Nagkataon pa na mag pipinsan ang mga Lee sa mga Andrano na sila Gavin, Gerone at Grin. Dalawang maimpluwensiyang pamilya ang naging kaaway namin. Pero walang may gusto sa mga nangyari because it was all a misunderstanding.

"So anong plano mo?" tanong ni Tyrone matapos kong sabihin na liligawan ni Stephan si Krisandra. Masip ko pa lang ang gagawin ng Ruiz na iyon ay kumukulo na ang dugo ko.

"I won't let him. Liligawan ko din si Krisandra at kukunin ko siya ulit. I was a fool to let her go four years ago but I don't have a choice back then. Ang bilis ng mga pangyayari noon and I didn't realize that I lose her ng nasa ibang bansa na ako"

"You have a choice back then Trail" seryosong sabi ni Tyone.

"Kung sinabi mo sa kanya ang pag alis mo and the reason behind it, I'm sure na maiintindihan ka ni Krisandra"

"But I am a coward back then Ty. Natakot ako, natakot ako na makitang masaktan ang magandang mukha ni Krisandra sa oras na mag pa alam ako. Nong araw na iyon, ang tamis ng pagkakangiti niya Ty eh kaya umurong ako sa orihinal na plano. Balak ko naman talagang sabihin sa kanya pero sa tuwing naririnig ko ang tawa nito at nakikita ko ang mga ngiti nito ayaw kong sabihin sa kanya na aalis na ako" napapikit ako ng mariin ng may maalala ako four years ago.

"Hanggang sa naubusan ako ng oras. Hindi ko na nasabi sa kanya na umalis ako. At ang isa pang katanganang ginawa ko, I didn't contact her. Tapos heto ako ngayon dumating na lang ng basta basta tapos sasabihin sa kanya na manliligaw ulit ako?" natawa ako.

"Hah ang kapal din ng mukha ko no? but I can't help it. Hindi ako papayag na mapunta siya kay Ruiz. Sinasabi mo pa nga lang sa akin na sila palagi ang magkasama ay parang gusto ko na itong patayin. What more kung malaman kong sila na?" nag ngingitngit ang kalooban ko sa tuwing maiisip ko ito.

Stephan has a chance. Because Krisandra hates me right now. I can't blame her. Pinag sisisihan ko na ang kapabayaang ginawa ko sa loob ng aapt na taon. Duwag ako. Naduwag ako. Now I have to face the consequences. I'm willing to do my best just to get Krisandra back.

"Ewan ko sayo Trail" naiiling na sabi ni Tyrone.

"Wala akong ma i-a-advice na matino sayo dahil hindi naman ako dumaan sa stage na iyan. Pero payong kaibigan lang naman... wag ka ng magpakaduwag. Dahil walang magagawa yang kaduwagan mo. You have her four years ago and you are jerk enough to let her go. Now work your ass to get her back. Dahil hindi mo alam, baka makuha na siya ni Ruiz sayo" uminit lalo ang ulo ko sa sinabi nito.

"Alam ko Ty. Pero hindi ko hahayaan na makuha ni Ruiz si Krisandra."

"Tama na ang satsat Trail. Gawin mo na lang"

-Krisandra-

Coding ang motorsiklo ko ngayon kaya no choice ako kundi ang mag abang ng taxi or jeep para makapasok sa Hospital. Nag text sa akin si Stephan na susunduin daw niya ako pero sabi ko wag na. Nag taka pa ako nong una dahil hindi naman ako sinusundo ni Stephan pero ng ipaalala nito ang ligaw ay hindi ko na ito nireplayan. Umagang umaga nan ti-trip ng tao.

Imbes na jeep ang huminto sa tapat ko ay isang magarang kotse ang nahinto sa harapan ko. Pamilyar sa akin ang kotse na iyon at hindi ako pwedeng magkamali kung sino ang may ari nun. Bumaba ang may ari at hindi nga ako nag kamali.

Binuksan nito ang pinto ng kotse nito at pinapasakay ako pero tintigan ko lang ito.

"Krisan, just hop in" pangungulit nito.

"Anong magagawa mo kung ayaw kong sumakay sa kotse mo?!" mataray na sabi ko dito. Lumabi naman ito na parang bata.

"Ano bang ayaw mo sa kotse ko? Mabango naman sa loob ah"

"May sinabi ba akong mabaho?" pambabara ko dito

"Then bakit ayaw mong sumakay?" pangungulit nito. Tinitigan ko ito.

"Ayaw ko kasi yung driver" ngumiti ito pagkuwan ay binigay sa akin yung susi. Nag salubong ang dalawa kong kilay.

"AAnhin ko ito?" takang tanong ko. Ngumiti lang naman ito sa akin.

"Ikaw ang mag drive" walang kagatol gatol na sabi nito.

"Ano?!" pinanlakihan ko ito ng mga mata

"Sabi mo ayaw mo yung driver ede ikaw ang mag drive para ikaw ang maging driver" natatawang sabi nito. Pinaningkitan ko ito ng mga mata at binalik dito ang susi ng kotse nito at tinalikuran ko na ito.

"Krisan naman-" natigil ito sa paghabol sa akin ng may humintong isa pang kotse sa harapan ko. KIlala ko kung sino ang may ari nun pero sa mga oras na ito ay pinag dadasal kong hindi si Stephan ang may ari.

"Good morning Krisan" bati ni Stephan. Tumingin ito sa likod ko kung nasaan si Trail. Agad naman na sumeryoso ang mukha ni Stephan.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nito kay Trail

"You don't care." Pambabasag naman ni Trail dito,

"Sinusundo mo ba si Krisan?" tanong ulit ni Stephan.

"What is it to you?"

"Wala naman pare. But sorry to tell you pero sa akin sasabay si Krisandra"

"Hah you got a confidence there Ruiz"

"Ayaw mong maniwala ha?" ngumisi si Stephan bago nito binuksan ang pinto sa passenger seat.

"sakay na Krisan. Baka ma late ka pa" napatingin ako kay Trail na seryosong nakatingin sa akin. Napailing iling na lang ako bago ako tuluyang sumakay sa kotse ni Stephan. Sinara iyon ni Stephan at narinig ko pa ang sinabi nito kay Trail.

"Ano ka ngayon Ignacio?" kahit hindi ko tignan, alam kong galit na galit na ngayon si Trail. Hindi na ako tumingin sa labas dahil baka bumaba ako sa kotse na ito at kay Trail ako sumabay.

"Are you okay?" tanong ni Stephan sa akin ng nasa biyahe na kami. Lumingon ako dito at tipid na ngumiti.

"Yes, I am okay"

Even though I am not.

--

End of chapter Twelve

For the second timeWhere stories live. Discover now