Kabanata 14

356 33 41
                                    


Dedicated para sayo alyloony

***
Kabanata 14

Asul VS Marshall

Marshall

Agad kong nilapitan si Bubblegum ng himatayin siya na dapat kanina ko pa ginawa dahil hindi ko kayang makitang nasasaktan siya pero wala akong magawa dahil hawak ako sa leeg nila Devols.

"Ako nang bahala sa kanya." Tinignan ko lang si Renemes sa sinabi niya.

"Bumalik kana doon ako na bahala." Pilit kong inaagaw sa kanya si Bubblegum pero nagpupumiglas siya.

"Ang susunod na maglalaban ay si Marshall sa grupong NAROH at Tixe sa grupong ETIHW kaya umalis na ang mga sagabal dyan dahil magsisimula na ang laban." Hindi na ako nabigla na ang makakalaban ko ay si Asul dahil planado na ang lahat.

"Akin na si Bubblegum." Pinabayaan ko nang si Renemes ang bahala kay Bubblegum dahil magsisimula na ang laban.

Tinulungan pa ni Asul si Renemes bago pumunta dito kaya nagawa ko pang ipunta sa grupo si Tanaka, inaamin kong nalulungkot ako para sa kanya pero alam ko sa puso ko na sinasabing mas okay na yon kesa si Bubblegum ang mahatian ng kapangyarihan.

"Marshall wag mo ng patagalin, maliwanag." Hindi ko na kailangan pang lumingon para malaman ang nagsalita dahil ang leader lang naman namin yon na si Devols.

"Pumayag ka nga talaga na mapasunod nila Marshall." Seryoso si Asul kapag purong tagalog ang ginagamit niya, marahas na tango ang binigay ko.

"Ano pang hinihintay nyo, Let the battle begins!" Tumawa pa ang Headmaster pagkatapos nya itong sabihin.

Alam kong para saamin din itong kakalabasan ng training pero alam kong may tinitago sila sa Marvel kaya sinatupad ulit ng Headmaster ang matinding training na ito.

"Pagkatapos ng laban na ito tandaan mo magkaibigan pa rin tayo." Tumango nalang ako sa sinabi nya.

Nagbago ang malaking bilog na pinaglalaban nila Bubblegum kanina naging swimming pool na ito kaya tiyak na mahihirapan ako dahil gamay ni Asul ang tubig.

"Cool." Nainis ako sa puro satsat ni Asul kaya dinamba ko siya at pinagsusuntok, malalakas sumuntok ang mga kamay ko kaya talagang dudugo ang mukha niya.

Nginisian niya ako habang sinusuntok ko siya "Yan lang ba ang kaya mo?" Sa inis ko sa sinabi niya tinapon ko siya papalabas ng swimming pool na sumaktok naman sa pesto nila Renemes.

"Oo ito lang kase kaya ko lang namang patayin ka!" Akmang bubugbugin ko na si Asul nang biglang sinipa niya ako at sa sobrang lakas sumakto ako sa pool.

Lumipad agad ako para makita ko siya pero wala akong makita dahil nag invisible na ang lintek, naramdaman ko nalang na may sumampa sa likod ko na nagresulta ng pagbaksak ko na naman sa pool.

"Ano ba yan Marshall, tapusin mo na!" Walang ganang sigaw sakin ni Devols na nagpabangon sakin.

"Susunod ka na naman sa kanya." Nagpakita na si Asul sakin kaya agad ko siyang dinamba ulit.

"Oo at tatapusin ko na ito." Pinagsasapak ko siya na agad nagpatumba sa kanya.

Alam kong mas malakas sakin si Asul kapag hindi ko kasama si Tanaka, pero nakapagtatakang hindi nya pa rin ako inaatake nang buong lakas niya.

"Pesteng Asul ka tumayo ka dyan!" Napatingin ako kay Renemes nang isigaw nya iyon at ngayon niya pa talaga naisip maglandi.

"Okay boss!" Napangisi nalang ako sa sagot ni Asul ka Renemes, sumusunod na pala sya sa kung sino.

Dadambahin ko sana ulit si Asul nang gamitin na niya ang tubig laban sa akin, hinigop ako nang tubig papailalim na nagpasikip ng dibdib ko. Dahil sa lalim na ng kinalalagyan ko at alam kong mawawalan na ako ng hininga ano mang oras.

Pinipilit kong kumawala sa paghila sakin pero mas lalong pa itong humigpit na kinainis ko, nag-init ang katawan ko pati na rin ang tubig kaya nagawa ko nang makawala.

"Iniinis mo talaga ako." Kampateng nakaupo sa gilid ng pool si Asul na nakangisi na sakin ngayon.

"Matata." Ramdam kong parehas naming gustong tapusin na ang laban.

Dumaloy ang lahat ng tubig na nasa pool sa katawan ni Asul na lalong nagpainit ng katawan ko, natunaw ang swimming pool na pinaglalabanan namin dahil sa init ng buong katawan ko kaya puwedeng madamay ang ibang estudyante sa gagawing pag atake namin sa isa't isa ni Asul.

"Itigil na ang laban maaring masira pa ang Marvel, kapag tinapos pa ang laban kaya mga kawal ang payong bilis!" Tama ang sinabi ng Headmaster kaya kinalma ko ang init na dumadaloy sa katawan ko.

Saka ko lang napagtantong kaya kailangan ng Headmaster ng payong nang rumagasa na ang tubig na dumadaloy sa katawan ni Asul kanina, agad akong lumipad para hindi mabasa ng tubig at napailing nalang ako nang makitang basang daga na ang mga estudyante.

Demon CityWhere stories live. Discover now