Nagpalipas muna ako ng ilang minuto bago ako kumatok. Pinagmukha kong kararating ko lang para naman hindi mag-alala si Kuya Wil sa akin pag nalaman niyang narinig ko ang lahat ng 'yon.

"Andyan na si Mommy!" rinig kong sabi niya kay Hartemis.

Sinalubong kaagad nila akong dalawa pagkapasok ko. Tumili ang baby ko ng makita niya ako. She missed me so much, ganoon din naman ako sa kanya.

Kinuha ni Kuya Wil ang grocery bags na dala ko bago niya inabot si Hartemis sa akin. Natawa ako ng mabilis siyang yumakap sa leeg ko at pinaghahalikan ako sa pisngi.

My sweet Hartemis.

Hindi ko na muna ipina-alam kay Kuya Wil na alam ko na ang pinag-usapan nilang mag-asawa. I know that it's hard for him to say it. Ayoko din naman na nai-ipit si Kuya Wil sa amin. He should always choose his familys side.

Saktong nagkaroon ng vacant apartment sa tabi namin kaya naman kaagad ko 'yong kinuha bago pa man dumating ang mga anak nila. Ayaw pa sana ni Kuya Wil but I insisted. That's better na din para hindi na lumala pa ang galit ni Ate Monica sa amin.

I also met Lucy and Dawn, sa mga anak ni Kuya Wil ay sila na lang ang wala pang pamilya. Ramdam kong hindi sila kagaya ni Ate Monica na mainit kaagad ang dugo sa amin ng Baby ko. Mukhang nagmana sila kay Kuya Wil, but I can't judge Ate Monica just like that. I think kulang lang kami sa communication.

I can't just judge people easily. Sa lahat ng pinagdaanan ko ay 'yon ang natutunan ko.

Nabawasan din ang isipin ko when I saw na naging comfortable kaagad si Hartemis sa kanilang dalawa. My baby knows din ata kung gusto siya o hindi ng isang tao. Umiiyak kasi siya kadalasan pag malapit siya kay Ate Monica.

"Good morning, Engineer."

I always received a greeting from my co-worker. Though it's a normal set-up naman sa isang workplace. I just feel like it's something that will lift your mood to start your work pag feel mong tanggap ka sa workplace mo.

I never feel this kind of appreciation for the very long time.

"I'm done with the design," pagbibida ni Architect Fontillian sa akin.

Pinagtaasan ko siya ng kilay bago bumaba ang tingin ko sa hawak niyang blueprint.

Sandaling nagtagal ang tingin ko sa bawat details na ginawa niya. Wala akong masabi, he really is good at both field.

"What can you say?" excited na tanong niya. Palagi siyang excited sa sasabihin ko. He's very interested in my every opinion.

Napangiwi muna ako bago tipid na tumawa.

"An Architect's dream is an engineer's nightmare," sabi ko sa sikat na quote na palagi kong naririnig way back in college sa mga professor namin.

Tumawa si Architect Fontillian. Nagustuhan ko din ang design niya. Ang kailangan na lang naming gawin ay i-present 'yon kay Ma'am Chatterly.

Bumaba ako sa may ground floor ng building kung saan may mga ATM machine. I heard na may online class si Dawn, ang bunsong anak ni Kuya Wil. Namo-morblema sila sa gagamitin nitong gadget kaya naman na-isip kong bilhan siya...I have naman an extra.

Halos mapatulala ako sa screen when I saw my account balance. Saan nanggaling ang ganoon kalaking halaga ng pera? It's huge.

Imbes na galawin 'yon ay bumalik kaagad ako sa table ko to check my bank history. Alam kong may pumasok na pera from Aragrev for my allowance. Pero sinong magbibigay ng allowance na worth a million?

"Sinong pwede kong kausapin when it come to...Uhm, sahod? Allowance?" tanong ko kay Emma.

Itinigil kaagad niya ang ginagawa niya to focus on my concern.

A Dream that never came (Sequel #4)Where stories live. Discover now