Kabanata 7

556 52 66
                                    

Kabanata 7

Razi VS Renemes

Renemes

Napamura ako ng mahina nang magising akong lumulutang sa ere,  isa siguro ito sa ginawang kademonyohan sakin ni Tebor.

"Mushi." Napatingin agad ako kay Hinata na kinabagsak ko naman sa sahig ng kuwartong pinaggisingan ko.

Tumayo agad ako kahit na nananakit pa ang aking katawan, bumalik kase ang alaala kahapon kung paano sila nawala.

"Ayos ka lang?" napatingin agad ako sa nagsalita.

Si Hinata pala na naging tao na din katulad ko, naiwadlit na sa isipan kong kaya nya palang gawin yon. Katulad ng una kong pagkakadiskubre, payatot pa rin ang pangangatawan, kulay abo ang buhok at ang mata, matangkad ng limang pulgada sa tangkad ko.

"Okay lang ba talaga saking maging tao katulad mo?" Nahihiyang tanong ni Hinata.

"Oo, kung san ka mas kumportable ikaw bahala." Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya habang naglalakad papunta sa pinto ng silid.

"Ang bait mo talaga, master." Imbis na sasagot ako sa sinabi ni Hinata ay napamura ako ng tumama sakin ng malakas ang pinto.

Inalalayan pa ako ni Hinata habang lumalayo sa pinto para makapasok ang walang modong tao na hindi kumakatok bago pumasok.

"What happened?" Sinamaan ko ng tingin ang walang modong kulay asul na nakahawak pa ang dalawang kamay sa balikat ko pagkapasok niya.

"Wag mo akong hawakan."Ngiti lang ang sagot na ginawa ni kulay asul kaya ako na ang nagtanggal sa mga kamay niya sa balikat ko.

"Easy pissy Binibini." Ngiting ngiti na sabi ni kulay asul kaya binaliwala ko nalang siya at tinuloy na ang pag alis sa letcheng kwartong ito.

Ramdam kong sumunod silang dalawa sakin kaya tinuloy ko nalang ang paglalakad, madami ding silid ang bumungad sakin at halatang gising na ang lahat dahil nagkalat sila sa daanan na mas lalong nagpainis sakin.

"Aray." Mahinang pagmura ko ng biglang umatras ang isang babaeng may napakahabang buhok na kumikintab pa.

"Ugh! nagulo na ang buhok ko." Napairap nalang ako sa sinabi niya, bakit ba kasi paharang harang siya diyan tapos pagnadungol magagalit.

"Magpakalbo ka para hindi ka nagrereklamong nagugulo." Tinignan niya ako ng masama na para bang hindi totoo ang sinabi ko. 

"Bago ka lang dito pero ang lakas ng loob mong banggain ako!" Biglang pumulopot ang buhok niya sakin, kako na nga bang ito ang kapangyarihan niya.

Humigpit ng humigpit ang pagkapulupot ng buhok niya sakin dahil nginisian ko siya mapaluhod na ako sa sakit pero tinitiis ko pa din kase ayokong marinig nyang nasasaktan na ako.

"Saan na ang tapang mo, nautot mo na siguro kaya ang tahimik mo!" Sige pa galitin mo pa ako tignan ko lang kung may matitira ka pang buhok dahil sa kayabangan mo.

"Stop that shit Razi, ireserba mo nalang ang kapangyarihan mo sa laban wag sa away daga!" Hindi na ako nagulat sa pagsulpot ni kulay asul sa harap ng babae, ganun naman siya lagi pasulpot sulpot.

Lumuwag na ang pagkapulupot ng buhok niya kaya hinila ko ito ng napakalakas. Napangisi ako ng napaaray siya sa sakit, hindi ako papayag na aapihin na naman ako dahil ngayong pang pareparehas kaming may kapangyarihan.

"I said stop that!" Hinagis ko kay kulay asul ang buhok ng babae dahil halatang gusto naman niya yun kaya lamunin niya.

"Ugh, ang buhok ko, hindi pa tayo tapos!" Tinaasan ko nalang siya ng dirty finger sa sinabi niya bago siya umalis, mabuti na yon baka mawalan siya ng buhok pagnagkataon.

"Remrem okay ka lang ba?" Nagutom ako sa amoy ni Bubblegum ng yakapin niya ako, grabe reyna talaga siya ng pagkain.

"Nagugutom na ako." Napabitaw siya sa pagyakap at sinamaan ako ng tingin.

"Talagang sakin mo pa yan sinasabi." syempre sa kanya kase sya lang naman ang kaclose kong mapagtatanungan.

"May kainan ba dito." Seryosong tanong ko sa kanya kase gutom na ako.

"Oo meron sa Foods Unit." Buti naman meron ganun dito dahil baka masira ngipin ko sa mga pagkain ni Bubblegum.

Demon CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon