"Pinagkakatiwalaan ka na niya ngayon, Belle. I am happy for him."

Payapa ang paligid sa labas ng bahay at si Belle na kasama ang ilang kasambahay. Alas otso ng gabi at hindi pa rin natatapos si Belle na ayusin ang paligid.

"Naku, hindi pa kayo tapos?" tanong ni Jaica na mukhang kagigising lang.

"Halata naman, Jai diba? Halika nga tulungan mo ako!"

"Hay ayoko! Tinatamad ako!" Bulalas ni Jaica at tumakbo para takasan si Belle.

Napanguso na lamang si Belle habang nakatungtong sa terrace.

"Ma'am baka po malaglag ka," saad ng isang kasambahay.

"Hindi naman po, kaya ko po ito."

Her smile, her tantalizing eyes finally catched his eyes. Isang binocular mula sa puno ang nagmamasid sa kilos ni Belle. Abot ang ngiti nito hanggang labi at kinuhanan ng litrato ang kilos ni Belle.

Mataas man ang bakuran ni Hugo, ngunit hindi nagpatinag ang isang lalaking balot na balot ang katawan ng kulay itim upang hindi mapansin. Bukod sa litrato, he even send her pictures to his master.

"Mukhang may alas na tayo sa mayamang negosyante na ito, Boss," ipinadalang mensahe ni Allan kay Joseph.

Mula sa loob ng warehouse, biglang tumayo si Joseph, habang pinagmamasdan ang side features ng dalagang nakuha ni Allan. Pilit pinagmamasdan ni Joseph ang mukhang ito hanggang sa maalala ang mukha ng batang si Belle.

"Bakit nakasimangot ka?" tanong ni Henry.

"Look at this woman?" wika ni Joseph at ipinakita ang hindi ganoon kaliwanag na litratong nakuha ni Allan.

"She's pretty sexy. May girlfriend nga talaga si Mr. Hugo."

"No, she looks like Belle. Kahawig niya ang tabas ng mukha ni Belle."

"Baliw ka ba, Joseph? Kasama na sila Belle sa mga babaeng pinapatay natin noon na mga tumakas."

"Are you sure about that? Walang bangkay na makuha kay Belle at Jaica. Kaya imposible."

"Hindi, malayo ang mukha niyan. Masyadong maganda ang girlfriend ni Mr. Hugo kumpara sa batang Belle na iyan. Patay na iyon kaya tigilan mo na ang pagnanasa sa batang iyon. Ilang taon na ang nakalipas, Joseph."

Diskompyado at ayaw pa rin maniwala ni Joseph sa sinabi ni Henry. Pinagmamasdan pa rin niya itong maigi hanggang sa muling tawagan si Allan.

"Hello boss?"

"Looban niyo ang bahay ni Hugo and get that woman."

"Ngayon gabi sir?"

"Oo! I want that woman, I want to see her in person."

Tumapak ang hating gabi, pagod na pagod si Belle habang nakayakap sa dibdib ni Hugo. Hindi pa tulog ang binata dahil nagbabasa pa rin ito ng libro hanggang sa napatingin siya sa bintana.

Hugo slowly removed her hand and watch the footage all over his house. Panay ang tingin niya hanggang sa makita ang tatlong gwardya na nakahandusay sa guardhouse.

Napatingin si Hugo kay Belle at doon niya kinuha ang silencer gun.

"Gael, wake up," pagradyo niya kaya naman sumagot ang alalay.

"B-boss?"

"Someone entered my house."

Napabalikwas si Gael at kaagad tumakbo sa likuran upang pakawalan ang mga Police dog sa paligid ng bahay ni Hugo. Tahimik silang kumilos at hinayaan na makapasok sa bakuran ang kalaban.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now