"Bakit po? Kulang po ba yung dumating sa account niyo?" tanong niya na mas lalong ikinalaglag ng panga ko.

She insisted na walang mali, I insisted na meron. Naabutan kami ni Mr. Luis Villareal na naguusap.

"That's yours, Hija. Enjoy and buy everything you want...you need," he said.

"But..."

Tipid siyang ngumiti sa akin. "You deserve it."

"But why do I deserve it?" naguguluhang tanong ko.

He tapped my head na para bang I'm someone na pamangkin niya or something.

"Because you are Ahtisia Amelie," magulo pa ding sagot niya sa akin.

I need money, kailangan namin 'yon ni Hartemis. Pero gusto kong gumastos gamit ang pna pinaghirapan ko.

"Isipin niyo na lang po advance payment 'yan sa buong project niyo," nakangiting sabi ni Emma sa akin.

Tipid akong ngumiti. Everything about here seems weird.

Nag-withraw lang ako ng sapat na halaga na kailangan ko. Hindi ko pa din alam kung kaya kong gastusin ang pera na 'yon kahit may confirmation na from Sir Luis na walang mali.

"Do you want a tea?" tanong ng kararating lang na si Architect Fonatillian.

Nasa laptop ko ang focus ko para maghanap ng gadget na pwede kong bilhin for Dawn.

"No thanks, may coffee na ako," sagot ko sa kanya at itinuro pa ang nangangalahating tasa ng kape sa tabi ko.

Tumawa siya kaya naman nilingon ko.

"Not the real tea...damn, ang inosente mo naman," he said kaya naman kumunot ang noo ko.

Nilingon niya ako when he confirmed na wala talaga akong ma-intindihan ay tumango siya.

"Ok, I get it."

Umayos siya ng tayo sa harapan ng table ko. Nakalahad ang magkabilang kamay niya dito kaya naman akala mo kung sino siyang nagf-flex ng muscle sa harapan ko.

"Tea...as in chismis," he said. Kailan pa naging tea ang chismis?

Hindi pa din ako umimik kaya naman siya na ang sumuko.

"Tumanggap ng project si Engr. Jimenez sa Villaver," he said kaya naman halos malukot ang mukha ko.

"Villaver?"

"Villaver real estate. Engineer ng bagong building. Normal na Engineer...no special treatment," he said na para bang natatawa siya at hindi makapaniwala.

"At bakit naman niya gagawin 'yon?" tanong ko.

Nagkibit balikat ito. "Baka bored," he said.

"Bored?"

Ipinagsawalang bahala ko na lang, kahit ang totoo ay hindi 'yon mawala sa isip ko. Ang mahalaga ay magkaiba naman kami ng project. Walang rason para magkita kami dito araw-araw. Wala ding rason para makapag-usap kami.

"You need a car, Hija?" tanong ni Ma'am Chatterly sa akin after ng meeting namin with her.

"P-po?"

"Para hindi ka na sumasabay palagi kay Architect Fontallian," she said at halatang inaasar pa ang kasama ko.

"Hindi na po. Malapit lang naman po ang tinitirhan namin ng baby ko dito," sagot ko sa kanya.

Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya.

"Baby you mean..."

Matamis akong ngumiti sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng loob ko sa kanya. Nagawa ko pang ilabas ang phone ko para ipakita sa kanya si Hartemis.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon