Nilukot ni Hugo ang hubad na litrato ni Annabelle at gustong-gusto niyang mayakap ang nobya.

"I promised to her, na hindi siya masasaktan dahil sa akin. But it happened. And she was really a product from malicious treatment. I want to see her, but I can't. I will fucking kill them, both of them. Hindi-hindi na nila makukuha si Belle!"

"Sir, mukhang si Ms. San Jose lang ang kinababaliwan ng lalaking iyan. Halos kasi ng litrato niya nandoon sa table niya," sabat ni Charm.

"I need my laptop, hahanapin ko si Joseph," asar na sinabi ni Hugo.

"Sir, ako na po ang maghahanap. Kailangan niyong ipahinga ang mga mata."

"I need to get revenge for my woman. Not just my woman but my wife."

"We will make sure of that, sir. But please. Kailangan niyo pong gumaling. Tumawag po si Manang Karing kanina, tinatanong kung kumusta ka, wala rin naman po akong sinabi tungkol sa nangyari. But she's worried about Belle. Palagi itong umiiyak. Gustong-gusto ka niyang makita."

"I will go home tonight just to see her."

"Hindi po ba't baka lalo siyang matakot kapag nakita ka niya na may sugat sa mukha?"

"Of course when she's sleeping. Wala pa akong balak magpakita sa kanya hangga't hindi natatapos ang misyon ko sa gago niyang foster father."

Tumapak ang madaling araw, payapang natutulog si Belle at walang kamalay-malay na nasa kwarto niya si Hugo. Nakaupo lamang ito sa sulok habang pinagmamasdan ang maganda niyang mukha.

"Bakit ang tanga ko naman, hindi ko mamukhaan kaagad? O dahil na rin malaki ang pinagbago mo mula pa nu'ng bata ka? I knew it Belle, napakahirap ng buhay niyo ni Jaica noon. Ayoko ng mangyari iyon ulit. Lalong hindi ko alam kung nasa kaninong sindikato si Jaica. Lahat ng tao sa El Hombre ay kumikilos para sa lahat. I'm sorry, you are hurt because of me," lumuha si Hugo dahil pakiramdam niya'y bumabalik siya sa nakaraan kung paano binawi ang buhay ng kanyang nobya sa kanya. "Good thing that you don't have any fingerprint record in the government, wala silang mahahanap sa iyo. But your face, siguradong kabisado iyon ni foster dad mo. Papatayin ko siya."

Akmang aalis si Hugo nang biglang bumukas ang mga mata ni Belle. Bigla siyang bumangon at tumakbo para yakapin ang nobyo.

"Hugo! You are real! I'm not dreaming!"

Ayaw humarap ni Hugo, instead he took his handkerchief para sana patulugin si Belle pero para bang nanghihina ang binti niya nang marinig ang hagulgol ni Belle.

"Huwag mo akong iwan. Ilang araw mo na akong hindi inuuwian. I don't feel safe, I want you here. Magpapasko pero hindi kita kasama. You promised me, we will be together, pero iniiwan mo akong mag-isa sa bahay. Hindi ko alam kung saan ka galing? Kung ano na ang nangyari sa iyo?"

Bumitaw si Belle dahil hindi niya nararamdaman na gumagalaw si Hugo, pumunta siya sa harapan nito kaya tumingala ang binata upang iiwas ang mukha niyang may sugat.

"Look at me, bakit hindi ka kumikibo? Anong nangyari? I saw the guy. Hindi ko naman gustong makialam pero sasaktan ka niya, at baka saktan din ako kaya inunahan ko siya. Pero iyon at binaril pa rin niya ako."

Hugo can't control his feelings anymore, hinagkan niya si Belle at hinalikan ng paulit-ulit ang noo nito. "I'm sorry. You were hurt because of me. I was the one you needed to blame. I'm sorry, Belle."

"Don't be sorry, wala ka naman kasalanan, part of that was my fault."

"You save me either way, Belle."

"I love you, Hugo. If it is necessary for me to hold a gun, I will do it. Lalo na't kung pareho tayong nasa peligro. I can kill, kaya huwag akong susubukan ng mga taong gustong manakit sa iyo," buong tapang na sinabi ni Belle kaya naman inalis ni Hugo ang pagkakayakap kay Belle.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now