CHAPTER 52

39.3K 1.1K 90
                                    

LORELEI

     "SAAN tayo pupunta?" Takang tanong ko kay Malcolm

Pagkahatid kasi namin kila Mama sa bahay nila Mommy ay umalis ulit kami. Hindi ko alam kung saan kami dadalhin nito

"To our house." Sagot nito. "Kailangan na nating bumukod."

"Bumukod?" Napakunot noo ako. "Paano sila Mama?"

"Don't worry about them. They will be fine with my parents." Tugon nito. "Nico always teased me. Kailangan daw ibahay na kita and I will do that now."

"Papa bakit po gagawin mong bahay si Mama?" Sabad nung madaldal naming Anak. "Ayaw po."

"Hindi yun ang ibig sabihin ng Papa mo." Sabi ko dito. "Teka. Diba ang turo ni Mama huwag sasabat sa usapan ng mga matatanda?"

"Sa bagay." Nagkibit balikat ito bago ulit sumandal at nagpatuloy sa pagce-cellphone

Grabe itong batang ito.

Ilang minutong biyahe pa ay lumiko kami sa isang subdivision. Nag-drive papasok si Malcolm. Napaamang ang bibig ko at napamangha nang huminto kami sa isang kulay berdeng Gate

"Let's go." Nakangiting aya ni Malcolm bago bumaba

Sumunod na lang din ako. Buhat na ni Malcolm si Cole nang makababa ako

"Papa, bahay natin ito po?" Tanong ni Cole.  "Laki,  dami kong mauuwing chicks dito."

"Bunganga mo!" Sita ko dito. "Anong chicks chicks ka diyan? Sinong nagturo sa iyo niyan?"

"Si Papa Nico." Sagot nito. "Masarap daw yung chicks po pag fresh. Pero diba masarap yun kapag prito?"

"Remind me to punch my brother if we met them." Sabi ni Malcolm. "Cole. Next time don't listen to your Tito Nico okay?"

Tumango lang si Cole.

Hinawakan ni Malcolm ang kamay ko at hinila ako papasok sa loob ng gate. Sinalubong kami ng tatlong naka-men in n black

"Park my car." Inabot ni Malcolm ang susi niya sa isa sa mga men in black. "Pakibantayan din ang gate. Don't let anyone to come in without my permission."

Nag bow lang yung tatlo bago gumilid. Tumuloy kami sa paglalakad sa malawak na garden. May malaking fountain sa gitna na may istatwang dolphin sa ibabaw

"Papa gusto ko ligo doon po." Tinuro ni Cole yung fountain. "Papa ligo ako doon po. Baba."

"You can't take a bath there." Sagot dito ni Malcolm.

Ngumuso lang si Cole.

Pumasok kami sa loob ng bahay.  At napangiti ako nang makita ang ganda nito. Halatang organisado ang bahay. Walang second floor pero ang ganda tingnan at malawak.

"Do you like it?" Tanong ni Malcolm

Nakangiting lumingon ako sa kaniya. "Ang ganda. Simple pero organisado"

Binaba nito si Cole. "Let me show you our room. "

"Anong our room? Si Cole ang katabi ko." Inirapan ko siya. "Hindi porket mabait ako sa iyo ay tatabihan na kita. Abusado ka masyado Sullivan."

"Dadating din naman tayo doon." Hinila ako nito paakyat sa hagdan na may isang palapag.

Binuksan nito ang nasa kaliwang pinto. Bumungad sa akin ang malawak na kuwarto na plain na puti ang kulay.

"We have a secret make love room here." Nakangising sabi nito. "It's sound proof Wife.  We can d–"

Malakas ko siyang tinampal sa braso. "Sasamain ka sa akin Malcolm. Ang bastos ng bunganga mo baka marinig ka ng Anak mo–Teka. Nasaan si Cole?"

Bumalik kami sa sala pero wala na doon si Cole. Yung cellphone ni Malcolm na pinaglalaruan niya kanina ay nasa sofa na.

"I'll check the kitchen." Sabi ni Malcolm

Nagtungo ito sa kusina pero nang bumalik ito ay wala si Cole

"He's n–"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang makarinig kami ng ingay sa labas.

"LAMIG DITO PO HAHAHAHAHA!"

Nagkatinginan kami ni Malcolm. Lumabas kaming dalawa at ayun nakita namin si Cole na hubo't hubad na naliligo sa Fountain.

Yung mga tauhan naman ni Malcolm ay nasa harapan niya at hindi alam ang gagawin. Basang basa na sila at dahil malamang iyon kay Cole

"Caelus Cole Andrei Estrella Sullivan!" Tawag ko dito kaya napatingin siya sa amin

Tumawa lang ito bago magtampisaw sa fountain.

"Ligo ako po." Tumatawang sabi nito

Napatingin ako kay Malcolm na napailing iling na lang bago lumapit sa Anak. Lumapit na lang din ako

"Papa ligo din ikaw po." Tumungtong si Cole sa bato at hinablot ang damit ni Malcolm. "Bilis Papa hubad na ikaw po."

Hinawakan naman ni Malcolm si Cole at inalalayan para hindi malaglag.

"Bawal maghubad dito si Papa." Sabi ni Malcolm sa Anak. "Magagalit ang Mama mo."

"Bakit ako magagalit? Kahit maghubo't hubad ka diyan wala akong pakielam!" Inirapan ko ito

"Okay." Nagkibit balikat si Malcolm bago ibaba sa tubig si Cole

Unti unti nitong hinubad ang suot niyang t-shirt. Pakiramdam ko ay uminit ang atmosphere nang tumambad sa akin ang putok na putok niyang katawan.

Nanlaki ang mga mata ko nang tanggalin niya ang sinturon niya. Akmang ibababa niya yung pantalon niya kaya mabilis ko siyang binato ng tsinelas.

"Magboborles ka diyan talaga? Mahiya ka nga!" Sita ko dito

"I thought you don't care?" Ngumisi ito

"Wala talaga. Mahiya ka lang kako. Paano kung ma-picturan ka diyan? Ede sira din repostasyon namin ni Cole?" Hindi talaga nag iisip kahit kailan

"Then let them enjoy my body." Mayabang na sabi nito

"Ah ganon?" Hinawakan ko ang laylayan ng damit ko. "Maghubad na lang din ako."

Sumeryoso ang mukha nito. "Go on. Gagawa tayo ng triplets na bunso."

Hinubad ko ulit ang isang tsinelas ko at binalibag sa kaniya. Iniwasan niya lang ito bago tumatawang lumusong din sa fountain.

"Gagawa kayo ni Mama kapatid ko? Sali ako!" Masayang sabi ni Cole

"It's bad for you son. Tsaka na kapag malaki kana." Sagot nito sa Anak

Siraulo talaga!

Mafia Obsession: Colm Sullivan [COMPLETED]Where stories live. Discover now