Kabanata 10

561 49 80
                                    

Kabanata 10

Team ETIHW

Claudette

"Isip bata na kung isip bata bakit kase naiinggit ka hindi mo nalang ako gayahin." Disgusting, siya kaiingitan ko? Wag nalang no.

Sasagot pa lang sana ako nang umiksena ang kaibigan ni Bubblegum, umalis ba naman ng walang pasabi.

"Nahuli na ba kami?" Napabuntong hininga ako maging ang mga kasama ko ng dumating na ang dalawang kulang sa grupo naming ETIHW.

"Fifth, malulusaw si Claudette niyan." Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Killva dahil busy ako sa pagcoconsentrate ng ima-magic kong desert.

"Tingap ka talaga Killva." Nang may naisip na akong masarap na desert, kaagad ko itong minagic. For just a snap nasa harap ko na ang waffle chocolate tower.

"Cool, can I have some?" Napatigil ang pagsubo ko ng waffle, istorbo kaseng Tixe or should I say Asul.

"Sure, but I will give you another not a half of my food." I just snap and bang meron na din si Asul, kaya nginitian niya at ginulo ang buhok ko bilang pasasalamat.

"You jerk, wag ang buhok ko okay." Pesteng Asul talaga ito buti nalang tagala't pogi siya kung hindi nako.

"Asul naman e, bakit hindi ka sakin humingi. Tignan mo oh, may almond moise ice cream ako." Napairap nalang ako sa kasutilan ni Bubblegum, buti nalang talaga ang ganda ko.

"I don't want ice cream for today, maybe tommorow I will crave it." Napatawa nalang akong mahina ng tanggihan siya ni Asul, kawawang dumidikit sinubo nalang yung ice cream nya sa inis.

"Kami ba hindi nyo bibigyan? Si Asul nalang ba?" Napatingin ako kay Killva sa sinabi niya, ito talagang bungo ulong nilalang kaingay ingay buti nalang si Fifth tahimik na may itchura pa.

"Ano ba gusto nyo?" Sabay na sabi namin ni Bubblegum, kaya nagkasukatan kami ng tingin. Gaya gaya kase.

"Big hamburger sakin." Sabi ni Killva, imamagic ko na sana ng nagawa na ni Bubblegum.

"Sakin, ikaw nalang Claudette." Napatigil kaming lahat na nasa lamesa, pero saglit lang ang tinagal non ng tumawang sabay si Asul at Killva.

"That's fab. Dude." Nang makabawi ay agad kong sinubo ang kinakain ko, nakakainis ka talaga Fifth kahit kailan.

"Hahaha ikaw ha Fifth, pero dahil sa sinabi mo tikman mo ang specialty ko para sayo. Chanchanchan! Claudette cupcake." Namula ako sa hindi malamang dahilan, ngunit alam kong may mga matang nakatingin sakin kaya't minabuti ko nalang na ipagpatuloy ang pagkain.

Naalala ko na naman noong una kong nalaman na kaya kong magmagic ng pagkain, nainis ako siyempre kase ang hina hina ng kapangyarihan ko. Pero nagkamali ako kase hindi ko pa daw hasaang kapangyarihan ko ngunit binaba ko na ang abilidad kong maging makapangyarihan sabi ni Headmaster.

Masaya akong malaman noon na ako lang ang may kakayahang mag gawa ng pagkain, puwedeng kainin at pagkaing puwedeng makapatay ng tao pero isang araw laking gulat ko nalang na may ka-parehas pala ako ng kakayahan. Wala na akong mga magulang at mas lalong wala akong kapatid. Kaya ganon nalang ang galit ko sakanya, kay Bubblegum.

"Hindi pa ito ang tamang oras para malaman mo Claudette, mas mabuting atupagin mo ang paghasa sa kakayahan mo." Kahit na guluhan ako sa sinabi ni Headmaster noon sinunod ko pa rin siya.

"Claudette are you okay?" Nagising ang diwa ko sa tanong ni Asul, tango nalang ang nagawa kong pagsagot dito.

"So bukas na ang training, bilang leader sana naman magseryoso kayo at sumunod sa Headmaster." Sabi ni Fifth bago umalis kasama ni Killva, ang malas ko ano? Leader pa namin ang pinakahuli kong gustong makita.

Renemes

Nakatayo pa rin silang apat sa puwesto naming lima kanina kaya hindi ako nahirapan na hanapin sila.

"So tatayo nalang kayo dito hanggang mamaya?" Napatingin silang apat sakin pero agad ding nag iwas ng tingin ang tatlong lalaki.

"Hello, ako Althea Xilliana Lee sa ating lima ikaw ang ramdam kong pinakamalakas." 

Demon CityWhere stories live. Discover now