos ngayon at base sa kilos nyo maganda ang pinakita nyong paglaban. Pero humanda na ang makakalaban ko dahil hindi ako marunong maawa." Lumakad na si Sitsiramu sa gitna, alam kong gigil yan na makipaglaban kanina pa.

Pinatigil ko na din ang nagpapasakit kay Claudette maging kay Fifth, ngunit sadyang sobrang dami ng natamo nilang sugat na pareho nakatulog na sila.  Kinuha na kanilang  kagrupo at ang resulta wala ng sagabal sa dalawang tao sa gitna.

Demon CityWhere stories live. Discover now