8 ~ PICTURE

30.2K 2.2K 441
                                    

CHAPTER EIGHT

"AKALA ko ay magiging katulad siya ng ibang mayayaman dito sa La Carlota. Hindi ko po inaasahan na naging maayos ang pakikitungo niya sa akin, la."

Ikinuwento ni Charlotta sa kanyang lola ang naging pagkikita nila ni Fauna Almendarez. Pagkadating palang niya sa bahay nila ay iyon na agad ang bukambibig niya.

Hindi niya makakalimutan ang araw na 'yon dahil mahalaga 'yon sa kanya. Maaaring normal lang sa iba, pero malaking bagay para sa kanya ang nangyari.

Aside from that, she's very happy to know that Grego is treating her as one of his friend. Hindi na siya maghahangad pa ng higit pa roon. Kuntento siya na maging kaibigan ito. Having a friend is very important to her. Pakiramdam niya ay unti-unti nang lumalapit sa kanya ang napaka-ilap na swerte.

"Bilang lang sa daliri ang mayayaman dito sa La Carlota. At kilala ang mga Almendarez na mabubuti ang kalooban. Kaya hindi na nakapagtataka na maayos ang pakikitungo sayo ni Fauna."

"Ang bait niya po, la. Excited na akong ihatid sa mansyon nila ang mga kamote!"

Tumawa ang lola Salma niya. Noong binanggit niya na gusto ng mommy ni Grego ang kamote sa sitio, sumigla ito. Alam niya kung bakit. Dahil hindi na kailangan bumaba sa sentro para ibenta ang mga 'yon. They already have a buyer.

"Nasa dulo pa naman ng La Carlota ang mansyon ng mga Almendarez. Paano kaya natin madadala sa kanila? Mag a-arkila pa tayo ng tricycle."

"Hindi na po. Sinabi ni Madam Fauna na may sasakyan na mag aabang sa patag. Doon natin ilalagay ang mga kamote na bibilhin niya."

"Mabuti naman kung gano'n. Ang mahal pa naman ng singil ng mga tricycle driver kapag galing dito sa sitio."

Kaya nga talagang malaking bagay na madalas siyang ihatid ni Grego tuwing uwian galing sa escuelahan. Ang laki ng natitipid niya.

"La, gusto ko na kapag nagkaroon ako ng extra na pera, bibili po tayo ng tricycle kahit second hand lang. Pwede natin gamitin na service kapag magpupunta sa sentro para magbenta ng kamote o mga gulay. Para hindi ka na po mahirapan mag commute."

Charlotta's grandmother gave her a warm smile. Lumapit ito sa kanya habang nakaupo siya upuan sa munting sala na gawa sa kawayan. Hinaplos nito ang alon alon niyang buhok.

"Kung magkaroon ka ng extra na pera o kaya ako ang magkaroon, mas pipiliin kong gamitin 'yon kapag nag kolehiyo ka na. Sanay naman ako na mag commute. Wag mo akong alalahanin, apo."

Oo nga pala. Kailangan niyang mag ipon pa lalo para sa pag aaral niya sa kolehiyo. Matagal pa naman 'yon pero dapat ay mag umpisa na siyang mag ipon. Sisikapin niya rin na makakuha ng matataas na marka para puwede siyang mag apply ng scholarship sa city hall.

"Ganito na lang, la, kapag nag tinda ka sa sentro, sasama ako kapag may oras ako. O kaya kapag maaga ang uwian namin. Pupuntahan kita roon."

Ngumiti ulit ito. Ang mga kulubot sa mukha ay halata na. Nagpapasalamat siya na malakas parin ang katawan ng lola niya. Bihira rin itong magkasakit. Kaya lang nitong mga nakalipas na araw, napapansin niya na may oras na nakahiga lang ito. Parang nanghihina at walang gana. Nag aalala siya pero sinisigurado naman ng lola niya sa kanya na ayos lang ito.

"Tapusin mo muna ang mga aktibidad mo sa escuelahan bago mo ako tulungan sa pagtitinda, Terra. Alam kong abala ka pa dahil sasali ka sa Miss Intrams, di ba?"

With a smile on her lips, she nods excitedly.

"Opo. Handa na ang mga gagamitin ko. Si Chantria ang nag provide ng lahat. Mabait siya sa akin."

La Carlota 1: Reaching the SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon