Noong matapos ang usapan ay kumain na sila kahit pa hating gabi na. Kalaunan ay lumipat sila ng lamesa kung nasaan ang mga kaibigan.

"I really made sure that you'd hear my voice, Charlotta. 'Yan tuloy, medyo masakit ang throat ko," reklamo ni Yusef, sabay ngisi dahil nakita ang magkahawak na kamay nila ni Grego.

"Going strong eh?" Chantria teased them.

Grego is playing with a glass of liquor while his other hand locked on hers. Nagkakatitigan sila at ngingiti pareho sa isa't-isa. Wala silang problema sa relasyon nilang dalawa at umaasa siya na sana ay manatiling gano'n. Kung pwede sana.

"Si Grego pa ba? Gagawin niyan ang lahat para kay Charlotta."

Natawa siya sa sinabi ni Yusef.

When she looked at her boyfriend again, she caught him smirking.

"Hindi ka na talaga pinakawalan ng boyfriend mo. Well, as expected even before..." Chantria beamed.

"What do you mean by that? Grego liked Charlotta ever since?"

Kumunot ang noo niya sa usapan ng dalawang kaibigan. Dahil tahimik si Grego at panay lang ang iling sa pinag-uusapan, inilapit niya ang bibig sa bandang tenga nito.

"Saan tayo matutulog?" bulong niya.

Nakita niya ang panliliit ng mga mata nito at ang bahagyang pag nguso. Tapos ay sumimsim ng alak bago inilagay ang labi sa gilid ng ulo niya.

"Where do you want?" he whispered that she felt the heat on his breath.

Charlotta's stomach fluttered at that kind of sensation. Napalunok siya at pinagtakhan ang mainit na pakiramdam na 'yon.

"Can we stay here?"

"Yes."

"Bukas nalang tayo babalik sa apartment?"

"Uh-huh," his lips stayed at the side of her head. "Whenever you like."

"Bukas nalang. At kapag may oras pa, pwede bang magpunta tayo sa sitio?"

"No problem."

Nang paimpit na tumili sina Yusef at Chantria, doon lang sila ni Grego nahinto sa kanilang bulungan.

"Ano 'yang pinag-uusapan ninyo, ha? Baka kung ano na 'yan..."

"Uy, may balak yata si Grego," sabay hagikhik ni Chantria. "Hindi pa pwede si Charlotta. Ayaw niyang mabuntis-"

Tinakpan ni Yusef ang bibig ng kaibigan sabay sulyap kay Solaris na nagtaka kung bakit ginawa 'yon ni Yusef.

"Watch your words naman, Reva Chantria. Nandito si Solaris, oh."

"So what?" Chantria leered. "As if Solaris doesn't know about early pregnancy."

"Kahit na 'no. Wag natin 'yan pag usapan."

"It's okay. I am fully aware about teenage pregnancy," Solaris smile. "My mom told me about that."

Magpapatuloy pa sana ang usapan ngunit nahinto nang dumating si Trevor kasama ang sinasabing girlfriend nitong si Yasmin.

Kaagad na napatingin si Charlotta kay Chantria na halata ang pagkagulat sa itsura nang makita ang dalawa nang hindi inaasahan. She didn't even know that Trevor will be there.

"Trevor! Yasmin!" Yusef was the one who approached them.

"I'm sorry we're late. Galing pa kaming Bacolod." Paliwanag ni Yasmin.

"It's okay. Have a seat."

Magkaharap ang upuan nina Chantria at Yusef. Hindi naman nawalay ang kamay ni Yasmin sa pagkakakapit sa braso ng nobyo.

La Carlota 1: Reaching the SunWhere stories live. Discover now