16 ~ BOYFRIEND

35.7K 2.5K 463
                                    

CHAPTER SIXTEEN

ANG karimlan sa malawak na karagatan at mga bituin sa langit ay maihahantulad niya sa Sitio Verde tuwing gabi. Ang makakapal na mga puno do'n ay tila dagat sa dilim, at ang mga tala ay halos abot kamay na.

The sounds of the crashing waves filled her ears as they walk on the shore with Grego Almendarez beside her.

Charlotta didn't know how to start telling him her answer. Inuuhan siya ng hiya. Isang emosyon na pumipigil sa kanya na sabihin ang nais ng puso.

Ang tawanan mula sa cabana na iniwan nila ay sinabayan ng maligamgam na alon na humalik sa kanyang mga paa. Ang hangin na yumayakap sa katawan niya ay tila marahan na bulong sa isang malalim na gabi.

Umakbay sa kanya si Grego. Ang bawat pagdidikit ng mga balat nila ay nakasanayan niya na kaagad. Palagi ay nagugustuhan niya dahil may ibang klaseng pakiramdam na ibinibigay sa kanya sa tuwina. It was a foreign feeling and at the same time, it was familiar too.

See how he made her feel the kind of feelings that she didn't know exists?

"May gusto sana akong sabihin sayo, Grego..."

Huminto ito saglit at tinignan siya ngunit ang mga mata niya ay nanatili sa madilim na harap. Her heart started pounding.

"Let's talk about it there."

Dinala siya nito sa buhanginan kung saan hindi sila aabutin ng alon. Pareho silang naupo do'n. Niyakap niya ang mga binting nakatupi. She rested her chin above her knees.

"Tungkol saan ang gusto mong sabihin?"

He's facing her with his face and body. All his attention is on her.

"Tungkol sa panliligaw mo sa akin."

She could almost feel him stiffed but he recovered quickly. Kung bakit ay tila nabahala ito sa sinabi niya ay wala siyang ideya. Bakit mababahala? Gayong sasagutin niya naman ito.

"If you're not ready to have a boyfriend, I won't force you-"

"Sinasagot na kita, Grego," agap niya at mariin na napapikit.

Sa lakas ng tibok ng puso niya ay halos lumabas 'yon sa dibid niya. Ang tawanan sa hindi kalayuan at ang hampas ng alon ay parang guni-guni nalang sa kanya.

Nang hindi ito kaagad nagsalita. Hindi iya na nakayanan at iminulat ang mga mata para tignan ito at ang reaksyon.

His eyes, despite of the dim lights, were sparkling like the beautiful stars above the dark skies. Ang ngiti sa labi na kahit gaano pa piliting itago ay sadyang sumusugat. At wala itong magawa kundi hayaan ang sarili na malunod sa tila nakakabaliw na saya na ibinigay niya rito.

"Are you... sure?" he 's still couldn't believe.

"Yes."

Kitang-kita niya ang pagkamangha sa mukha ni Grego. Tapos nang hindi napigilan ay hinilamos ang mukha gamit ang palad habang natatawa.

"Alam kong mabuti ang intensyon mo sa akin. Sapat na rin ang pagkakakilala ko sayo para pagkatiwalaan kita. I appreciate all your effort to show how you cares for me. Maswerte ako, Grego. Dahil sa dami ng babaeng humahanga sayo, ako parin ang pinili mo."

Sa tagal nang paghihintay, sa wakas ay dumapo na sa kanya ang napaka ilap na swerte. Nang muling umihip ang hangin ay pumikit siya at humiling na sana ay magpatuloy na ang lahat ng magagandang bagay na nangyayari sa buhay niya.

Naramdaman niya ang yakap ni Grego sa kanya pagkatapos lihim na humiling. Tila simbolo 'yon na ang swerte ay talagang yayakap na sa kanya at hindi na mawawala pa.

La Carlota 1: Reaching the SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon