Kabanata 1

971 86 101
                                    

Kabanata 1

New Environment

Renemes

Pinagmamasdan ko kung paano matumpok ng apoy ang campus namin at kung paano sila hindi magkanda ugaga sa pag patay sa apoy na kahit naman mapatay ito ay sunog na sunog na ang kalalabasan ng buong campus.

Kung bakit nanunuod lang ako? Simple lang mamaya pagkatapos nilang magpagod sa kakasaboy ng tubig ay pagbibintangan na nila akong lahat dahil sa nangyari. Katulad ngayon nakita na ako ng babae na ngayon ay tinuturo turo ako na parang ginusto ko ang nangyayari.

"Isa kang hayop! Napakamalas mo mamatay kana!" Balak na niya sanang akong sugudin ng malaglagan siya ng yero, kitang kita ko kung paano nahiwa ang katawan niya sa dalawa.

Agad namang nagsisigaw ang mga tao sa nasaksihan habang ako nakatingin lang sa kanila. Hindi ko talaga alam kung bakit ako kapitin ng kamalasan.

"CASSANDRA!"

"MAMA! PAPA! GUSTO KO NG UMUWI!"

"POTANGINA ISUSUNOD NA NYA TAYO!"

Halos mabaliw na ang iba kakaiyak ng pahiyaw at ang iba naman ay takot na takot na pinagmumura ako. Hindi pa sila nakuntento dahil nakuha pa nila akong pagbabatuhin, tatakpan ko pa lang sana ang ulo ko ng biglang matamaan sa noo ng batong nagpaupo sakin sa lupa. Nang dumaloy ang dugo mula sa napuruhan kong noo ay nakaramdam na ako ng pagkahilo.

"Dakipin nyo yang demonyo na yan!" Kahit nahihilo ay tinignan ko ang prinsipal namin habang tinuturo nya ako sa mga pulis.

Sumama ako ng matiwasay sa mga pulis dahil nonsense lang kapag naglaban pako sa lagay kong ito.

Nakarating kaming presinto ng matiwasay, kinulong nila agad ako at sinabing tawagan ko daw mayamaya ang guardian ko. Ayaw ko man ay wala akong magagawa kundi ang sundin ang gusto nila.

Isang ring palang ay sinagot na ang tawag. "Sino po sila?" napangiti ako ng marinig ang boses ng nag-iisang nagmamahal sakin, ang kapatid kong bunso.

"Vey." umiiyak na bigkas ko sa pangalan ng kapatid ko, hindi ko na kase kayang pigilan ang emosyon ko pag naririnig ko ang boses niya.

"Si ate naman wala akong ginagawang masama sa kanya umiiyak pa." halata sa boses ng kapatid ko ang pag aalala kaya naman mas lalo pa akong naiyak.

"Ate--" na putol ang sasabihin ng kapatid ko sa kabilang linya tansya kong may nang agaw sa kanya ng telepono at alam kong magulang namin ang kumuha nito.

"Where are you?" Bakas sa boses ng Itay ang galit na alam ko namang dati pa niyang dinadala.

"Police station." maikling sabi ko bago niya binaba ang telepono.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang kinagisnan kong buhay, bata palang ako alam ko ng hindi ako mahal ni Inay at Itay kaya naman laking pasasalamat ko na dumating sa buhay ko ang nag iisang nagmamahal sakin ang aking bunsong kapatid.

"Laya kana bata." sabay tulak sakin ng pulis paalis sa selda, masakit yun pero tiniis ko nalang.

Nakita ko paglabas ng selda si Inay at Itay walang mababakas na emosyon sa mga mukha nila, asa pa akong isang araw may emosyon yan para sakin.

"Inilipat ko na ang mga gamit mo sa bago mong tirahan at kung ayaw mo ng mag aral wala na kaming pakialam doon." pagbabasag ng katahimikan ni Inay habang nakikipag titigan sakin ng diretso, ngunit agad nya naman itong binali at sabay talikod nilang dalawa ni Itay papaalis. Bumuntong hininga ako bago sumunod sa kanila.

Nakita kong dalawang kotse ang ginamit ng magulang ko, isa na doon ang kotse ko. Mabuti nalang at bumait sila ng kaunti dahil may balak na silang ipagamit ang kotse kong nabulok na sa garahe.

"Eto ang susi, nakalagay na sa mapa ang daan patungo sa lilipatan mo at kung tungkol naman sa pera gamitin mo ang credit cards mo." walang pa-sabi sabing sumakay na si Inay sa kotse at umalis habang iniwanan akong nakatingin lang sa kanilang papaalis.

Sumakay na ako sa kotse ko at tinignan ang mapa para malaman kung saang lugar na ako titira, malayo layo ito. Kinapa ko ang nuong napuruhan tumigil na ang pagdudurugo nito sa tulong ng isang pulis na nilinis ang sugat ko. Huminga ako ng malalim at binuhay na ang makina.

Limang oras na akong nagmamaneho ngunit hindi ko pa rin makita ang lintek na titirahan ko. Dahil sa inis ay ihininto ko ang kotse at bumaba. Napanganga ako ng mapagmasdan ang paligid, napaka linis ng lugar at napaka refreshing ang amoy ng hangin na halatang halata mong talagang orginasado.

"Ineng anong ginagawa mo dito?" napalingon ako sa babae na nasa fifties na ang edad.

"Hinahanap ko lang po kase yung bahay ko, bagong lipat ko lang po kase dito." Halata sa mukha ng babae ang pagkabigla sa sinabi ko kaya naman kumunot ang noo ko sa naging reaksiyon niya.

"Taytay po ito diba?" pag assure ko sa babae ngunit mas lalo pa siyang nabigla sa tanong ko.

"Ineng , halika sumunod ka sakin." kahit nagtataka ako sa naging reaksiyon ng babae ay sumunod pa rin ako sa kanya.

Demon CityWhere stories live. Discover now